Chapter 2

969 51 0
                                    

Chapter 2

Sabrina's POV

MATAPOS ang klase ko dumeretso agad ako sa classroom ni Gracy. Tiningnan ko kase muna yung schedule niya bago kami umalis at ngayon nga ay kakain kami ngayon. Diretso lang akong naglalakad ng may mahagip yung mga mata ko yung lalaki, yung lalaking naghatid saakin sa dorm ko at dahilan kung bakit ako napapaisip ng kung anu-ano sa paaralan nato ngayon at dagdag mupa yung sinabi ni Gracy na nagpadagdag pa lalo sa kabog ng dibdib ko.

"Huwag kang mabighani sa ganda at linis ng paaralang ito, dahil hindi lahat ng makikita mong maganda ay pupurihin muna. Wag kang magtiwala sa ganda dito dahil jan sa pagtitiwala mo iyan ang ikakapahamak mo"

Napasabunot nalang ako sa ulo ko dahil di ko parin nakakalimutan yung sinabi ng lalaking ito. Anong wag magtiwala sa ganda? Anong ito ang ikakapahamak ko? Ahh! Sabunot ko ulit sa sarili mo.

"May problema ba ate?sabihin mo saakin baka makatulong po ako. " Sabi ni Gracy na nakangiti.

"Kilala mo ba si Yuan, Gracy?" Tanong ko sabay upo at umupo nadin ito bago sumagot.

"Ahhh, si Yuan Velazquez, napakabait po niyan ate, mukha po siyang barumbado, pero mabait po yan siya ang tumulong saakin nung umiiyak po ako sa sulok." Tuwang tuwang sabi ni gracy saakin. "Crush mo no. ate, Uyy si ate, crush si kuya Yuan" Nakakalokang sabi saakin ni Gracy "Bagay kayo ate isang mukhang demonyo at isang demonyita, hahaha joke." Bigla ko syang binatukan hindi parin sya tumitigil sa pagtawan ng biglang may isang bulto na tumayo sa harap namin isang babaeng matalim ang tingin.

"Can you f*cking shut up?! Did you hear your voices?, huh? Mga basura pala, kaya pala hindi alam kung ano ang batas sa paaralang ito."
Palihim na natawa si Gracy sa mga sinabi nito dahil wala naman talagang katuturan yung sinabi nito. "Trash!" Nagulat nalang ako ng sinaboy saakin ng babae yung hawak niyang basong may laman na tubig. Kumuyom yung kamao ko at bumwelo na akong susuntikin na itong walang hiyang babae nato ng may magsalita sa likod.

"You shouldn't done this sh*t Jacqueline, you're proving yourself that you're a b*tch, Now go!" Sabi ng lalaki dun sa impaktang kala mo hindi mabubuhay kapag walang make up, ang kapal na nga ng mukha kapal pa ng makeup.

"O-opo, Vice." Parang nabahag ata yung buntot nitong si babaeng to.

"Eto ohh, magpunas muna kayo at pagtapos niyo dumeretso na kayo sa dorm niyo at magpalit." Sabay abot niya saamin ng panyo at nagpunas naman agad kami at nagpaalam nadin.

"Salamat, sige mauuna na kami salamat dito ibabalik ko nalang ito sayo pag nagkita ulit tayo." Nakangiting sabi ko at akmang maglalakad na ng magsalita ulit siya.

"Uhm, Hey what's your name? Im Xander Yu Vice president of this school." Sabi niya ng nakangiti, Kung makangiti eh.

"Ako po pala si Gracy ito naman po ay si ate Sabrina ganda po no." Tiningnan ko ng matalim si Gracy dahil sa sinabi like enebe.

"Sabrina." Nakangiting sabi ko at nilahad ko yung kamay ko at inabot nya naman at nakipag shake hands ako, No wonder his handsome, his dark deep eyes, his long eyelashes and his lips that every girl had dream of. at matapos ng pagtitig ko sa kanya ay tinanggal ko yung kamay ko ng may maramdaman akong napakalakas na aura. Napakalakas nito na parang isang maling galaw namin ay mamamatay ako,kami. Isang pagkakamali mamamatay kaming tatlo kaya agad kong hinila si Gracy at nagpaalam na kay Xander sa dorm namin ng makarating kami ay binitawan ko na yung kamay niya at taka akong tiningnan.

"Bakit po ate? may masama po ba sayo?" Taka nyang tanong saakin.

"Gracy naalala mo pa ba yung sinabi saakin ni Yuan yung kinwento ko sayo." Tumango naman siya saakin.

"Opo ate naaalala ko pa yung sinabihan ka diba may sinabi din ako sayo at-"Pinutol ko na siya sa sasabihin niya.

"May naramdaman ako Gracy, naramdaman ko na may isang tao ditong napakalakas ng aura nya. nagpaparamdam ito." Nagulat naman si Gracy sa sinabe ko at parang maiiyak na dahil sa kaba "Parang isang maling galaw lang natin mabubura tayo." Saad ko na lalong nagpakaba kay Gracy.

"H-hindi Ate ayoko pang m-mamatay dito, kahit na wala akong naramdaman ngayon ate naramdaman ko naman siya nung nakaraang araw nung umiiyak ako, nakakatakot ate, nakakatakot ayoko pang mamatay, ate!" Umiiyak na siya habang sinasabe yun, lumapit naman ako sa kanya at niyakap sya.

"Shh, tahan na hindi tayo dito mamamatay. Tatagan mo lang ang loob mo, Gracy. Wag ka munang panghinaan ng loob." Tumango naman sya bilang sagot at kumalas sa pagkakayakap ko. Naglakad na ako at bago ako lumabas ay binalingan ko muna siya ng tingin bago isara yung pinto.

Dumiretso na ako sa canteen kung saan ko naramdaman yun nililibot ko yung paningin ko habang naglalakad ako at baka makita ko at maramdaman ko yung napakalakas na awra pero habang naglalakad ako bigla akong bumangga sa isang lalaki. Pag angat ko ng tingin nakita ko si Yuan at napayuko ako ng walang dahilan dahil sa uri ng tingin na binibigay niya saakin tumingin ulit ako sa kanya pero bigla siyang nagsalita na kinayuko ko ulit. May mali eh, may mali akong nararamdaman sa taong to.

"Tititig ka nalang ba jan?" Sabi nya at napakagat labi nalang ako dahil sa hiya at dahil sa nararamdaman ko dito."Kung ano man yang hinahanap mo wag munang subukan. Wag kang gagawa ng dahilan para puntiryahin ka nila" Nakatingin ito ng derekta saakin. "Dahil sa oras na may ginawa kang hindi nila nagustuhan." Huminto ito saglit at nilapit ang mukha saakin. "Humanda kana." Sabay alis nito. Mas dumoble ang kaba ko sa paaralang ito, Marami pakong di alam dito. At yung hindi ko magandang nararamdaman sa taong ito, Nakakatakot.

-----
A/N

Be safe mga mambabasa<3

Imperial Academy(school of demons) (✔Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon