Chapter 27

325 17 0
                                    

Chapter 27

Sabrina's POV

HINIHINGAL na napaupo silang apat sa isang upuan at kahit anong pilit nilang apat ay kailangan na muna nilang magpahinga kahit saglit lang, tiningnan niyanang mga kasama niya at kapwa pagod at gutom nadin ang mga ito. Tumayo siya at kumuha ng tubig at uminom, pagtapos niya namang uminom ay iniabot niya ito kay, Gracy at kinuha naman nito at ininom.

"Salamat, ate. Sana po, ok lang si kuya Xander, kung 'di po sana ako nabaril sana po kasama pa po natin siya." Nanghihinang saad nito at lumapit ako dito at hinawakan ang kamay.

"Wag mong sisihin ang sarili mo, Gracy. Mayroon talagang taong nagsasakprisyo para sa taong mahal nila at isa nado'n si, Xander dahil mahal niya tayo. At ako handa akong magsakripisyo para sa inyo." Hindi ito nagbigay ng ano mang reaksyon kaya tumayo na ako at inilalayan itong tumayo. "Tara na, at baka maabutan pa nila tayo dito."

Tumango ang mga ito at tumayo nadin. Saktong pagtayo namin ng may pagputok sa pwesto namin at nagsiyuko kaming lahat. Hinawakan ko sa ulo si, Gracy at inalalayan ito habang nakatago kami, tumingin naman ako sa mga nagpaputok samin at nakita ko sila, Diane. Tumakbo ang mga ito papunta sa pwesto namin, mabilis kaming tumayo at tumakbo.

"Mauna na kayo, susunod nalang ako." Saad ni, Yuan. Tiningnan ko ito ng may pagtataka.

"Pero, Hin-" Inilagay nito ang daliri sa bibig ko at inilapit nito ang mukha nito sakin at hinalikan ako sa pisngi.

"I like you, Sabrina." Nabigla ako sa sinabi nito at nabalik lang sa huwisyo ng muling magpaputok sila, Diane. "Now, go. Pangako, babalik ako, Sabrina, babalik ako."

"Wag kang mangako, kung hindi mo naman kayang panindigan, Yuan." Ngumiti lang ito sa'kin at hinila na ako ni, Stacey. Lumingon ako dito at nakatingin lang ito sa'kin at ngumiti ng saglit at humarap na muli ito kila, Diane.

Hawak ko si, Gracy at mabilis kaming lumiko sa may building at inalalayan ko si, Gracy at mabilis kaming tumakbo palayo sa lugar nayun. Tiningnan ko si, Stacey at walang emosyon na nakabakas sa mukha nito at maski nadin si, Gracy ay walang pinapakitang emosyon. Tumigil ulit kami at nagpahinga sa isang tabi.

"Sabrina, kung sakaling masundan ulit tayo nila, Diane mauna na kayo ni, Gracy at ako ng bahala sa mga 'to. Tutal siyam nalang naman tayong natitira at mahalagang ikaw ang mabuhay. Protektahan mo ang na sayo ngayon, Sabrina." At hinawakan ako nito sa braso. "Alam kung ako na ang susunod, Sabrina, alam kung ako na ang mamamatay."

"No-" Umiling ako at kinuha ang kamay nito na nasa braso ko. "Hindi ka mamamatay, ok?, susunod pa sila Xander sa'tin, susunod pa si, Yuan at Paulo at alam ko na tatlo diyan sa siyam ay sila.. Babalik pa sila, babalik pa sila, Stacey."

"Sab-"

Pinunasan ni, Gracy ang luhang tumutulo na sa mata ko. "Wala ng mamamatay, ok. Kung pwede nga lang antayin nalang natin sila dit-"

Bigla ako nitong sinampal na kinagulat ko at may luha nading tumutulo sa mga mata nito. May lungkot at galit na'tong pinapakita niyang emosyon sa mata. Hindi ko malaman kung saan nanggaling ang emosyon nayun. At alam kung susunod pa samin sila, Yuan.

"Sabrina, wala kanang aantayin pa, patay na sila, Sabrina. Patay na sila." Hindi ko magawang maniwala sa mga sinasabi nito pero posible nga itong mangyari at ayoko munang isipin yun.

"Hindi, hindi sila patay." Tumayo ako at tatakbo sana pabalik kung saan ito mga nagpaiwan pero hinatak ulit ako ni, Stacey at sinampal.

"Sabrina, please, realidad na ito na may taong nakalaan na mamatay at mabubuhay." Hindi ko na'to pinakinggan at nanahimik nalang. Ayaw kung isipin na gano'n ang nangyari.

--

"Oh, Yuan. Ikaw naman pala ang alay ng mga kasama mo, pero nakakalungkot lang 'di muna makakasama ang mga kaibigan mo." Saad ni Diane kay, Yuan. Nginisian  lang ito ni, Yuan at inangat ang bitbit na crossbow at pinihit nito ang gatilyo at natamaan ang baklang kasama nila.

"Patayin niyo!" Sigaw ni, Diane sa kasamahan at sumugod naman si Almira at Jacqueline. Nakatayo lang si, Diane at ang kasama pa nilang isang babae.

Mabilis na umilig si, Yuan ng barilin siya ni, Jacqueline at inihagis niya ang crossbow at kinuha ang baril sa tagiliran at pinaputukan ang mga ito.

"Ano tatakbo nalang na kayo habang buhay, President?" Saad ni, Jacqueline na nakatutok ang baril sa pinagtataguan nito at kung lumabas man ito ay patay agad 'to.

"Anong pakielam mo?"

"Tsk, walang kang kwenta, president. Mas inuna mo pa ang kapakanan ng iba kesa sa sarili mo." Dahan-dahang lumapit si, Jacqueline at nasa likod naman nito si, Almira. At ng nakita ng mga ito si, Yuan ay pinaputukan nila ito pero mabilis itong nakaiwas. Gumulong gulong si, Yuan at iniiwasan ang mga balang paparating sa kanya. At ng huling gulong niya ay nagpaputok siya at saktong tumama ang bala sa dibdin ni, Almira at nasapo nito iyon. Pero hindi inaasahan ni, Yuan na may balang darating pa na tatama sa ulo niya at dahilan para mawalan siya ng buhay.

--
By:LoveisBlind2209

Imperial Academy(school of demons) (✔Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon