Chapter 11

421 24 0
                                    

Chapter 11

"HI, ATE."

"Ibaba mo yan, Gracy. Hindi magandang biro yan." Pakiusap ko dito pero hindi nito pinansin ang sinabi ko.

"Ang sarap palang humawak ng baril, ate." Sabi nito at habang pinapaikot ang baril sa kamay nito at ngumisi. Nakakatakot na ngisi. Lumapit naman ako dito ng dahan-dahan.

"Gracy, hindi ikaw to. Ibaba mo iyan. Diba sabi ko tutulungan kita." Sabi ko at unti-unti pading lumalapit.

"Well, sorry. Hindi ako si, Gracy." At itinutok nito ulit ang baril saakin at kakalabitin na ang gatilyo.

"Gravy." Tumingin ako sa likuran at nakita ko si, Gracy?

"Anong ginagawa mo dito? Diba sabi ko magtago ka! Ako na ang gagawa ng paraan para makalabas ka dito." Bulyaw nito kay, Gracy.

"Gravy, kakampi natin si, Ate." Naluluhang saad ni Gracy sa kakambal nito.

"Anong kakampi?, hah? Nakita mo naman kung anong klaseng paaralan ito, Gracy. Ako lang ang kakampi mo dito tandaan mo!" Lumapit na si Gracy dito at hinawakan ang kamay na may hawak ng baril at unti-unting binaba.

"Please." Pakiusap ni Gracy sa kakambal nito at parang ibang klase ng pakikiusap ito. Parang may mali.

"Tsk." Tumalikod na ang kambal nito at pumasok sa banyo. Humarap saakin si, Gracy.

"Ate, pasensya na sa kakambal ko." Lumapit ito at hinawakan ang kamay ko. "Gano'n lang talaga iyon. Pagpasensyahan muna po kung natakot ka nito. Pinoprotektahan lang po ako nito, tulad nyo po." Pumi-pisil ito sa mga kamay ko.

"Ok lang, pero natakot talaga ako dito. Grabe palang yang kakambal mo." Sinundan ko ito ng tawa at siya namang labas ng kakambal nito sa banyo. Tumingin ito kay Gracy at sabay ngisi nito.

"Siguraduhin mo lang na mapagkakatiwalaan yang, Sabrina nayan. At diba siya yung babaeng mainit na sa mga mata ng tao dito." Tumingin ako dito sa sinabi nito.

"Oo." Sagot ko.

"Baka madamay kami ng kakambal ko dahil sa pinaggagawa mo." Sagot pa nito saakin at medyo nagkakainitan na kami kaya umawat saamin si, Gracy.

"Gravy, matagal na akong damay dito. Kaya awat na muna, ok?" Umiwas na ako ng tingin at umupo sa kama ko.

Tumingin naman ako sa orasan ko at ala siyete na pala at limang oras nalang bago magsimula ang laro.

"Pagkasimula ng laro aalis agad tayo dito. Masyadong delikado kapag nanatili pa tayo dito, maliwanag?" Napatingin ako sa sinabi ni, Gravy.

"Bakit?" Tanong ni Gracy sa kakambal.

"Masyadong mainit yang, Sabrina nayan sa mata ng tao dito  at baka puntahan tayo dito. Kaya dalin nyo na yung mga kakailanganin nyo. May alam akong pagpupwestuhan natin." Sumangayon nalang ako sa sinabi nito dahil tama naman. Masyadong delikado kapag nanatili kami dito at hindi magpapaligoy-ligoy ang bruha at puntahan agad ako dito.

DINALA kami ni, Gravy sa tuktok ng isang building dito at marami kaming natatanaw dito at hindi kami gaano pansin. Mukhang pinagplanuhan talaga ng babaeng ito ang mga mangyayari, ibang iba ito sa kakambal niya.

"Dito tayo mananatili, hanggang sa magsimula ang laro, at mahihirapan sila mahagilap ka dito. Hayaan muna natin magubusan ang mga ito bago tayo lumabas at-" Inilapag nito ang bitbit na sniper at ipinuwesto ito duon na nakikita ang mga napapadaan na estudyante. Matalino ito at madiskarte at iyon ang pinagkaiba ng dalawa. "Syempre magbabawas nadin tayo. Meron ka namang bitbit na sniper, diba, Sabrina. Tulungan mo ako at pumuwesto ka doon sa gilid at ng hindi tayo gaano mahalata."

Tumango naman ako sa mga sinabi nito. Magiging sunod-sunuran muna ako dito dahil para din naman saamin ito.

Ala una na at isang oras nalang ay magsisimula na ang laro. Tumanaw ako gamit ang sniper at wala ng gaanong tao ang nasa labas. Hanggang sa makita ko ang taong nagpapakaba saakin. Si, Yuan. At napansin yata nitong may nakatingin dito dahil luminga ito saglit at may tinanaw. Nakatingin ito ngayon sa gawi ko ng may ngisi sa labi. At nagpahiwatig ng, sge lang.

Umalis ako sa pagkakamasid dito at sinapo ang dibdib dahil sa kaba at takot. Paano nito nalaman na ando'n ako. Masyadong malayo ang puwesto namin dito at hindi ko magawang maniwala pero, totoo. Nakita niya ako.

"Bakit po, ate?"

"Ahh, wala. Sge, magpahinga ka muna jan, Gracy. Kami na bahala dito." Tumango lang ito at nahiga na sa dala nitong sapin at bag naman nito ang gamit na unan.

"Parang nakatingin sayo yung lalaking ito, Sabrina. Kilala muba ito?" Napatingin naman ako dito saglit at pumunta ulit sa sniper ko na nakapuwesto doon. Hindi padin ito umaalis sa puwesto nito at nakatingin padin sa gawi ko.

"Oo." Saad ko.

"Mukhang mapapakinabangan natin ang isang to. Malaki-laking tulong ang maiiambag nito." Hindi ko nalang ito pinansin at tumingin kay, Gracy. Mahimbing na ang tulog nito doon.

Tumingin ulit ako sa sniper at saktong pagtingin ko ay umalis na si, Yuan. Masyadong kampante si, Yuan. Nakikita ko ito at natatakot ako para dito.

--

By:LoveisBlind2209

Imperial Academy(school of demons) (✔Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon