𝘾𝙝𝙖𝙥𝙩𝙚𝙧 𝙤𝙣𝙚

8.3K 258 38
                                    

Chapter one

"Karen, you won't believe what just happened!" Napakurap ako ng ilang beses dahil sa sobrang lakas ng boses ni sha, buti na lang at inilayo ko ang cellphone ko at hindi gumamit ng earphone.

"Sha, kung ano man yan, di pa pwede ipag bukas na lang yan? Gaano ba kaimportante yan at kailangan mo ako gisingin ng alas tres ng madaling araw?" Inaantok na tanong ko at tumingin sa orasan na nakasabit sa pader. The clock reads 3:14 am.

"Importante to ghorl, si Carl nag chat back sakin! Nagsabi sya ng hi!" Kinikilig na sabi nya at tumili uli na halos rinig na ng mga kapitbahay. Kailan ko pa ilagay ang phone ko sa ilalim ng unan kahit naka low volume na ito. Oh my god, this girl. I cannot---

"Ginising mo lang ako dahil dyan?" Inis na sabi ko.

"Well duh! This just proved na natupad ang wish natin! How about you, ano na nangyare sa wish mo?" Excited na tanong nya.

Naramdaman ko ang pagkatuyo ng lalamonan ko kaya tamad na tumayo ako mula sa kama. My bones cracked when I stretched my arms. Napansin ko sa peripheral vision ko ang isang anino mula sa bintana ng kwarto ko.

The sight give me chills to the bone.

May isang lalaking nakatayo sa street lamp between sa bahay namin at ng bagong kapit bahay, hindi ko makita kung sino ito dahil nakasuot sya ng black hoodie. Kaya ko nalaman na lalaki sya dahil sa bulto ng kanyang katawan, there's no way na babae yan.

To add more effect, biglang nag blink ang ilaw ng paulit ulit sa ibabaw nya. What's more terrifying is the person looking at my direction. This is just straight out of a horror movie.

"Karen?" Nag-aalalang tawag ni sha sakin. Halos makalimutan ko na nasa kabilang linya pala sya.

"S-Someone is standing outside my house." Mahinang bulong ko, as if maririnig ako ng taong nasa labas ng bahay.

"Omygod! Should I call the police?!" Nagsimula ng mag panic si sha, not knowing what to do.

I tensed up ng tuluyan ng namatay ang street light sa tapat ng bahay, making it impossible to see the man in black. Matapos ang ilang segundo, bumalik uli ang ilaw, but the man was gone. There's no sign of trace of him.

"He's gone." I released the breath I was holding. Pero hindi parin ako mapakali, what if pumunta pala sya sa front door or isa sa mga windows sa first floor?

"Thank goodness." Nakahingang ng maluwag si sha na kanina pa nagpapanic.

Napadapo ang paningin ko sa bintana ng bagong kapit bahay ko.

His bedroom lights are on.

***

"Sweety, baka gagabihin ako ngayon dahil may kakausapin akong importanteng client. I'll just leave the keys under the doormat. It's the best to leave the keys dahil the last time na ibinigay ko ang susi ng bahay sayo sa school, na misplace----"

"I know I know. Basta ilagay mo lang sya ng walang nakatingin sayo. Mahirap na panahon ngayon. I have to go ma, love you." Before she can say anything else, hinalikan ko sya sa pisngi at lumabas ng bahay.

"Ah Mrs. Maple, magandang araw po." Bati ko sa isang matanda na dinidiligan ang kanyang mga halaman. Mag isa lang nakatira si Mrs. Maple sa bahay nya, sya ang kapit bahay namin sa left side ng bahay habang ang bagong kapit bahay ay nasa right side.

Tumingin si Mrs. Maple sa direksyon ko. She needs to squint her eyes a little bit para makita ako.

"Iha magandang araw din sayo. Ingat papunta sa eskwelahan." Masayang bati ng matanda.

Nginitian ko na lang sya at magsisimula na sana maglakad papunta sa school ng biglang bumukas ang pintuan ng bagong kapit bahay ko. Lumabas si William na suot ang isang napakapamilyar na uniform ng school na pinapasokan ko.

As if sensing my stare at him, tumingin sya sa direksyon ko at nagtama ang paningin namin. Napatitig kami sa isa't isa.

"Ah young love." Mahinang bulong ni Mrs. Maple sa likod ko. Sinubukan ko ngumiti kay william, pero dahil sa sobrang kaba para ako nag mukhang tanga. Madaling iniwas ko ang tingin sa lalaking nasa harapan ko at nagpatuloy na sa paglalakad.

Mga nakaka sampong hakbang pa lang ako ng marinig ko ang isang tunog ng makina. Isang kotse ang tumigil sa gilid ko, it's not fancy like Lamborghini or some shit, its a simple black toyota 86. The window rolls down at tumingin si William sakin.

"Get in." He command. Napataas ang kilay ko dito. He's not asking me to get in, he's ordering me to get in.

"Thank you for the offer Mr. Salazar, but I'm in the mood for a bus." I declined bago ipinagpatuloy ang paglalakad ko.

This guy is giving me a creep vibes, tsaka yung timing and similarity nya sa lalaking hiniling ko sa balon is too creepy as hell. Kung hindi ko lang alam na hindi naman talaga totoo yang wishing well, talagang matatakot ako sa lalaking to.

There's a lot of people who already debunked that wishing well kaya there's no way natupad ang wish ko. The name is just a coincidence, marami naman may pangalan ng prince william? I think it's a common name at pinagpala lang sya sa looks.

Muntik na ako mapatalon sa gulat ng halos ibunggo ni William ang bumper ng kotse nya sa pader na nasa gilid ko dahil bigla nyang hinarang ang kotse nya sa harapan ko. Who the fuck drives their car in the side walk?! This guy is insane!

"Get in." He said again.

Napatingin ang mga tao malapit samin ng makita nila ang nangyare, pati yung mga kotse sa likod ni William bumubusina sa sobrang galit. Buti na lang at walang police office dito.

Wala na ako nagawa kundi ang pumasok sa passenger seat, total literary nasa harapan ko na ang passenger seat.

The moment na isinara ko ang pintuan ng kotse, I head the soft sound of lock immediately.

•••

Author's note: there you go, our first chapter! What do you think of William so far? Sino kaya ang man in black? Abagan~

[Not edited]

Love Sick || Obsession Series #1 | DISCONTINUEDWhere stories live. Discover now