𝘾𝙝𝙖𝙥𝙩𝙚𝙧 𝙨𝙞𝙭𝙩𝙚𝙚𝙣

3.9K 160 28
                                    

Chapter sixteen

"WHAT?!" Inis na sigaw ko nang marinig ko ang sinabi ni sha. I don't care if I wake up William at this point, nawala rin sa isipan ko ang mga picture na nahanap ko sa kwarto nya, I will deal with him later.

"H-hindi ko alam k-kung b-bakit, p-pero sabi nya n-napilitan lang naman sya...." unmiiyak na sabi nya.

"Mapapatay ko talaga yang hayop na yan," naiinis na sabi ko.

"T-there's no need to be angry, kasalanan ko rin naman dahil masyado akong assumera..."

"No Sha, he can't just dumped you like that! Ano yan pinaglaruan ka lang tas iiwan ka sa ere pag nagsawa na? Makakatikim talaga sakin yan, I'll call you later okay? Ibabalibag ko talaga yang hayop na yan," gigil na sabi ko.

"W-wait Karen you have to hear this first---" ipinatay ko ang tawag at sinubukan uli buksan ang pintuan, but it has the same result.

I know I'm a terrible friend for just hanging up to her like that, but kailangan ko talaga kausapin ng harap harapan si Carl. I want to know kung ano ang dahilan kung bakit iniwan nya ang kaibigan ko.

Wala pa nga silang monthsary hiwalay na agad? Ano yan naglolokohan lang silang dalawa?!

"That door was customized, you can lock yourself inside. You need a key para mabuksan ang pintuan," William said behind me sabay hikab na para bang kagigising nya lang mula sa isang napakahimbing na tulog. I glanced at him at nakita syang casually na nanakasandal sa pader malapit sa hagdanan.

"Then give me your keys," I demand impatiently.

"No," he said stubbornly.

"William, I need to talk to carl URGENTLY. I can't deal with your attitude right now," iritang sabi ko at diniinan ang word na 'urgently' para sana hayaan nya na ako umalis at maunawaan na importante ang lakad ko. William narrowed his eyes at me.

"Your attitude..." he trailed off. I crossed my arms and tapped my shoes repeatedly on the ground, waiting for him to give me the keys.

"...turns me on," he finished off at ihinagis sakin ang isang set ng susi. Ramdam ko ang pagkapula ng mukha ko, but I immediately shrugged it off at sinimulan ng buksan ang pinto gamit ang mga susi.

Masyadong pasmado ang kamay ko kaya medyo nahihirapan ako ipasok ang susi sa keyhole, isama mo na rin na tagaktak ang pawis ko dahil bawat susi na ginagamit ko ay hindi kasya sa keyhole at hindi mabuksan ang pintuan.

Tangina ilang susi ba to? Mga nasa 20 ata to, buti na lang nasalo ko pa kahit man mabigat.

Rinig ko ang pagbuntog hininga ni William sa likod ko at lumapit sakin para kunin ang susi, kaso agad ko ito itinago sa likod ko. Napailing na lang sya sakin.

Aba ikaw nagbigay sakin nito tas ngayon gusto mo bawiin? I mean alam kong susi nya to, but who knows kung anong gagawin nya pag nakuha nya ang susi ulit! Baka hindi na nya buksan ang pinto!

Napahinto ako saglit nang makita ko ang isang napakapamilyar na susi ng bahay namin, alam kong ito yung susi ng bahay namin dahil may KS nakaukit dito. Bakit na kay William ang isang duplicate ng susi ng bahay namin?

"Wait here, magbibihis lang ako para samahan k---" I immediately cut him off.

"No, I will talk to Carl ALONE," I said with a stern voice, halata sa mukha ni William na hindi nya nagustohan ang sinabi ko dahil bigla lamang sya nanahimik.

Susubukan ko sana uli buksan ang pintuan nang magsalita ulit si William sa likod ko.

"The key is not one of those," blankong sabi nya, just in time sinubukan ko ang panghuling susi sa keyhole and surprise surprise, hindi din ito gumana just like the rest of the keys.

Agad ako tumingin sa direksyon nya at nakitang hawak nya ang isang susi and he swings it back and forth in front of me, as if taunting my chance to go outside.

Then, what's the point of giving me the keys kung hindi naman pala ito ang susi sa front door?! Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko.

"William...parang awa mo na, I really need to talk to Car---"

"You don't have to, I have the answers you are looking for," seryosong sabi nya. Tinaasan ko sya ng kilay, urging him to continue.

"You saw the pictures right? Yung mga pictures mo from highschool until now...magkakilala na tayo dati pa, Karen," mahinang sabi nya at umupo sa sofa.

He gestured to me to take a seat across from him, nagaalinlangan naman akong umupo sa harapan nya.

"Explain to me first kung bakit nasa iyo ang isang duplicate ng susi ng bahay namin...don't tell me ito yung nawawalang susi ng bahay namin?" I asked suspiciously. Tumitig sakin si William na parang nagdadalawang isip sa susunod nyang sasabihin.

"Yes, I'm the one who stole your key, your pictures and all of your things that had gone missing..." he closed his eyes as if he's afraid to see kung ano ang magiging reaksyon ko sa sinabi nya.

Panay bukas sara ang bunganga ko in shocked, kahit man gusto ko magsalita, not a single word escaped my mouth as my mind processed what he just told me.

Akala ko paranoid lang ako nung mga nakaraang linggo...it turns out na sya pala ang nasa likod ng lahat ng to? I don't know what to think anymore.

Is it even okay to trust him?

"Why? Why would you do that? Is there more than that? I want you to confess lahat ng ginawa mo William," I said in a weak voice, he flinched when heard my voice on a verge of tears.

Nararamdaman ko na ang mga luhang gustong lumabas sa mga mata ko. This is the first time I see William showing too much emotion, guilt, shame, anger and sadness.

"I'm the person who ruined your friend's business and....I threatened Carl to date your friend para magpanggap na totoo ang wishing well..." he said quietly and hang his head down in shame.

That was the last straw for me as I grabbed the small table beside me at walang alinlangang ibinato ito sa bintana, the windows shattering in pieces.

Before I can even took a step, William hugged me from the back.

"Please, I'm begging you...l-let me fix t-this...and explain myself kung bakit ko ginawa ng lahat ng to...just please Karen, I can't live without you...I-I can't imagine myself without you by my side...I-I can't...it's driving me insane....g-give me a chance to fix everything again...please..." I froze nang maramdaman ko ang pagkabasa ng balikat ko at nang marinig ko ang mga mahihinang hikab nya.

I can feel something wet from my eyes, hindi ko rin namalayan na umiiyak na pala ako.

"L-let me go...l-let me go..." umiiyak na sabi ko, maslalo nyang hinigpitan ang pagyakap sakin.

"Please, give me a chance...to fix everything again."

•••

Author's note: okay so im not a fan of emotional scenes kaya I dont know if i did a good job at this chapter, sana maunawaan nyo na amateur writer lang ako at walang experience XD

The reason why I am trying to write this type of story is because i wanted to at least write my fantasies hohohoho gets mo? Writing a story is a way for me to escape reality and create my own world kaya talagang gusto ko isulat ang mga gantong type ng story kung saan obsess na obsess ang lalaki sa babae.

I already published na po ang book ng mga sex scenes natin! Title po "Making you mine [R18+]" check it out on my profile. (Please sa mga inosente dyan wag nyo na po ito basahin salamat)

P.s. hindi ko pa napublish ang first chap dahil tataposin ko muna itong story salamat!

Love Sick || Obsession Series #1 | DISCONTINUEDWhere stories live. Discover now