Narinig ko ang usapan nila at mukhang uuwi ng mag isa si Samantha ngayon pero ano naman kung uuwi siyang mag isa, alangan naman na ihatid ko siya sa bahay nila. Ano siya sinuswerte
Kinuha ko ang cellphone ko at tinext si Sander, nung nagdismiss kasi ang teacher namin ay agad siyang umalis balak ko pa naman na isama siya sa bahay at gusto siyang makita ni mommy.
Naghintay ako ng reply pero ilang minuto na ang nakakaraan ay wala pa rin akong natatanggap na reply. Nakakainis naman ang isang 'yun ni hindi man lang nagreply, makapunta na nga lang ng cafeteria tutal maaga pa naman at nakakatamad umuwi ng maaga.
Pagdating ko sa cafeteria ay nakita ko si Samantha na kumakain mag isa. Lalapitan ko na sana siya ng bigla akong napa isip
"Bakit ko naman siya lalapitan? aber Cedrick?" tumalikod na ako pero bago ako makaalis ng tuluyan sa cafeteria ay nakita ko siyang tumayo na din at pumunta sa likurang bahagi ng building namin, nagtaka ako kasi wala ng halos pumupunta dun.
Masundan nga siya
Patago ko siyang sinundan, nagtataka din ako kung bakita pupunta siya sa lugar na 'to na mag isa, may katatagpuin ba siya dito? Tsk! wala man lang taste at hindi marunong pumili ng lugar
Bakit dito siya pumunta? Wala pang katao tao
"San ba nag punta ang babaeng 'yun? Ang bilis niya naman atang maglakad"
Medyo nainis ako kasi bigla siyang nawala sa paningin ko. Napansin kong may isang pintuan dun na nakaawang at pag bukas ko nagulat ako sa nakita ko.
S-si Sander at Sam, MAGKAYAKAP?!
Sa hindi ko malamang dahilan ay para bang nagpintig ang ugat ko sa ulo at gusto kong manuntok sa mga oras na 'to.Nakaramdam din ako ng pang iinit ng mukha yung tipong parang gusto mong makapatay ng tao. ano bang ginagawa ng dalawang 'yun. May relasyon ba sila?
Dali-dali na kong lumabas sa lugar na 'iyon at pati ang mineral water na dala ko ay nasira na sa sobrang higpit ng pagkakahawak ko. NAKAKAINIS SILA. DITO PA NILA NAPILING MAGLANDIAN!!
xxx
SAMANTHA
Dahil sa wala akong kasamang umuwi ay tumambay muna ako ng cafeteria at bumili ng makakain. At mas lalo lang akong nadidepress kasi nakakawalang ganang kumain ng mag isa.
Alam ko na! dun nalang ako sa tambayan kakain para naman bumalik ang sigla ko, maaga pa naman eh kaya okay lang. Pumunta ako sa likod ng school at nung pag bukas ko ng pinto ay sariwang hangin ang tumambad sakin.
"Ang sarap talagang tumambay dito" napahikab ako at nakaramdam ng pagkaantok, tinanggal ko din ang salamin ko para makusot ang mga mata ko
pong..pong..pong
Kinabahan ako sa tunog na 'yun. Baka naman multo? Wag naman sana! Pupuntahan ko na sana kung saan nanggaling 'yung tunog na yun ng biglang.
"ARAY!"
Bakit ba di ko napansin na may nakausling kahoy dun. Tanga-tanga ka talaga Sammy. Ang laki mo na nadadapa ka pa rin. Teka 'yung salamin ko nawawala. Asan na 'yun? baka tumalsik nung nadapa ako!
*Kapa dito.
*Kapa doon.
Asan na 'yun? Ano to? Ang lambot naman nito. Paghila ko parang kamay
"Bakit may kamay dito? Oh no, may patay ba dito?"
*Panic mode*
Narinig kong may nagsalita na nakapagpadagdag sa kaba ko
"Hoy bakit mo hawak yang kamay ko?" hindi multo! may iba pa palang tao dito bukod sakin
"A-ah. ano kasi .Y-yung salamin ko."
Sino ba tong lalaking to? Naaninag ko naman na tumayo siya, kaya tumayo din ako. Mas matangkad siya sakin, at parang pamilyar ang hugis ng mukha niya pati na rin ang boses niya
"Y-yung salamin ko hinahanap k...."
Di ko natapos ang sasabihin ko ng naramdaman kong niyakap niya na ko.
"T-teka lang"
Ang bilis na naman ng tibok ng puso ko. Sino ba to? Teka, umiiyak ba siya. Bakit?? wala naman akong ginagawa sakaniya
"A-ayos ka lang? Umiiyak ka ba?" Hindi siya sumagot. Humarap sya sakin at kinuha ang kamay ko. Nilagay niya ang salamin sa kamay ko at saka tinitigan ako. Inangat niya rin ang kanang kamay niya at idinampi sa pisngi ko. Ramdam na ramdam ko ang malalambot niyang palad
Alam ko kilala ko siya. Bakit ganun. ang lungkot ng mukha niya. Pagkatapos nun ay dali-dali na siyang umalis. Parang nafreeze ang buo kong katawan.
Naka get over lang ako sa nangyari nung may narinig ako malakas na tawanan sa di kalayuan kaya naisuot ko na ang salamin ko. Nawalan na rin ako ng gana na kainin ang pagkain na binili ko kanina, hindi pa rin kasi mawala sa isip ko ang tungkol sa lalaking 'yun.
Bakit ang lungkot lungkot niya at sino ba siya?
***
YOU ARE READING
BOOK 1: The Transformation of a NERD (UNDER REVISION)
Teen FictionCOMPLETED - [Book 2 will be available soon]
Chapter 9
Start from the beginning
