CHAPTER 9

7.8K 164 1
                                    

CHAPTER 9

"ANG sexy naman ng best friend ko" Panunudyo ni Jamiah kay Cincy nang makalapit siya sa table nila sa bar.

She rolled her eyes and sat down next to a friend."Whatever Jam."

Jam chuckled,"what? Bawal ba na purihin ang kaibigan ko?" may panunudyo parin ang boses nito.

Napahinga na lang siya ng malalim, minsan talaga hindi niya makilala ang sariling kaibigan.

"Manahimik ka na nga lang dyan" Inis niyang aniya kay Jamiah. Tinawanan lang siya nito. "Gusto ko ng uminom, sino pa ba inaantay natin?"

"Basta, mag-antay ka muna dyan"

At dahil hindi pa sila—siya umiinom kinuha niya na lang ang cellphone niya saka binuksan, inopen niya ang data at pinindot ang app na messenger. Nakita niya ang message request dahil curious siya pinindot niya 'yon. Nangunot noo niya ng mabasa ang pangalan. Damon Charles.

Damon Charles

Hi Cincy, i hope you still remember me.

Dahil hindi niya kilala iyon ay itatanong niya na lang kay Jam, baka kase kilala nito ito.

Hinarap niya ang cellphone kay Jamiah para sana itanong kung kilala ba nito si Daming. "Jam, kilala—Lucifer?" Hindi niya na naituloy pa ang itatanong niya. Namilog ang mata niya habang nakatingin kay Lucifer na nasa harapan niya ngayon.

Tumingin sa kanya si jamiah kaya napatingin din siya dito.

"Surprise!" Anito habang nakangiti sakanya at bumeso. "Bye frenny! Magsaya kayong dalawa"

Hindi na siya nakapag react pa ng mabilis itong tumalima ng alis. Hindi siya makapaniwala sa kaibigan nya. Yinayaya lang siya nito hindi para mag celebrate, God!

"Who's that?"

Natauhan siya ng mag tanong si Lucifer. Tinignan niya ito, nakatingin ito sa cellphone niyang nakaharap pa rin sa pwesto ng kaibigan niyang si Jamiah kanina. Ito Sana ang balak niyang itanong pero hindi niya na naituloy.

Agad niyang pinatay ang cellphone saka itanabi sa gilid ng lamesa. "Wala—"

"Damon Charles, you know him?"

"Hindi, hindi ko siya kilala"

Kumunot ang noo ni Lucifer at bigla na lang sumama ang muka nito ba ipinagtaka niya. Mas Lalo pa siyang nagtaka ng padabog itong umupo sa harapan niya. Nakasimangot ito at nakakunot noo, hindi niya alam kung bakit naging ganito ito bigla. Di kaya bipolar ito?

"Akala ko ba kasama mo ang mga kaibigan mo ngayon? Nasan sila?" Tanong niya ng maalala ang tinext nito kanina sa kanya.

Oo nga naman, sabi nito sa text kanina ay magbabar ito kasama ang mga kaibigan nito, pero bakit ito nandito sa harapan niya naka-upo? lihim niyang nahigit ang hininga ng maalala ang huli nitong text na 'see you later' ito na yata 'yon, lihim siyang napahawak sa dibdib nya kung nasaan ang puso niyang bumilis ang pag tibok.

Tinitigan niya ang muka ng binata. Kahit Nakasimangot ito at nakakunot noo, ang gwapo parin nito sa paningin niya. Kahit kaylan naman hindi siya napangitan sa muka nito kahit ilang oras niya siguro itong titigan ay hindi siya magsasawa, dahil lalo lang siyang naguhulog. Nahuhulog? Is she falling inlove with this handsome guy?

I'm falling inlove with lucifer....

"Cincy" Napa-kurap kurap siya ng maramdaman niya ang marahan na tapik sa kamay niya. "Are you okay?" Tanong nito ng may pagaalala ang tono ng boses nito.

Napa-kurap kurap ulit sya. "Ahm...y-yeah, I'm okay"

Napatitig ulit siya sa mukha nito. Ang mukha nitong kanina ang kunot at nakasimangot ay ngayon wala na, napalitan ito ng pag aalala. Napangiti siya.

Obsession Of Lucifer Dark DixonWhere stories live. Discover now