CHAPTER 23: Work Area

Start from the beginning
                                    

Hindi naging madali ang set-up na iyon sa kanya. Hangga’t maaari sana ay gusto niyang magblend-in sa lahat ng katrabaho. Pero mapilit si Gino. Ang sabi nito ay delikado raw para sa kanya lalo na at alam ng lahat na may relasyon kami. Maaari raw akong ma-kidnap dahil marami raw itong kakumpitensya sa negosyo.

Gusto man niyang ipilit ang kagustuhan ay alam niyang mas makabubuti na rin iyon. Sapagkat pag nangyari mang ma-kidnap siya ay gagawin ni Gino ang lahat kahit ibigay pa nito ang buong kayamanan, maibalik lang siya ng buhay. Iyon ang sinabi nito sa kanya habang nagtatalo sila tungkol sa bagay na ‘yon na biglang ikinatahimik niya. Hindi rin naman niya kayang maatim sa sarili na maghihirap si Gino nang dahil lang sa kanya.

At dahil sa pagpayag niya ay marami tuloy siyang naririnig na bulung-bulungan sa loob ng opisina…

“San ka naman nakakita ng isang hamak na agent na may ganun kagarang sasakyan?”

“Tingnan mo na lang ang mga gamit… Daig pa ang boss natin…”

“And to think na wala pang bodyguards si boss ha…”

“Ano kayang trip nyan at nagtratrabaho pa dito? Eh barya-barya lang naman ang kita natin ah…”

“Uy di naman masyadong barya-barya. Malaki din naman ang kita natin ah. Ang sabihin mo barya-barya kung ikukumpara mo sa mga binibigay ng benefactor niya…”

Kahit pilit man niyang sabihin sa kanyang sarili na ayos lang siya ay nasasaktan pa rin siya sa sinasabi ng ibang tao. Malayung-malayo ito sa posisyon na mayroon siya dati. Tama nga siguro sila… Karma na ito sa kanya.

Ngunit sa kabila ng lahat ng mga masasakit na salitang naririnig ay sinisikap pa rin niyang makisama ng maayos sa mga katrabaho niya.

“Ahh, Mikaela, kamusta naman ang sales mo ngayong week. May nakuha ka din bang deal?”

Tanong ng isang bruha.

Mikay: Meron din. Pero dadalawa lang eh…

“Talaga? Buti meron kang na-convince…”

Tanong ng isa pang bruha.

Pilit lang siyang ngumiti dito.

“Anyway, mahirap naman kasi talaga ang makakuha ng deal ngayon eh. Pero buti na lang na-deal kong lahat ang clients ko this week…”

Yabang naman ng isa.

Mikay: Talaga? Ang galing mo naman, Celine…

“Syempre naman, Mikaela… Bihira na ang mga katulad ko ngayon… Chos!”

At sabay nagtawanan ang lahat ng naroon maliban siya. She doesn’t find it funny at all.

______________________________________

Nasa opisina lamang sila buong maghapon. May mga kanya-kanya silang cubicle work area. Bagama’t busy man sila ay wala siyang ibang naririnig kundi ang mga parinig ng kanyang mga katrabaho sa kanya. Pinipilit na lamang niyang magbingi-bingihan.

Maya-maya lang ay may narinig siyang pamilyar na boses sa loob ng opisina. Ngunit mukhang nasa malayong banda ang boses na iyon mula sa kinalulugaran niya. Hindi nga lang niya ito makita dahil nasa cubicle nga siya.

Gino: Ah, Miss, nandito ba si Mikaela Maghirang?

Hindi agad nakasagot ang pinagtanungan nito.

“Ha? Ah… Eh… W-Wala ata siya dito eh…”

Napairap si Mikay sa narinig. Pero hinayaan niya muna ang mga ito.

A Sweet MistakeWhere stories live. Discover now