30: Party in the HOUSE.

Start from the beginning
                                    

"Yaman sila eh", sagot ni Kris.

"hayaan nyo, magkakaroon din tayo ng ganitong bahay. Mas malaki at mas malawak pa", si Niel. Mapangarap talaga ang taong yan.

Nag-apir-an kaming lahat. Masaya at nag-eenjoy. Marami na rin palang tao. Seniors lang ata yung na-invite.

After 5 mins... Bumalik na si Julia na may dala-dalang juice. At may tiramisu pa. Ang sarap nun! Kahit puro icing. hahaha.

"Ooooh. Look who's here"

Nagtatawanan kami eh. Nang biglang may umepal. Kilala nyo ba kung sino?

Sina Bianca lang naman.

"Hoy anong ginagawa nyo dito?", tumayo ako. Lumapit sa kanila. Tinuro ang mga pagmumukha nila at sinigawan.

"We are invited. Duhhhh! Tanga ka ba?", tsss. ako, tanga? Mas tanga naman tong Bianca na to nuh.

"Ahhhh ako pa ngayon yung tanga. Sino kaya ang na-negative ang score sa Trigo kanina? hahahaha BOBA", ang tapang ko nuh? Totoo naman eh. maganda nga siya, sama naman ng ugali.

"op op op, tama na yan Beb. Wag patulan ang mga walang PINAG-ARALAN", pinagdiinan talaga yun ni Kris.

Dahil ayoko ng away at magmumukha lang akong walang pinag-aralan kung papatulan ko pa sila. Lumayo nalang ako at bumalik sa kinauupuan namin.

"Excuse me guys ah", paalam ni Julia. Kakausapin ata sina Bianca.

Haynako. Buti nga yun para mapahiya sila. Hmp! Nakakainis. Nakakasira ng Good Vibes. Ang yabang yabang. Kakapal naman ng mga make-up! TSE

---------------------------------------------------------------

JULIA's POV

"Ano ba yung ginawa nyo? Wag nga kayong mag-iskandalo", kinaladkad ko sina Biance palabas sa garden.

 

"Kinakampihan mo na sila ngayon?!!!"

 

"NO! Ang akin lang, try to be nice! Maganda tong planong to. It's all part of the plan", pagpapaliwanag ko.

Kung hindi ako magpapakabait NGAYONG GABI, hindi ko makukuha ang loob ng barkada.

----------------------------------------------------------

KATH's POV

Nagsasaya na ngayon ang barkada. Sayaw dito, kain doon. Ako, andito sa isang sulok, pinanonood ko sila habang humahalaklak sa tuwa. Nakatulala lang ako. Nganga!

Love Knows No End (Completed)Where stories live. Discover now