Chapter TWENTY THREE: Is it over?

Start from the beginning
                                    

"Do I really look angry? Natatakot ka ba sakin kapag mukha akong galit o seryoso?"

Napatingin ako sa mga mata ni Zeze na paranggg may ibang sinasabi. Hayyy Aeris. Kung anu-ano talaga ang nakikita at nararamdaman mo pagdating kay Zeze, hehe!

"H-Hindi naman Zeze. Atsaka, bakit naman ako matatakot sayo?" Kabado, oo, hehe. Pero ramdam kong ibang klase ng kaba yun. Sabi nila, ni kambal at nina Kimmy noon, love daw to. Totoo kaya? Love ko na kaya si Zeze? Eh bakit hindi naman ako kinakabahan pag kasama ko sina mama. Love na love ko pa nga sila e.

Mukhang kailangan ko na rin isearch yun. Edi dalawa na ang magiging misyon ko. Una, how to be a good housewife. Pangalawa, I love him or I love him not, hehe.

"You have reasons to be afraid. Hindi mo pa ko kilala."

O.o

Anoooooooo?

OMG!

Halaaaaaaa.

"M-may iba ka pa bang katauhan Zezeee? Nagiging aswang ka ba pag gabiii?! O tikbalang? O maligno?"

"Tss. I'm worst. Masama akong tao."

"Hindi naman Zeze a. Sa palagay ko nga, mabuti kang tao. Tapos, ang sipag sipag mong magtrabaho. At. Ang gwapo mo nga eh, kaso lang, palagi ka lang nakasimangot o kaya seryoso ang itsura. Subukan mo kayang mag-smile. Ganto oh" at hinawakan ko ang magkabilang gilid ng bibig niya para medyo banatin yun at ikorteng smile ang labi niya. Ganun ang ginagawa ko kay kambal noon lalo kapag nagtatampo siya. Mabisa naman kasi pagkatapos kong gawin yun sa kanya, kikilitiin naman niya ko at maghahabulan na kami sa loob ng bahay at madadamay na pati si mama.

Sayang nga lang at hindi na namin nagagawa yun ngayon kasi sa iba na ko nakatira tapos tawag lang ang palaging nagagawa namin.

Pero, masaya ko kasi nandyan naman si Zeze kahit busy talaga siya.

"Alam mo ba Zeze, sabi sakin ni mama, kaya daw alisin ng pagngiti ang lahatttttt ng problema sa buhay mooooo. O di ba ang powerful ng smile? Hehe. Kayaaaa, pwede bang mag-smile ka palagiii?"

~Ngiti lang ngiti lang

Pag mayrong problema

Ngiti lang, daanin sa ngiti at tawa.

Maaaring ngayon di mo malaman,

Ang mga sagot sa mga katanungan

Ngiti lang,

Maaayos din yan ngiti lang~

At habang nakangiti akong tinitingnan si Zeze, biglang hinawakan niya ang isang kamay ko na nagdulot ng panibagong pakiramdam sa akin.

Paranggg bigla akong nanlambot sa init ng kamay niya na humahawak ngayon sa kaliwang kamay ko.

"I wish. I wish I—"

Ano daw sinasabi ni Zeze?

Bakit paranggg di ko marinig?

Waaaaaaaa!

Paranggg may kuryenteng dumadaloy sa aking katawan perooo bakit di ako nababahala?

Bakit kahit nabigla ako, hindi ko magawang bawiin ang kamay kooo?

Paranggg... Paranggg...

Waaaaaaaa! Nababaliw na ata akoo!

Hindi ko na naintindihan kung ilang segundo ang lumipas pero napaatras lang ako bigla nang marinig ang isang pamilyar na boses at tawag.

Married to a Mafia BossWhere stories live. Discover now