Kabanata 20

8.2K 299 19
                                    

Hi, thank you so much for making it here. This is the last chapter of Same Ground excluding Wakas. Thank you for reading this! ✨

Kabanata 20

I always see myself stuck on the same ground as I watch him go. Honestly it was never a good feeling.

Ako palagi 'yung tumatakbo, ako palagi 'yung umiiwas, ako palagi 'yung lumalayo pero ako rin 'yung hindi nakakausad, ako rin 'yung nasasaktan, ako rin 'yung talunan.

My love for him is beyond what I can imagine, and the more it clears, the more it terrifies me.

But even with all the glitches in our story, despite our limitations, fears, and the lies that surrounds us, my love for him will always be constant in this chaotic world.

I promise that even when all else fails, I will always be brave enough to love him. Even when all else fails, I will always be there to love him.

Hindi ko maipaliwanag ang takot na nararamdaman ko papunta sa ospital. Tahimik akong umiiyak habang sinusuyod ang daan papunta sa emergency room.

Iniisip ko palang na tuluyang mawawala siya sa akin, nanghihina na ako sa sakit. Hindi ko kakayanin. Hindi na ko makakaahon.

Pinagsisisihan ko na hindi ako naniwala sa kanya, pinagsisisihan ko na masyado akong matigas, pinagsisisihan ko na palagi ko siyang iniiwan.

Una ko nakita si Castriel, kausap ang doktor.

Huminga ako nang malalim para kalmahin ang sarili pero para pa rin akong lumulutang sa kaba at takot. Hindi ako makahinga nang maayos.

"Matea," si Castriel pagkakita sa akin.

Pinahid ko ang luha ko.

I inhaled sharply.

"Nasan siya?" nabasag ang boses ko.

Nakita ko ang paghinga niya nang malalim bago tinuro ang kaliwa namin.

And there, I saw the love of my life casually talking with Via. Naka - upo siya sa hospital bed habang si Via ay nakatayo hindi kalayuan sa kanya.

Napaatras ako.

I heave a sigh of relief.

He's okay, fuck, thank goodness he's okay!

Kinagat ko ang labi ko as I ran my hands through my hair. Ilang buntonghininga pa ang ginawa ko, unti - unting kinakalma ang pusong kanina pa nagwawala.

"He's okay, just some scratches," si Castriel.

Nilingon ko siya at agad akong tumango.

"Thank you," I mumbled.

"Oh my gosh! Matea!" umalingawngaw ang boses ni Via.

Sabay kami napalingon ni Castriel.

Nagtama agad ang mata namin ni Rael.

Nakita ko ang pag - awang ng labi niya. Huminga ako nang malalim at mabilis lumapit. Naniningkit ang mga mata habang sinusuri ang mga galos niya sa braso.

Kumunot ang noo ko at agad nairita pagkakita sa galos sa ibaba ng kanang mata niya. Hinawakan ko ang mukha niya habang pinagmamasdan 'yon.

Kailan pa nakadagdag ng kakisigan ang galos? Pinigilan ko ang sarili ko umirap.

Natulala lang si Rael sa akin, tila hindi makapaniwalang nandito na ako sa harapan niya.

"Ayan kasi, motor pa more!" si Via.

Lalo tuloy sumama ang tingin ko sa kanya. Ang lakas naman ng loob mag motor!

He sighed heavily as he licked his lower lip, namumungay na ang mga mata ngayon.

Same Ground [ Costa Del Sol Series #2 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon