Kabanata 7

6.2K 232 25
                                    

Kabanata 7

Hindi ko nakita si Rael sa library kinabukasan at sa mga sumunod pa na araw.

Nakahinga ako nang maluwag pero at the same time ay medyo nalungkot din, napagtanto ko kasi na talagang ayaw niya akong makita at ako talaga ang dahilan ng galit niya.

Sigurado akong hinding hindi na ulit 'yon pupunta sa library dahil sa akin. Paniguradong ngayon na alam niya na kung saan ako lagi ay mas matatahimik na siya dahil alam niya na ang lugar na dapat iwasan.

Ang iniisip ko lang talaga ay ang practice namin para sa graduation. Kasalukuyan kami pababa ngayon sa plenary hall kung saan gaganapin ang practice at kabado ako na makita ulit si Rael.

Hindi ko alam ang gagawin ko. Should I just avoid making an eye contact with everyone? Para naman hindi ko na muli makita ang galit niyang mata.

Maingay na ang mga schoolmates namin pagbaba ng aming section, kagaya ng plano ko ay yumuko nalang ako at tahimik na sumunod sa pila.

Nga lang sa tagal mag simula ay hindi ko napigilan igala ang mata ko. Agad ko naman natagpuan ang star section. Kumunot ang noo ko dahil mukhang wala ang grupo niya?

Wala si Rael, maging ang pinsang si Arlo Carillo at ang dalawa pa na kaibigan. Huminga ako ng malalim at kinagat ang pang - ibabang labi.

Ewan ko sa'yo Matea! Ayaw mo na nakikita ang galit niyang mata pero gustong - gusto mo rin naman makita!

Napailing ako.

Bumaling nalang ako sa katabi kong si Via. Namumula ang pisngi niya habang may hinahanap.

Hindi ko masabi na talagang kaibigan ko siya pero mas madalas ko siya maka - usap kaysa sa ibang kaklase, siguro dahil na rin seatmate ko siya.

Mabait naman si Via, napansin ko nga lang na kagaya ko ay wala rin masyadong kaibigan. Kagaya ko noon bago ako lumipat sa school na ito, nilalayuan siya ng mga kapwa babae dahil may mga katangian siyang kinaiinggitan nila.

To say that Olivia is beautiful is an understatement. She's absolutely stunning and graceful. Halos lahat ng gawin niya ay maganda sa mata.

Must be the reason why boys always flock at her, dahilan para pag - initan ng mga inggeterang babae sa paligid.

Sa totoo lang ay hindi ko alam kung bakit may mga ganong babae. Siguro dahil hindi ko kailanman nakitang kalaban ang kapwa ko babae.

Females are never competition. I compete with myself. I compete with life.

“Via, okay ka lang? Bakit kanina ka pa parang may hinahanap?" Tanong ko sa kanya.

Nanatili ang kuryoso niyang mata sa akin pero kalaunan ay ngumiti nalang.

"Ah, hinahanap ko 'yung kaibigan ko. Hindi ko nga makita eh," sagot niya.

Tumango ako, siguro iyon 'yung kinu-kwento niyang kaibigan matagal na. Nasabi niyang sa rooftop nga sila palagi tumatambay nun, medyo weird lang dahil hindi sila nagkikita sa school grounds.

"Hmm, hindi ata lahat sumali sa practice kahit required. Wala rin ang grupo nila Rael eh," mabilis kong sagot.

Napakagat ako sa ibabang labi ko at napaiwas ng tingin sa kahihiyan. Bakit ko nabanggit ang pangalan niya? Does it mean I'm thinking about him a little too much?

Uminit ang pisngi ko at napatingin muli kay Via, mabuti nalang ay mukha siyang lutang at parang hindi napansin ang nasabi ko.

Ano naman kasi ang connect ni Rael sa pagkawala ng kaibigan niya hindi ba, Matea?

Same Ground [ Costa Del Sol Series #2 ]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant