Kabanata 18

7.6K 233 40
                                    

Kabanata 18

Sa unang pagkakataon sa buhay ko, gusto ko maging matapang.

Naisip ko na hindi talaga pwedeng manatiling duwag pagdating sa pag - ibig. Palagi, kailangan mo maging matapang sa pag sugal.

Hindi na importante ang kahihinatnan ng pinili mo, ang mahalaga ay naging matapang ka sa paglaban para sa pag - ibig mo.

Kung sakali man na mali ang desisyon ko na ito, kung sakali man na tuluyan akong mawasak, sigurado na ako, siya pa rin ang pipiliin ko.

I've spent all these years scared. Nakakapagod na matakot sa mga sitwasyon na maaring makasakit sa akin.

Dahil sa totoo lang, masakit pa rin naman. Walang pinagkaiba ang sakit na hatid ng pangungulila sa sakit na hatid ng pagkakamali.

Ang mahalaga ay wala kang pagkukulang sa pagpili sa kung anong totoong sinisigaw ng puso mo.

Iyon lang, sapat na para mapayapa ka na isang beses sa buhay mo, nanalo ang puso mo. 

"Matea, hindi talaga kami uuwi hangga't hindi ka nagsasalita," si Jacq habang binababa ang mga gamit sa couch.

Ngumuso ako at pumunta sa kitchen para uminom ng tubig. Si Vela naman ay naramdaman ko na nakasunod sa akin.

Nilingon ko siya. Nanliliit ang mga mata niya habang pinagmamasdan ako. Natawa ako.

"May something kayo 'no?" akusa niya.

Napailing ako at muling natawa.

Bakas ang pagod sa aming lahat dahil sa mahabang byahe at sa buong araw na trabaho para sa kasal ni Via.

Pero iba rin ang determinasyon ng dalawang ito dahil tumuloy talaga sila sa condo ko para ungkatin kung ano ang meron sa amin ni Rael.

"C'mon, siz, spill the tea!" si Jacq na ngayon ay humilata na sa couch at pumikit na.

I sighed.

See, that's what I'm talking about. Pagod na pero chismis pa rin ang inuuna.

“Jacq, sa guestroom ka na. Tabi nalang kami ni Vela. Pagod na pagod na tayo, bukas na ko magku-kwento!" pangako ko. 

I just heard him groan, bago tuluyang sinunod ang utos ko.

“Bukas ha! Promise!” si Vela bago ako tinalikuran para pumunta na rin sa kwarto ko.

Napailing ako sa dalawa.

Huminga ako nang malalim at napatulala.

Sa totoo lang, kabado ako. Naisip ko kasi na wala pa naman talaga akong napag kwentuhan tungkol sa amin ni Rael. I was so private, to the point na talagang kinimkim ko ang lahat simula nung una.

Ngayon na may mga tao na akong pinagnkakatiwalaan at handang makinig sa akin, hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman.

Kahit kasi si Tita Gella, walang alam sa amin ni Rael.

Tulog na si Vela nang humiga ako sa tabi niya. Kahit pagod, hindi pa ako inaantok.

Muli pa rin akong bumabalik sa nangyari na pag - uusap namin ni Rael, paulit - ulit naririnig ko pa rin ang boses niya na nagsasabing mahal niya ako...

Kinagat ko ang labi ko.

Hanggang ngayon pakiramdam ko lumulutang pa rin ako. Naririnig ko pa rin ang mabilis na tibok ng puso ko, mga pintig na hindi mapakali, mga pintig na hindi pa rin makapaniwala.

Hindi makapaniwala na mahal ako ng nag - iisang lalaking minahal ko, noon hanggang ngayon.

Totoo ba 'yon?

Same Ground [ Costa Del Sol Series #2 ]Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum