Kabanata 13

6.8K 260 64
                                    

Kabanata 13

AlunaGeorge and DJ Snake's You Know You Like It chorus blasted through my speakers.

Mas binilisan ko pa ang pagtakbo sa treadmill habang tinitignan ang sariling repleksyon sa glass wall sa aking harapan.

Madilim sa buong condo unit ko at ang tanging nagbibigay liwanag lang ay ang buwan at iba't - ibang ilaw galing sa mga katapat na building.

It's already past midnight. Inaasahan ko nang hindi ako agad dadalawin ng antok kaya inabala ko na agad ang sarili sa pag e-exercise.

Kahit na pagod na talaga ako simula pa kanina, alam ko na hindi ako patutulugin ng naging desisyon ko kaya heto at ewan ko nalang kung makapag overthink pa ko sa sa pagod mamaya.

Kumunot ang noo ko nang muling maalala si Via at Arlo. Hindi ko talaga inaasahan na magiging ganon kaganda ang relasyon nila, I mean he fooled her so bad right?

Ang bilis naman magpatawad ni Via, kung ganon.

Marahan kong binagalan ang takbo para huminga ng malalim. Tinignan ko ang sarili at nagtiim ako ng bagang.

I don't think I can easily do that. There's no way I can forgive easily like that.

Hindi ko man naipakita ang galit ko, hindi ibig sabihin ay hindi ako galit. Habangbuhay ko dadalhin ang panlolokong ginawa sa akin ni Rael.

Pinalakas ako ng lahat ng sakit na pinagdaanan ko. Though it may seem like I'm running away from my past sa pag - iwas na ginagawa ko, sobrang laki naman na ng nagbago sa akin.

I'm not the same girl as before.

I licked my lower lip. I guess I just have to deal with it, since it seems like it's already inevitable to avoid him.

Ngayong tuloy na naiisip ko ito, bakit nga ba kailangan na ako ang umiwas palagi? Bakit hindi nalang siya? Tutal ay siya naman ang may atraso hindi ba?

Napailing ako at unti - unting mas binagalan ang takbo hanggang sa lakad nalang ang ginagawa ko.

I smirked without humor too.

As if naman na may kunsensya ang isang 'yon? Hindi ba't tinamad nga kaya fiancee niya ang inutusan para sabihin sa akin ang totoo?

Duwag amputa.

I'm sure he's just scared to face me kaya ganon ang ginawa niya, ang tanginang 'yon!

True enough, bagsak ako pagkatapos ng work out ko.

Dahilan kaya tinanghali ako ng gising kinabukasan. Mabuti nalang friday kaya wala kaming trabaho.

Since mas busy kami tuwing weekends, I decided na magpahinga kami tuwing Friday every week just to avoid being burn out.

I think nakatulong naman dahil mas naging okay ang mood namin tatlo.

Halos tapos na ako sa niluluto nang narinig ko na may nag doorbell. Hindi na ako nagulat na si Vela at Jacq 'yon. Naalala ko na mag - uusap nga pala kaming tatlo.

Hindi ako tinignan ni Vela at agad siyang dumeretcho sa couch.

Si Jacq naman ay ngumisi sa akin habang pinagmamasdan ako. Kumunot ang noo ko nung mapansin ang bulaklak na hawak niya.

"Ay bet! Ang fresh!" humalakhak siya. Inabot niya sa akin ang bulaklak.

"Kaya ba may pa-flowers si Papa Daniel?" bati niya sa akin.

Ngumisi ako at umiling.

Of course it's because of my work out last night at sa more than eight hours na tulog ko. Hindi kay Daniel!

Same Ground [ Costa Del Sol Series #2 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon