Kabanata 11

6.5K 240 11
                                    

Kabanata 11

My mother is dead.

Mas matindi ang naging epekto sa kanya ng aksidente dahil ako ang mas inuna niyang proteksyunan.

When I woke up, I was already in the hospital. Magulo, maingay at halos wala akong maintindihan. It was chaos out there. Marami akong naririnig na iyakan at sigawan.

Marami ang namatay at iilan lang kaming nakaligtas. Matinding galos, sugat at bali ng buto ang natamo ng katawan ko, but still the doctors told me that I was lucky.

Isang araw pagkatapos ng aksidente, Tita Gella found me. Siya ang malapit na kamag - anak ni Mama na pupuntahan sana namin sa Ilocos.

Nabalitaan ni Tita Gella ang aksidente sa newsflash. She expected us to come that day, kaya nang hindi kami dumating ay agad siyang kinabahan.

Iyon ang dahilan kaya mabilis siyang lumuwas papunta sa hospital na pinakamalapit sa pinangyarihan ng aksidente.

Hindi ko pa alam kung nasaan si Mama noon. I was conscious but I was too groggy because of the medicine in my veins.

Sa kabila noon, pinilit ko pa rin na magmakaawa sa mga nurse at doctor na hanapin si Mama...pero sa sobrang gulo ay wala din silang maibigay na tulong.

I was helpless, I couldn't move and do anything because of my injuries. I felt so numb, physically and emotionally.

Kaya nung nakita ko si Tita Gella ay nabuhayan ako ng loob, only to find out that my mother didn't make it.

I think I lost my ability to fight that day. I became indifferent after. Hindi ko matanggap na wala na si Mama, I couldn't function properly.

I grieved harder and cried my heart out. Kinakailangan akong turukan ng pampakalma at pampatulog because all I did was cry.

Alam ni Tita Gella ang istorya kung bakit kami pupunta ng Ilocos ni Mama. She knows about what the Contreras did to us. Kaya hindi siya mapakali, may hinala siya na may kinalaman sila sa nangyari sa bus.

Iyon ang dahilan kung bakit mabilis niyang inasikaso si Mama. My mother were cremated that same day Tita Gella found out.

She didn't told me her plans and I was too broken to ask. Kinilala si Mama ayon na rin sa ID niya na natagpuan sa mga gamit kaya naibalita sa news.

I, on the other hand, survived, but Tita Gella didn't gave them my information.

I remained missing in the eyes of the public.

She said that she did it to protect me, I was too tired to care kaya hinayaan ko nalang.

Hindi kami tumuloy sa Ilocos ayon na rin sa plano ni Tita. Hindi pa rin kasi lumalabas ang imbestigasyon at kung lumabas man na walang kinalaman ang mga Contreras, wala pa rin siyang tiwala.

Tumuloy kami sa Capas, Tarlac. Kung saan lumaki si Mama at si Tita. Sa ancestral home kami tutuloy kung saan nakatira ang mga magulang ni Tita ngayon.

Ayon sa kwento ni Mama noon sa akin, mayaman ang buong angkan nila noon. Kilala ang mga Ocampo bilang nagmamay - ari ng pinakamalawak na plantation sa lugar.

Nga lang ay nung nagkasakit si Lola ko noon, unti - unting naubos ang mga ari-arian para may ipantustos sila pagpapagamot.

Tinanaw ko ang malawak na plantation hindi kalayuan sa mansion, panahon na ng harvest at nakakalungkot na hindi na iyon pag - aari ng aming pamilya.

This ancestral home is their only property left. Nakakatuwa nga na kahit matagal na ito, napanatili ang kalinisan at kaayusan ng buong mansion.

Nung sinabi kasi ni Tita na dito ang punta namin, I expected to see an old and rusty mansion, nagkamali ako dahil malayong malayo ang itsura nito sa inaasahan ko.

Same Ground [ Costa Del Sol Series #2 ]Where stories live. Discover now