Chapter 49.2

20.3K 252 24
                                    

CHAPTER 49.2

Luna

Napanganga ako at saka tumingin kay Steff habang hawak-hawak ko ang dyaryo.

            “P-Paanong...?” nagtatakang tanong niya.

            “Si... Sarah?” mahinang sabi ko.

            Kumunot ang noo ni Steff at saka napahawak sa noo niya habang nakapikit ng madiin. “Naku! Sabi na, e! Hindi talaga dapat pagkatiwalaan ‘yung babaeng ‘yan!” Hinablot niya ‘yung dyaryo at pagkatapos ay lumakad papunta sa may pintuan.

            “Uy, sis, teka! Saan ka pupunta?” tanong ko habang hinahabol ko siya palabas ng apartment.

            “Pupuntahan ko ‘yung malditang Sarah na ‘yan! Wala na siyang ibang ginawa kung hindi ang siraan ang ibang tao!” sabi ni Steff at saka binuksan ‘yung gate.

            “Teka lang, sis!” Hinila ko ‘yung braso niya. “Huwag kang magpadalus-dalos. Baka naman... hindi totoong si Sarah ang sumulat niyan.”

            Tumawa ng mapait si Steff. “Kung hindi siya, sino? Ako? Ikaw? ‘Yung PC? ‘Yung fans nila? Oh, come on, sis! Imposible naman ‘yang sinasabi mo!”

            Nag-ring ‘yung cellphone sa bulsa ko. Kinuha ko Iyon at tiningnan kung sino ‘yung tumatawag. Si Jessie. Huminga ako ng malalim at saka sinagot ang tawag. Nanatiling nakatingin sa akin si Steff, naghihintay ng balita. “Hello?”

            [Honey Ko.]

            “Jessie, alam nyo na ba ‘yung nakalagay sa dyaryo ngayon?”

            [Oo. Papunta nga kami ngayong apat sa condo ni Sarah. Tatanungin namin siya tungkol sa article na ‘yon.]

            “Ha? Teka lang, susunod ako!”

            [‘Wag na, Honey Ko. Dyan nalang kayo ni Steff sa apartment. Babalitaan nalang kita.]

            “Pero Jessie...” Nag-alinlangan ako. Gusto ko ring makausap si Sarah. Gusto kong marinig ng personal ang side niya.

            [Please. ‘Wag mo nang idamay pa ‘yung sarili niyo ni Steff. Kami nang apat ang bahala.]

            Kinagat ko ‘yung ibabang labi ko. “Okay.”

            [I love you.] Pabulong ang pagkakasabi ni Jessie nito. It was soft, quiet... and gentle. Nag-init ng kaunti ang mukha ko at naramdaman ko din ang pagbilis ng tibok ng puso ko.

“I love you, too,” mahinang sabi ko. Maya-maya lamang ay ibinaba na niya ang tawag. Inalis ko na ‘yung cellphone mula sa tainga ko at huminga ng malalim.

(MDB Book 2) Be Mine Again (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon