Chapter 6.2

26.1K 348 76
                                    

CHAPTER 6.2

Luna

Mga twenty minutes ang nakalipas bago kami nakarating sa apartment ni Steff. Pagkabukas ng pinto.  “Ang tagal ng dinner niyo ah?”

“AY POGING KABAYO!” sigaw ni Steff at sabay na hawak sa dibdib niya. “Lollipop naman e! Nakakagulat ka!” Hinampas ni Steff si Casey sa braso.

            “Aray! Ano ka ba, Piglet,” angal naman ni Casey.

            “Don’t call me ‘Piglet’! Grr!” Hinampas ulit siya ni Steff.

            “Aray! Ang hilig namang manghampas nito.” Hinimas ni Casey ‘yung braso niya habang nakangiti.

That’s right. Isinama na din namin si Casey dito sa apartment ni Steff. Kawawa naman siya kapag mag-isa lang siya sa apartment ko no? Saka ang alam ko naka-enroll siya ngayon sa isang university na hindi naman masyadong kalayuan sa Westmore Academy, our school.

           

Music nga pala yung kinukuha niya. Hehe.

“Sige, Casey, mauna na ko sa taas ah?” sabi ko sabay akyat sa hagdan.

            “Teka lang, Piglet,” narinig kong sabi ni Casey kay Steff na sana’y na pupunta sa kitchen. “Sa restaurant ba talaga kayo galing?”

            Napahinto ako sa pag-akyat. Paglingon ko sa baba, nakita ko si Steff na parang medyo hindi mapakali. Naku, sis! Huwag kang bibigay! Lagot tayo kay Casey pati na din kay Mama! Siya naman kasi e, bigla akong sinama sa club e ang paalam nga namin kay Casey ay sa restaurant kami pupunta para mag-dinner.

            Pero ako naman ‘tong hindi na umangal pa sa plano ni Steff. Tss.

“Oo naman! A-Ano bang klaseng tanong ‘yan, Lollipop?” Tumawa si Steff.

            Tumaas yung kilay ni Casey. “Talaga? E bakit parang... amoy alak ka?”

            Shoot.

            “U-Uminom kami ng wine ni sis!” palusot ni Steff. “Masarap kasi ‘yung wine dun sa restaurant na kinainan namin.” Nanatili lang nakatingin si Casey sa kanya. “Sige, mauna na ko! Good night!” Biglang tumakbo si Steff at umakyat sa hagdan.

            Shet lang. Inunahan ako!

“Baby Lulu?”

            Gulp.

Unti-unti akong lumingin sa kanya. Umakyat din si Casey sa hagdan hanggang sa nasa magkaparehong baitang na kami. “Yes?” sabi ko nalang nang nakangiti. Tsk, dapat hindi niya ko mahalatang kinakabahan ako.

            “Tell me the truth, Baby Lulu. Sa bar ba kayo nanggaling ni Piglet?” Casey said with one eyebrow raised.

(MDB Book 2) Be Mine Again (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon