Chapter 27

22.8K 281 36
                                    

CHAPTER 27

Luna

“Nandyan pa ba sila?” bulong ko kay Justin.

            Tumingin siya sa paligid. “Wala na. Tara.” Hinawakan niya ‘yung kamay ko at hinila paalis. Umakyat kami ng hagdan papuntang third floor. Noong nandun na kami, hinatak niya ko papasok sa isang restaurant.

            Mukhang mamahalin pa ‘yung restaurant na ‘to. Chandeliers palang sa itaas at sa mga naka-display masasabi mo nang daang libong piso kinikita nitong restaurant araw-araw. Lumapit si Justin doon sa may counter. “Table for two, please?”

            “Right away, Mr. Cuevo,” ngumiti ‘yung babae. “This way, please.” Sinundan namin siya papunta sa vacant table. Napapatingin ako sa mga tao sa paligid ko. Grabe lang. Nasa mansyon ba ko? Bakit ang gagara ng suot nila?

            Nahiya naman ng konti ‘yung t-shirt ko.

“I’m sorry, ma’am and sir, but there’s no more available table for couples,” sagot nung babae.

            “It’s okay,” ngumiti si Justin, “we’ll have the one that’s left.”

            “Thank you, sir. Right this way.”

            Grabe ha. Nosebleed sila.

            “Here, sir, it’s for four people.” Una akong pinaupo ni Justin. Pagkatapos ay umupo siya sa tabi ko. Kinuha ni Justin ‘yung menu doon sa table.

“Ano gusto mo?”

            “Um.” Kinuha ko ‘yung menu sa harapan ko. Pagtingin ko sa food... Wow! Mukhang masasarap! Tiningnan ko ‘yung mga pangalan.

            Teka, pagkain ba ng tao ‘to? Bakit ngayon ko lang yata nabasa ‘yung ganitong klaseng pangalan ng pagkain sa buong buhay ko? “Hm.” Namili nalang din ako. “Heto nalang.” Itinuro ko kay Justin yung Austaullie Saufflé. Hindi ko kasi alam i-pronounce e. Ituro nalang ang bagay na hindi alam para iwas kahihiyan. Haha. Peace.

            “Okay. Two Austaullie Saufflé please?” sabi ni Justin.

            Aaaaaah. ‘Yun pala pronunciation doon. E-he-he-he.

            “Okay, sir, coming up.” Umalis na ‘yung babae.

            “Grabe yung mga pagkain dito ah,” mahinang sabi ko kay Justin. “Abnormal ‘yung mga pangalan. E mukhang chicken barbeque lang naman ‘yung nasa picture.”

            Natawa siya sa reaction ko. “Ganun talaga. Nung una kong pumunta dito, hindi ko pa din alam kung paano bigkasin ‘yung mga pangalan ng pagkain.”

(MDB Book 2) Be Mine Again (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon