Chapter 30

23.7K 256 31
                                    

CHAPTER 30

Luna

 

Ilang minuto ding tumagal ‘yung fireworks display.

            Bumitaw na sa pagkakahawak sa kamay ko si Jessie. Ang lakas ng tibok ng puso ko dahil ramdam ko ‘yung init ng palad niya. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. “Wala pa rin si Justin?” tanong ni Jessie.

            Tumingin-tingin ako sa paligid. Nag-aalisan na ‘yung iba pero makapal parin ‘yung tao kaya hindi ko makita si Justin. Nakita kaya niya na... kasama ko si Jessie? “Tatawagan ko nalang.” Kinuha ko ‘yung cellphone ko at idinial ‘yung number ni Justin.

Sumagot siya sa ikaapat na ring. “Hello? Justin? Nasaan ka na?”

            [Nandito ako sa harap ng mall. Pasensya na at hindi kita nasamahan dyan. Nung pupuntahan na sana kita, hindi na kita nakita dahil sa kapal ng tao.]

“Ah, okay lang. Sige, pupuntahan nalang kita dyan.”

            [Okay.]

            “Bye.” Pinatay ko na ‘yung tawag. Tumingin ako kay Jessie. “Mauna na ko. Hinihintay na kasi ako ni Justin. Salamat sa pagsama sakin.”

Akmang aalis na ako ng biglang hawakan ni Jessie ‘yung braso ko. “Wait.”

            Lumingon ako sa kanya. “Bakit?”

            “Sasama ka ba sa... Hundred Islands?” Nakita kong parang nag-alangan siyang sandali bago niya makumpleto ‘yung sasabihin niya.

            “Hindi ko pa alam. Baka. Bakit?”

            Binitawan ni Jessie ‘yung braso ko at ngumiti. “Ah, wala lang.” Inilagay niya ‘yung kanang kamay niya sa batok. Napatingin ako sa wrist niya. Biglang tumalon ‘yung puso ko. Iyon ‘yung...?

            “Y-Yung bracelet,” medyo nabubulol na sabi ko habang nakatingin ako sa blue na bracelet na suot-suot niya.

            Tiningnan ni Jessie ‘yung bracelet. “Ano ‘yung tungkol sa bracelet?” nagtatakang tanong niya.

            Huminga ako ng malalim, pinapakalma ang puso ko. “A-Ang ganda kasi,” pagsisinungaling ko, “S-Saan mo nakuha ‘yan?”

            Dinilaan ni Jessie ‘yung ibabang labi niya at waring nag-isip. “Uh, matagal na sakin ‘to. Pagdilat ko sa ospital suot-suot ko na ‘to.”

Napayuko ako ng kaunti sa sinabi niya. Kung ganun, noong hinabol niya ko sa airport, suot-suot niya ‘yung bracelet na ‘yan? At hanggang ngayon, hindi pa rin niya nakakalimutang isuot ‘yon kahit na nakalimutan niya ‘yung mga alaalang nakapaloob doon.

(MDB Book 2) Be Mine Again (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon