Chapter 10

23.6K 292 28
                                    

CHAPTER 10

Jessie

 

Pagkatapos ng mahigit kalahating oras, narating ko na din ‘yung abandonadong factory.

            Pinatay ko kaagad yung engine ng kotse para na din hindi nila marinig ‘yung tunog ng sasakyan ko. Ipinarada ko ‘yung kotse ko sa lugar na hindi nila makikita. Nagulat ako noong makita kong nakabukas ‘yung gate.

            Kumunot ‘yung noo ko. Nakapagtataka naman. Bukas ‘yung gate? Hindi kaya patibong ito? Kaya umikot ako sa buong lugar at naghanap nang ibang daan. May nakita akong punong nakayungyong ang sanga sa taas mismo nang pader na kumukulong sa factory. Inakyat ko iyon. Huminga ako ng malalim bago tuluyang tumalon at kumapit sa pader.

            Bumaba ako doon at nagsimula nang maglakad ng patago. Kinuha ko ‘yung cellphone ko at pinindot ang silent. In-on ko naman ‘yung vibration kaya malalaman ko kung sakali mang may tumatawag. Ilalagay ko na sana yung cellphone ko sa bulsa nang biglang...

            Napatingin ako sa cellphone ko. Nagulat ako dahil tumatawag na naman ‘yung unregistered number kanina. “Hello?” sagot ko sa tawag.

            Walang nagsasalita. Pero may naririnig akong mga paghinga. “Hello?” pabulong na pag-uulit ko. “Nasaan si Luna? Alam mo ba kung saan ko siya makikita dito sa factory–?”

            [Ah!]

May tumiling babae at sinundan pa ng mga paghikbi. “H-Hello? Anong nangyari? Nasaan ka?” natataranta kong tanong.

[J-Jessie.]

       

     Parang biglang nanlamig ‘yung buong katawan ko. Natigilan ako dahil namumukhaan ko ‘yung boses na ‘yon. “Luna?” sabi ko.

Humikbi siya. [Umalis ka na! ‘Wag mo na kong–AAAAAAH!]

May narinig akong sampal. Humigpit ‘yung pagkakahawak ko sa cellphone ko. Naramdaman ko ‘yung pagtikom ng kaliwang kamay ko. “Luna nasaan ka?! Sabihin mo sakin kung nasaan ka!” mataas na ‘yung boses ko. Nagagalit ako dahil may nananakit sa kanya. Naiinis ako. Nanggigigil ako.

“Luna–” simula ko pero nagulat ako noong biglang may nagsalita.

[Jessie Wright.]

           

Nanliit yung mga mata ko. Boses ng lalaki.

[Ang tagal kong hinintay ang pagkakataong ito.]

            “Pakawalan mo na si Luna. Ngayon na,” madiin kong sabi sa kanya.

            Narinig ko ‘yung pagtawa niya mula sa kabilang linya. [HAHAHAHA! Ano ko, tanga?] Bigla sumeryoso ‘yung tono ng boses nung lalaki. [Ang laki ng atraso niyong dalawa sakin. Dapat lang na pagbayaran niyo ‘yon ng sabay.]

            Kumunot yung noo ko. “What the hell are you talking about?” inis na sagot ko sa kanya.

            [Meet me inside the factory. Dumaan ka sa Fire Exit. Hanapin mo ko in five minutes kung gusto mo pang makitang malinis ang girlfriend mo.] Pagkatapos noon ay ibinaba na niya ‘yung tawag.

            Napatingin ako sa cellphone ko. Girlfriend? Ang akala ba niya ay girlfriend ko si Luna? Baka gusto lang niya ng pera dahil sikat ako. Takte! Bakit pati si Luna idinamay niya?

Tumakbo agad ako papuntang Fire Exit. Binuksan ko ‘yung pintuan at umakyat sa hagdan. Ang dilim. Montik na kong madapa. Papalalim pa naman ang gabi kaya hindi ko talaga maaninag nang mabuti ‘yung dinadaanan ko.

            Ginawa kong ilaw ‘yung cellphone ko. Noong makalabas na ko, tumambad sa akin ang isang napakaluwang na lugar na ang laman ay puro lumang makina at tangke. Napahilamos ‘yung kamay ko sa mukha ko.

Sh*t. Nasaan ba sila?

Tumingin ako sa relo ko. Four minutes left. Tumakbo ako at lumingun-lingon sa paligid.

            Three minutes.

Binubuksan ko ‘yung bawat pintuan na madadaanan ko. Kung minsan ay napapasinghal pa ko kapag nakikita kong wala si Luna doon. Napapagod na ko. Natataranta na din ako kasi paano nalang kung hindi ako makarating sa oras? Baka kung ano pa ‘yung gawin nung walangyang lalaki na yon kay Luna!

‘Hanapin mo ko in five minutes kung gusto mo pang makitang malinis ang girlfriend mo.’

Two minutes.

Binuksan ko ‘yung pinto. Wala sila doon kaya naman umakyat ako sa hagdan.

            One minute.

            Humihingal na talaga ko. Kung anu-ano na ‘yung sinasabi ko sa isipan ko. Mag-isip ka, Jessie! Saan ba pwedeng itago ng mga kidnapper si Luna? Malamang na baka hindi sa offices ‘yon kasi masyadong madaling hanapin ‘yon.

Isip. Isip. Isip!

Bigla akong napahinto sa pagtakbo. Hindi kaya...? Nagsimula ulit gumalaw ‘yung mga paa ko. Pero sa pagkakataong ito, parang sinasabi na sakin ng isip ko na tama ang hinala ko. Sinasabi nito sa akin na tumakbo lang ng diretso.

            Huminto ako sa tapat ng pintuan ng basement. Humihinga ako ng malalim.

            Ten seconds.

            Malakas ang pakiramdam kong nandito si Luna. Hinawakan ko ‘yung door knob at pinaikot iyon. Bumukas ang pintuan.

May isang lalaking naka-hood ang sumalubong sa akin. Nakita kong itinaas niya ang kamay niya. My eyes bulged and I was frozen in place.

            “Game,” he said and then smirked, “over.”

            BANG!

(MDB Book 2) Be Mine Again (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon