Chapter 16

25.7K 360 67
                                    

CHAPTER 16

Steff

Two months ago. St. Peter’s General Hospital.

“Sis.” Hinawakan ako ni Luna sa magkabilang balikat. “Halika na.”

“Mauna na kayo, sis,” mahina at malat na sabi ko. “Ayokong iwanan si Babe.” Pinahiran ko ‘yung luhang tumulo sa may pisngi ko.

         

   “Sis.” Niyakap ako ni Luna mula sa likuran. Hindi ko pa rin inaalis ‘yung pagkakahawak ko sa kamay ni Kevin. Kumirot ‘yung puso ko. Ang lamig ng kamay niya. Kinagat ko ‘yung labi ko.

Ang daya mo naman, Babe. Nang-iiwan ka.

Then suddenly, I heard a beeping sound. It sounded once, twice, thrice, up until I already lost count of it.

            “Huh? Ano ‘yon?” Kumalas si Luna mula sa pagkakayakap sa akin. Tumingin siya doon sa isang machine at... “Tumawag kayo ng doktor!” sigaw ni Luna.

            “Oh my god!” sabi ni Kat at napatakip sa bibig niya.

            Agad namang tumakbo palabas sina Justin, Rio at Jessie para tumawag ng doktor. Lumapit si Kat at Sarah sa tabi ko. Napalingon ako kay Kevin.  Then I felt a gentle movement inside my hand. My heart skipped and fire shot along my entire body.

Nag-iinit ‘yung katawan ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko. May nararamdaman akong kakaiba sa dibdib ko na hindi ko maipaliwanag. “Kevin?” I called his name. “Babe?” Naka-fix lang sa kanya ‘yung tingin ko.

Naghihintay.

Then the next thing I knew was that my heart almost dropped. Nakita ko kung paano gumalaw ng marahan ‘yung bibig ni Kevin. At ang unti-unting pagdilat ng mga mata niya.

“Kevin!” sabi ni Luna.

           

        “Babe!” May tumulong luha mula sa mga mata ko. Niyakap ko si Kevin. Ang saya-saya ko. Sobrang kasiyahan ang nadarama ng puso ko ngayon. Sa sobrang tuwa parang gusto ng sumabog ng dibdib ko. Gusto kong tumalon ng tumalon. Gusto kong sumigaw hanggang maubos ‘yung boses ko sa pagpapasalamat sa Diyos na nakita kong muli ang paris ng mga matang ito.

          

  “Babe,” mahinang sabi ni Kevin. Lalo akong napaiyak noong sinabi niya ‘yon. Biglang nabuhay ang lahat ng pag-asa ko. Napakasaya. Sobra.

“Mahal na mahal kita, Babe! I love you!” sabi ko sa kanya habang patuloy pa din sa pag-iyak at nakayakap sa kanya.

Naramdaman kong may kamay na pumatong sa ulo ko. Hinaplos ni Kevin ‘yung buhok ko. “Mahal na mahal din kita, Babe.”

His words were like music to my ears. Parang biglang gumaan ang nararamdaman ko. Napalitan ng sobrang kasiyahan ang lungkot at pangungulila na bumalot sa puso ko kanina. Inangat ko ‘yung ulo ko at tinitigan siya sa mga mata.

(MDB Book 2) Be Mine Again (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon