Chapter TWENTY TWO: My wife

Start from the beginning
                                    

"Sorry pala Scarlett kasi iba ang pinapunta ko. Pero, natutuwa ako kasi mukhang magkaibigan na kayo ni Rafael." nakangiting bulong ko kay Scarlett habang naglalakad kami kasunod ni dean. Tiningnan ako ni Scarlett. Hindi siya nakangiti pero ang mahalaga hindi siya galit hehe.

Mahabang pasilyo ang nilakaran namin, at may pailan-ilan na classroom kami na nadaanan kasi yung iba ay seminar hall at laboratory rooms tapos sa pinakangdulo nandun yung hagdan.

Sa totoo lang, pangalawang beses ko pa lang nakapunta sa building na ito kasi halos lahat ng klase namin ay nasa ibang building, sa Don Custodio Memorial Building, katabi yun ng court.

Napatingin uli ako kay Scarlett at diretso lang siyang nakatingin sa harap.

Chichikahin ko na sana siya tungkol sa kanila ni Rafael pero nasa may tapat na pala kami ng office.

*

*

*

*

*

"What Ms. San Juan? Ikaw ang nagplano ng panggugulong iyon? Don't you realize the consequences of your impulsive action?" medyo gulat na tanong ni dean.

Nasa loob na kami ngayon ng office. May kalakihan itong office ni dean at fully air-conditioned. May parang mini sala at sa may right side, nandun yung table niya na may kasamang swivel chair at may mini cabinet sa gilid kung saan nakapatong ang isang family picture at maliit na cactus. Tapos sa left side naman, may malaking cabinet na glass ang cover. Sa loob nun, may ibat ibang libro at mga envelope na may laman sigurong mga importanteng dokumento. May mga file box din na may laman na mga papeles. Sa tapat ng pintuan, sa tapat ng kinatatayuan namin ni Scarlett ngayon, may black na stante kung saan nakapatong ang ilang mga trophy at awards ni dean. And finally, sa tabi nung stante, bakante na dahil may isang malaking glass window dun.

So balik tayo sa reality, pagkapasok na pagkapasok namin, biglang nagsalita si Scarlett na siya daw ang nasa likod. Nung una pa nga, akala ko kung anong sinasabi niya kasi nasa harapan ko naman siya,

pero..

Na-gets ko naman agad na yung pangyayari kanina ang tinutukoy niya. Since dire-diretso niyang inexplain ang lahat.

Napatingin lang ako kay Scarlett nun. Naalala ko yung pangyayari kanina na nakatingin silang lahat sakin.

Edi, galit pa rin siya sakin kaya niya ginawa yun? Huhuhu.

Pero di ko naman intensyong lokohin siya at papuntahin si Rafael imbes na ako. Yun lang kasi ang naisip kong paraan para makapag-usap sila.

At saka,

Hindi ba't sabi nila,

communication is the key? Hehe.

Kaya, posible na kapag nagkausap sila, mag-bloom ang friendship.

Isa pa,

Wala na rin kasi akong time kung ise-set up ko pa sila ay sa ibang lugar. Di ko na nga lang naisama si Macro kasi wala pa siya kanina.

"I'm really sorry dean. I'm willing to take full responsibility. Wag niyo na lang po sanang idamay si Vince. It was a mistake na na-play niya po yun. Hindi niya po sinasadya na mapindot niya yung recorder. Pero yung nagconnect po nun sa speaker na nasa hall patungong audio room B, it was all my doing." Nakatingin lang si Scarlett kay dean habang sinasabi niya yun.

"I'm disappointed with you Ms San Juan. Alam mo ba kung gaano kalaking gulo ito? Now, we have no guarantee na hindi ito kakalat." Napapailing na sabi ni dean. Napaupo na ito sa swivel chair niya at hinilot ang kanyang sentido.

Married to a Mafia BossWhere stories live. Discover now