Pagkasabi nun ni Jenny ay biglang nag walk out na naman si Madeline pero ang sama ng tingin niya sakin.
Lumabas na din kami ng room at buti nalang wala na kaming ibang narinig mula sa mga babae na nakapalibot kay Sander
"Jenny salamat nga pala kanina."
"Wala 'yun noh kinakabahan kasi ko dun sa dalawang 'yun baka dito pa sila magkalat."
"Asan nga pala si Ericka?" hindi koinaasahan na susulpot na naman si Cedrick sa harap ko nung makalabas na kami ng room
"Sasama ko sainyo Samantha"
"I think you and Madeline should talk first. Kung lagi kayong ganyan hindi malilinawan ang bawat isa sa inyo."
Napatigil si Cedrick sa sinabi ni Jenny, may point naman kasi ang bestriend ko. Kailangan nilang mag usap, nakakatakot pa naman magsagutan ang dalawang 'yun, feeling ko magkakaroon ng world war 3 dito eh.
xxx
Pagdating namin sa cafeteria ay nadatnan na namin agad dun si Ericka. Nakakatampo ah ni hindi man lang kami hinintay. Lumapit kami sa kinauupuan niya at ang loko may binili na talagang pagkain
"Nagsosolo flight ka jan ah" sabi ko
"Anong meron? bakit ang saya mo ata?"
"Haha, ibang klase talaga kayo"
"Bakit muna ganyan ka kung makangiti?" ayan na, nakahot seat na si Ericka dahil sa mga tanong ni Jenny pero napasimangot lang si Jenny nung tawanan lang siya ni Ericka
"Inlove ka noh?" pahabol niyang tanong
Napatingin naman ako kay Jenny. Inlove si Ericka? Siguro nga tama si Jenny kasi ganyan na ganyan siya nung nung naging sila ng first boyfriend nya.
"Wala talaga kong masabi sayo Jenny, ang galing mo manghula, may future kang palitan si madam auring"
"So sino ang lucky guy na yan Ericka?"
"Kilala niyo siya"
"I'll make a guess" prisinta ni Jenny
"Sure babe"
"It's Sander" pagkarinig ko nun ay biglang nanlaki ang mga mata ko at nung tingnan ko si Ericka ay nakatingi pa din siya pero this time yung ngiti na sobrang saya talaga
"Bakit parang gulat na gulat ka Sammy? Obvious naman kanina, kung makatitig tong si Ericka kay Sander. Sobrang Wagas!"
"Your so cute Sammy pag ganyan ang nagiging reaksyon mo"
Compliment ba yun? o nang aasar lang ang isang to?
"Teka nga Ericka nainlove ka agad kay Sander eh kanina mo palang naman siya nakita."
"Hey Sammy what are you saying? matagal ko ng crush si Sander since second year pa"
E-eh?
"Oo as in dati pa simula nung magkabungguan kami habang naglalakad ako sa pathway. Grabe kinikilig ako that time at syempre pati ngayon pag naiisip ko. Can you imagine the Campus Prince body touches mine. Swertihan na lang kung mahawakan mo ang dulo ng daliri nya. But now katabi ko na sya. Seatmate na kami. Oh my god super kinikilig ako. Iba mag react ang katawan ko pag nadidikit ako sa kaniya"
"Nalilibugan ka lang ata sa kaniya Ericka" napakunot ako sa narinig kong sinabi ni Jenny. Bakit ganito na ang usapan? nakaka ilang naman
"Hindi noh. Hindi libog yun. It's called affection."
"Kung ano pa man ang tawag dun basta para sakin pinag nanasaan mo lang ang katawan niya."
"Hindi nga sabi"
"Ah... eh... talaga bang matagal ng sikat yang si Sander?" sumingit na ako sa usapan ng dalawang 'to dahil naoop na talaga ko
"Yes Sam since first year pa"
"Err. bakit ngayon ko lang ata nalaman?"
"Seriously Sammy?" sabay pang nanlaki ang mga mata nila. Hehe, pero ang cute nila
Magtatanong pa ba ko kung kung matagal ko ng alam.
"Masyado ka kasing tutok sa pag aaral kaya ayan tuloy huli kana sa balita. NAPAG IIWANAN KA NA!" sabi ni Jenny, eh hindi naman kasi nila ko kinukwentuhan eh. O sige na sila na! ako na ang napag iiwanan
Tinapos na namin agad ang lunch at nagkwentuhan about sa feeling ni Ericka kay Sander at talagang nashashock pa din ako sa naririnig ko ah. Nung pabalik na kami ay nakita ko si Cedrick na papunta ng roof top at ang seryoso ng itsura niya. Ano pa kaya ang gagawin ng isang 'yun eh malapit ng magsimulaang susunod namin klase
xxx
Cedrick's POV
"I think you and Madeline should talk first. Kung lagi kayong ganyan hindi malilinawan ang bawat isa sa inyo."
Jenny is right sasabihin ko na kay Madeline na ayoko na. She deserves someone, ayoko na siyang lokohin kaya nilabas ko ang cp at tinext siya
Pumunta agad ako ng rooftop dahil malapit ng matapos ang break time namin, ayoko ng ipagpabukas 'to dahil mas lalo lang akong naguiguilty sa ginagawa ko sakaniya. Buti nalang at pinagbigyan niya ako dahil ilang sandali lang ay dumating na din siya
Nakasimangot siyang lumapit sakin at para bang ayaw niya ang ideyang ito na pinapunta ko siya ng rooftop para makapag usap kami, "ano ba ang gusto mong pag usapan?"
Ramdam ko sa tono ng boses niya na ayaw niya sa ganitong sistema at para bang nakakaramdam siya na may mang yayaring hindi niya magugustuhan. Matalino si Madeline at kaya niyang mag visualize ng posibleng mangyari
"Kaya mo ba ko pinapunta dito ay para pag usapan 'yung tungkol kanina?"
"Oo"
"How dare you!" lumapit siya sakin at pinaghahampas ang dibdib ko at ngayon nga ay umiiyak na siya
"I'm sorry Madeline pero ayoko na"
"Ang babae 'yun ang dahilan?"
"Ofcourse not!"
"Bakit mo sinasabi ang mga 'to sakin? Bakit Cedrick?" natigilan ako sa sinabi niya
"Nahahala ko na simula nung nakilala mo ang babaeng 'yun ay nagbabago pa paunti-unti. Ano bang meron ang babaeng 'yun na wala ako?!" ngayon ay tuloy tuloy na ang pag iyak niya at ayoko sa lahat ang nakakakita ng mga babaeng umiiyak, "Kung gusto mong makipag break, sorry nalang pero hindi ako papayag"
Tumalikod na siya at iniwan ako sa rooftop
Hindi naman si Samantha ang dahilan kung bakit ko ginagawa 'to diba?
YOU ARE READING
BOOK 1: The Transformation of a NERD (UNDER REVISION)
Teen FictionCOMPLETED - [Book 2 will be available soon]
Chapter 8
Start from the beginning
