CHAPTER 28 : Bridges

Start from the beginning
                                    

Ay. Hindi ba?

Darryl Francisco:
Pero thank you na rin.

Darryl Francisco:
Buti naalala mo pa.

Darryl Francisco:
Walang nakakaalala sa mga kaklase ko e. Si Andrea nga rin yata hindi tanda e.

Nakaramdam ako ng kirot sa sinabi niyang ‘yon. Danas ko ang pakiramdam na ‘yon, yung tipong maging pinakamalapit mong kaibigan ay hindi tanda ang iyong kaarawan. Pero iniisip ko na lang na baka natural na talaga sa mga tao ang makalimot kaya hindi ko na rin masyadong dinadamdam ‘yon.

Denielle Villacruz:
E ano palang plano mo bukas?

Darryl Francisco:
Ayun nga sana sasabihan ko sa ‘yo kanina.

Darryl Francisco:
Kinakabahan ako para bukas.

Denielle Villacruz:
Bakit?

Darryl Francisco:
Inaya ko kasi si Allen na lumabas kami bukas ng after classes. Like maggala ganun.

Darryl Francisco:
Noong nakaraan pa ‘yon, bago pa mag-Valentine’s.

Darryl Francisco:
Ugh! I hate Valentine’s na. Pero ayun, nag-confirm naman siya.

Darryl Francisco:
Hindi ko lang alam kung tanda niya.

It took me a while to process what he had said. Binasa ko pa nang paulit-ulit ang isinawalat niya sa ‘kin.

Inaya niya si Allen na lumabas bukas, maggala, at nag-confirm si Allen.

Lokohan ba ‘to? Is he cheating on Hans?

Denielle Villacruz:
Hoy! Ano ba talagang meron sa inyo ni Allen ha?

Lilinawin ko pa sana ang gusto kong sabihin kay Darryl nang biglang mawala mula sa ‘king mga kamay ang aking cellphone.

“Denielle, kanina pa kita napapansing may kausap sa telepono. Puwede ka namang lumabas ng klase kung importante ‘to e kaso tawa ka nang tawa diyan. Nakakabastos.”

Napatingala ako kay sir na hawak-hawak na ngayon ang aking cellphone. Kunot na kunot ang kaniyang noo habang pinipirat ako sa kaniyang titig. Wala ng salitang lumabas mula sa aking bibig. Halukikip ang buo kong ekspresyon dahil sa kahihiyan. Nakatitig lang sa ‘kin ang iba kong mga kaklase at may iba pang naghahagikhikan.

I looked at Anthony as he mouthed, “Sabi ko sa ‘yo e.”

“Sa admin mo na ‘to makukuha mamaya ha,” remarka pa ni sir bago bumalik sa unahan upang ipagpatuloy ang kaniyang discussion.

Humalumbaba na lang ako sa aking silyon at nagmistulang nakikinig sa mga salitang lumalabas sa kaniyang bunganga pero sa totoo lang, wala talagang napasok sa aking kokote.

Paikot-ikot lang ang isang bagay na bumagabag sa ‘kin matapos maudlot ang usap namin ni Darryl.

Kailangang malaman ni Hans ‘yon. Isang two-timer si Allen.

∞∞∞∞∞

“Sinasabi ko sa ‘yo, Ana. Niloloko ni Allen si Hans. Pinapatulan pa rin niya si Darryl kahit mag-jowa na sila ni Hans,” kuwento ko kay Ana habang naglalakad papuntang cafeteria para makapag-meryenda.

Daylio: How Are You? (LGBTQ+) [Published as "Dayloh" under Paperink Publishing]Where stories live. Discover now