CHAPTER 29 : Stolen

104 24 0
                                    

DARRYL

“Happy birthday, Darryl!”

Laking gulat ko nang mabulahaw ang nananahimik kong diwa dahil sa pagbati sa ‘kin ni Matt. Nakangiti siya habang nakatingin lang sa ‘kin.

“Happy birthday!” bati naman sa ‘kin ni Shirley sabay sinundan pa ng isang yakap.

“T-thank you,” tugon ko naman sa kanila, gulat pa rin.

Hindi ko akalaing may makaaalala pa sa birthday ko. Sa totoo lang ay hindi na ako umaasang may babati sa ‘kin ngayon ngunit sinorpresa naman ako ng dalawang ‘to.

“Sorry wala kaming panregalo sa ‘yo ha,” nguso sa ‘kin ni Shirley. Hindi ko maipaliwanag ang galak na naramdaman sa muli niyang paglapit sa ‘kin nang ganito. Naging malayo na kasi ako sa aking mga kaklase simula noong umusbong ang isyu sa pagitan namin ni Allen.

Salamat na lang kina Green at Max. Kinawawa nila ako sa harap ng marami tapos aakto-akto silang tutulungan nila ako matapos ang lahat ng ‘yon.

Mga ulol!

“Ayos lang ‘yon. Thank you pa rin sa inyong dalawa. Buti at may nakaalala pa pala,” tugon ko.

“Hindi ko talaga alam, sa totoo lang,” ani Matt. Biglang lumamukot ang aking mukha. “Sinabi lang sa ‘kin ni Shirley kaya naisipan ko na ring bumati.”

May pambawi rin naman pala.

“Buti ka pa,” sagot ko sa kaniya habang umiismid. “Hindi gaya ng iba diyan,” hiyaw ko sabay lingon sa gawi ni Max. Nakikipaghuntahan lang siya kina Green at Andrea kaya hindi niya siguro napansin ang aking pagpaparinig.

Sumunod sa ‘kin ang tren ng buntonghininga.

Nabubulok ka na talagang tao, Maximo! Ilang beses akong gumasta para sa kaarawan mo pero maging pag-alala lang sa birthday ko hindi mo ginawa.

“Kain tayo mamaya sa Henrico’s?” biglang pag-aaya sa ‘kin ni Matt na nagpabalik sa ‘kin mula sa pagkalutang.

I stared at him and smirked.

“No need,” pambabalewala ko. “Lalabas na kami mamaya ni Allen.”

Hindi maipinta ang mukha niya nang banggitin ko ‘yon. Maging si Shirley ay nanlaki ang mga mata.

“Oh my ginataang gulay! Seryoso ka?” gulat na gulat na reaksiyon ni Shirley na siyang humiwalay na mula sa pagkakayakap sa ‘kin. Pabiro ko naman siyang hinamps sa balikat.

“Bawal ma-issue, sister,” saway ko sa kaniya. “Friendly birthday date lang ‘yon. Walang label. At saka may jowa yung tao kaya kailangang mag-set ng boundaries.”

“Jowa?” pagtataas ng kilay ni Matt. “As in sila na ba talaga nung Hans Raymer guy?”

“Hala ka? Sa’n ka nanggaling? Last week pa kaya yung balita,” sagot ko sa kaniya.

His lips flattened. Walang ekspresyong lumabas mula sa kaniyang mukha.

“Huy!” pagtawag ko ng atensiyon. “H’wag mong sabihing affected ka?”

He nervously chuckled. “Ha? Affected? Ako? Sus, sinong affected? Nagulat lang ako kasi nagkatuluyan na talaga sila.”

Pinaningkitan ko siya ng tingin.

“I’m happy for Allen,” kaswal niyang sabi. Halata ang lungkot at panghihinayang mula sa kaniyang mga mata. Hindi ko na siya inudyok pang magsiwalat ng kaniyang nararamdaman. Siguro hindi niya lang tanggap na magpasahanggang ngayon ay nami-miss pa rin niya si Allen.

Daylio: How Are You? (LGBTQ+) [Published as "Dayloh" under Paperink Publishing]Where stories live. Discover now