Special Chapter

78 5 0
                                    

Tahimik akong lumabas ng Criminology Department, as usual, karamihan sa nakakasabay ko ay mga lalaki. May ilan ding babae pero bilang lang yata, iba pa sa kanila ay mga tibo o tomboy.

Sa Department na 'to, rito mo makikita ang matitikas na mga katawan ng kalalakihan, tindig na akala mo ay may bakal sa likuran. Ang iba pa nga yata sa kanila ay nagpupunta ng gym.

Wala sa sariling napangiti ako, naisip ko lang, dito pala talaga ako belong. Dito ko mas nahubog ang pagiging lalaki ko, rito ko nagamit ang laki at tikas ng katawan ko.

"Xander, honeybunch!" Pagtawag ni Erin na siyang kumaway pa sa akin.

Narito ako sa baba ng building ng Psychology Department, bawal kasi pumasok ang ibang course doon unless ay inutusan ka nang mas nakakataas.

Dalawang buwan na ang nakalipas simula nang makapag-enroll kami for second semester, so far so good, wala naman naging sagabal sa amin. And then “like” turns to “love” real quick.

We still the same, loving each other, enjoying every moments together.

Nang makakaba ay doon ko mas malinaw na nasilayan ang mukha niya, sobra ang ngiti nito na pati ang gilagid ay kita ko na. Napangisi ako saka marahang kinurot ang pisngi niya.

"I got a perfect score sa isang quiz namin! Ahh!!" Tili niya at saka pa inilingkis ang kamay niya sa braso ko.

Tumalon-talon ito at dahil hawak niya ako ay pareho kaming nagmukhang baliw. But anyway, I am so proud na nakikitaan ko nang improvement si Erin pagdating sa academics niya.

"Salamat ah, kung hindi naman dahil sa 'yo ay hindi ko makukuha ang ganitong score." Aniya bago ako hinatak maglakad.

Papalabas na kami ngayon ng school dahil uwian na rin naman na. Nakita ko pa sila Helen at Rachel sa likuran pero nauna na sila kaya kumaway na lang ang mga ito sa amin.

"Utak mo pa rin naman 'yan, ikaw ang nag-isip at sa 'yo galing ang sagot." Sambit ko saka siya binalingan. "At proud ako roon, sobrang proud ako sa 'yo."

Sa sinabi ko ay sumingkit ang dalawang mata niya habang sumilay naman ang isang ngiti sa labi. Bahagya pang namula ang kaniyang pisngi kaya mas lalo akong natuwa.

"Ih, ano ba, Xander! Ang landi mo, ha!" Pahayag niya at malakas akong hinampas sa braso.

Siraulo.

"Pero alam mo, ang saya ko na ikaw ang naging boyfriend ko." Tumingin ito sa akin saka isinandal ang ulo sa balikat ko. "Kasi sa 'yo ko nakikita ang future ko. Sa 'yo ko naramdaman ang totoong pagmamahal na pilit kong hinahanap noon."

Sa mga narinig ay napangiti ako sa kawalan, para akong lumulutang sa ere at hinihele. Sobrang sarap sa pakiramdam na mahalin ka pabalik nang taong mahal mo.

Pagkalabas sa gate ay naglakad kami palapit sa kotse ko, matapos makapasok sa loob ay mabilis ko iyong pinausad at lumiko sa isang highway.

"Oh, teka! Saan tayo pupunta, honeybunch?" Tanong ni Erin na naroon sa passenger's seat.

"Daan tayo nang West City Plaza. Hindi mo ba alam na naroon ang grupong Ace?"

Ace is a boyband group, may limang members na katulad ko ay nag-uumapaw sa kagwapuhan, sobrang smooth at astig din ng mga kanta nila.

"Woah?! Totoo? Gosh, alam kaya 'to nila Helen? Sana pala ay niyaya natin sila." Sambit niya saka pa nailing.

Natawa ako. Kung alam mo lang, naroon na 'yon at nauna na. Ilang sandali pa nang bumaba kami at sabay na pumasok sa loob ng mall, nasa bungad lang iyong activity center kaya mabilis din naming nahanap.

Gay's Confession [Completed]Where stories live. Discover now