Chapter Eleven

319 53 16
                                    

Habang sakay ng family van ay nanatiling nakatitig lang ako sa kaliwang palad ko. Marahas ko pa iyong hinawakan at nanggigigil na sinakal ang palapulsuhan no'n.

Makasalanan ka! Makasalanan ka!

Tumigil lang ako nang mapansin ako ni manong driver, nakatingin ito habang mariing nakakunot ang noo. Mabilis na binitawan ko iyon at mabibigat ang hiningang napatingin ako sa bintana, malapit-lapit na rin kami sa University.

Totoong hindi pumasok si Erin, sobrang init niya kanina at ang taas ng lagnat. Si ate na ang nagbantay sa kaniya since military doktor naman iyon at ayon na rin sa kaniya, talagang kailangang magpahinga ni Erin sa bahay.

Galit ako sa kaniya sa nangyari kanina pero naaawa rin ako. Hindi naman ako ganoon kasamang tao para magtanim ng sama ng loob.

Napabuga ako sa hangin kasabay ng paghinto ng van. Binuksan ko ang pinto at walang pasabing dere-deretso ang lakad ko sa pathway, I swear para akong lantang gulay

Ewan ko na lang kung makaintindi pa ako nito mamaya sa mga lectures. Saktong dumating ako sa room ay kadarating lang din ng instructor kaya nagturo ito kaagad sa harapan.

Kahit lutang ay napansin ko pa ang pagkabalisa ng dalawang babae na siyang malapit kay Erin, kanina pa ang panay dutdot at kalikot nila sa hawak na cellphone, kalaunan ay napabuntong hininga na lang.

Hanggang sa mag-second subject, nagulat na lang ako nang sabay na lumapit silang dalawa sa pwesto ko. Umupo ang mga ito sa bakanteng upuan kung saan katabi ko lamang.

Maang na napatingin ako sa mga ito. Hindi ako nagsalita pero nagbigay lang ako ng tinging mapagtanong. Nagkatinginan sila at halos sabay ulit na nagbuntong hininga.

Anong ganap, besh?

"Pasensya na sa istorbo, ha? Pero kasi ikaw lang ang alam namin na mapagtatanungan namin." Panimula ng isa na limot ko na ang pangalan.

"Ay, oo nga pala. Baka nakakalimutan mo na, siya si Rachel at ako si Helen." Turan ni Helen saka itinuro si Rachel na kaninang nagsalita.

"Tungkol saan ito?" Sa mababang boses ako sumagot.

Kahit alam ko na talaga kung patungkol saan ay kiber lang, patay malisya muna tayo, self.

"Kay Erin..." Sambit ni Rachel. "Hindi kasi namin siya makontak kagabi pa, nag-aalala lang kami lalo na ngayong hindi siya pumasok."

"Bakit? Ano bang nangyari?" Kunot ang noong pagtatanong ko.

Huminga muna ng malalim si Helen bago nagsalita. "Pinalayas kasi siya sa bahay nila. Humihingi siya ng tulong sa amin kagabi pero wala naman kasi kaming alam na pwede niyang matuluyan. At saka, dis oras na ng gabi iyon, hindi na kami pwedeng lumabas ng bahay."

Mas lalong kumunot ang noo ko. Oo nga pala, hindi ko pa natatanong ang impakta kung bakit siya napalayas kagabi. Wala na rin kasi akong oras tanungin siya dahil pagod ako.

"Baka nasa ibang kakilala lang din niya." Sambit ko at pilit na ikinubli ang pagsisinungaling.

Ayoko kasing malaman nila na nasa iisang tirahan lang kami ni Erin. Baka kung ano pa ang maisip nila at lagyan ng malisya.

Tapos kinabukasan ay kakalat na lang sa buong campus. Anong mukha na lang ang maihaharap ko? Isa pa, hindi pwede ma-stress ngayon si Erin dahil nilalagnat iyon.

"Sana nga..." Si Rachel na nangalumbaba pa at napatitig sa kawalan. "Kahit gaga 'yon, nami-miss na namin 'yon."

Mahinang napatikhim ako. "Pero, bakit siya pinalayas?"

Sa sinabi ko ay nagkatinginan ang dalawa at sabay na umiling. Muling humarap sa akin si Helen na siyang katabi ko mismo.

"Mas mabuti siguro kung kay Erin na manggagaling. Kung sakaling makita natin siya ay sa kaniya ka na lang magtanong. Ayaw din kasi naming magbitaw ng salita baka sakalin pa kami no'n."

Hmm, marahan akong tumango sa kanila, pinapahiwatig na naiintindihan ko. Pero ano kayang mayroon? May nililihim ba itong si Erin?

Lutang ako sa oras na 'yon pero ramdam na ramdam ko ang pagkabog ng dibdib ko. Hindi ko alam kung bakit, marahil ay kinakabahan lang ako.

Hays, bahala na nga. Mamaya ko na lang tatanungin.

Lumipas pa ang ilang oras at hindi ko na alam kung pang-ilang buntong hininga ko na. Ang tahimik kahit panay naman ang galaw ng paligid. Pakiramdam ko ay lumulutang ako sa ere. Ganito ba ang epekto ng walang tulog?

Nakakabagot, ni wala akong naintindihan sa mga naituro kanina hanggang sa mag-uwian na. Wala sa sariling naglakad ako pababa ng building, deretso sa gate kung saan naroon na ang family van namin.

Mabilis akong sumakay doon na siyang pinausad din kaagad. Ilang minuto pa nang naroon na kami sa bahay. Kagaya kanina ay walang imik akong bumaba at nagmamadaling pumasok sa loob.

"Ate!" Sigaw ko rito nang mapansin siya sa sala. "Nasaan na si Erin? Kumusta na lagay niya?"

Tuluyan na itong napaharap sa akin, nag-isang linya ang labi niya tila may pinipigilan sa sarili. Kumunot ang noo kong pinagmasdan siya nang humalukikip ito sa harapan ko.

"Bakit mo hinahanap?" Taas ang noo nitong sambit, pumipilantik pa ang daliri sa kaniyang braso.

"Malamang, nag-aalala lang."

Sa sinabi ko ay pareho kaming napatigil. Agad kong itinikom ang sariling bibig nang ma-realize kong tunong concern ang boses ko. When in fact, gusto ko lang makamusta ang lagay niya.

Mariin akong napapikit at mabilis na nagdilit. Parang wala namang pinagkaiba hindi ba? Talaga bang concern ako? At bakit parang kanina lang ay lantang-lanta ako?

Ngayon naman ay hindi magkandamayaw ang pagtataksil ng binabae kong puso. Bumuntong hininga ako samantalang naging malawak naman ang naging ngiti ni ate.

Tumaas pa ang isang kilay niya. "Sa totoo lang, hindi pa siya okay. Nagpapahinga pa siya sa taas. Hindi ko sure, pero baka tulog siya ngayon."

"Ganoon ba?" Tanging nasambit ko saka tumalikod at mabilis na naglakad.

"Oh, saan ka pupunta nyan?" Si ate nang mapansing paakyat ako ng hagdan.

"Sa taas?" Wala sa sariling sambit ko dahilan para malakas na mapahalakhak si ate.

Naubos ang emosyon sa mukha ko at seryosong tinitigan ang pagtawa niya. Pumalakpak pa ito at parang tuod na hinawakan ang tyan.

Anong nakakatawa?

"Sige na, umakyat ka na. Huwag mo akong intindihin dito." Aniya na hindi pa rin matapos-tapos sa pagtawa.

"Aakyat ako dahil pupunta ako sa sarili kong kwarto." Depensa ko rito nang ma-realize ko kung bakit siya tuluyang naging baliw.

"Oh, baket? Ano bang sinabi ko?" Patay malisya nitong sagot at muling tumawa. "Wala naman akong sinasabi, ah?"

Hindi na ako nakapagsalita, inismiran ko na lang ito at mabibigat ang paang umakyat na. Hanggang sa pag-akyat ko ay nangingibabaw pa rin sa loob ng bahay ang mala-demonyo niyang tawa.

Gay's Confession [Completed]Where stories live. Discover now