Chapter Nine

317 53 27
                                    

"Kaninong bahay 'yan, honeybunch?" Maang na pagtatanong ni Erin habang tinatanaw ang malaking mansyon na nasa loob ng puting gate. "Ang laki ah. Sobrang yaman siguro ng may-ari niyan?"

Nang tuluyan na kaming makalapit sa tinutukoy nitong bahay ay huminto kami sa mismong harapan ng gate. Nagtataka man ang mukha ni Erin ay hindi ko na pinansin saka tatlong beses na nag-door bell.

"Hoy, Xander! Kaninong bahay 'to?" Sambit niya na hindi ko na nasagot dahil bumukas na ang gate.

"Sir Xander!" Gulat na pagtawag sa akin ni kuyang guard. "Kayo pala 'yan."

Tumango lamang ako at akmang papasok na sa loob nang harangan naman ako ng isang guard. Kung hindi ako nagkakamali ay siya ang naatasang head security ng mansyon.

Dumako ang tingin ko rito at napansing nakatitig sa babaeng nasa likuran ko-- si Erin, ang impaktang nawalan ng bahay. Hays, napabuga ako sa hangin saka nilingon ito.

"Sigurado ka ba sa ginagawa mo? Baka pagkamalan tayong magnanakaw dito." Aniya na walang kaide-ideya.

Malakas akong natawa. Ano bang akala niya sa'kin? Isang dukhang mahirap? Inismiran ko ito at muling binalingan sila kuyang guard.

"Sandali lang ho, Sir, ah. Kailangan po muna itong malaman ni Sir Alejandro." Pahayag ng isang guard saka may pinindot sa walkie-talkie niya.

"Go ahead, Kuya." Tinatamad kong sambit.

Inaantok na ko. Gusto ko na lang humilata sa kama at ipikit ang mga mata ko. Hay buhay, hindi ko na alam itong pinapasok ko pero bahala na.

Nakakaawa naman kasi ang isang 'to.

"Sir, narito po si Sir Xander sa main gate... at may kasama po itong babae." Rinig kong sambit ni kuya.

Hindi nagsalita ang nasa kabilang linya at naputol lang ang connections. Maya-maya pa ay nakita ko sa loob ang ilang military police na rumoronda palapit sa kinaroroonan namin habang sinusundan si papa.

Parehong nanlaki ang mata namin ni Erin, napakapit pa ito sa laylayan ng jacket ko at idinikit ang sarili sa akin. Nawala ang atensyon ko roon nang tuluyan ng makalapit si papa.

"Xander." Matigas niyang sambit na nagpahina ng tuhod ko. "Sino iyang babae mo?"

"Hu-- huh?" Nalilitong saad ko at nilingon si Erin.

Kapit na kapit ito sa braso ko at napansin kong doon tumuon ang paningin ni papa. Tumikhim ako saka nilakasan ang loob na hinarap si papa.

"Pa, siya po si Erin, kaklase ko."

"Anong ibig sabihin nito, Xander?" Aniya na hindi natitinag samantalang halos kainin na ako ng lupa sa sobrang pangangatog ng tuhod ko.

Magsasalita na sana ako pero natigil din ng napansin ko ang pagdating ni ate, naroon siya sa likod ni papa.

"Girlfriend ko."
"Girlfriend niya, Pa."

Halos magkasabay na pahayag namin ni ate kaya napalingon doon si papa. Ngumiti lang si ate at muling bumaling sa amin.

"Oh? Akala ko ba never pa siya nagkaroon ng girlfriend?" Aniya na kay ate nakatuon.

"Kanina niya lang din sinabi, Pa."

"Ganoon ba? Oh siya, pumasok kayo sa loob. Malamig dito sa labas at baka magkasipon pa kayo."

Sa sinabing iyon ni papa ay pumasok na siya sa loob kasama ng mga militar police na siyang body guard niya. Naiwan si ate na siyang nakaharap sa amin habang naka-cross arms.

"Parang kakasabi ko lang kanina, Xander, ah? Ang bilis mo naman yata?" Si ate na ang tinutukoy ay ang bilin niya sa akin.

Bumuntong hininga lang ako saka patago itong inirapan dahilan para matawa ito. Dala ang dalawang bag pack ay pumasok ako, nasa likuran ko lang si Erin na kanina pa walang imik.

Pumasok na kami sa loob at agaran ding napahinto nang nadatnan ko pa si papa na naroon sa sala. Prenteng nakaupo habang naghihintay sa amin.

"Umupo muna kayo sandali at may pag-uusapan tayo." Aniya saka iminuwestra ang mahabang sofa.

Nilingon ko si Erin na ngayon ay nakayuko habang pinaglalaro ang mga daliri. Ngayon ko lang napansin na naka-pajama pala ito. Tch, mas lalong sumasakit ang ulo ko.

Inabot ko ang isang kamay nito para hilahin palapit sa akin at sabay na kaming naupo sa sofa. Kaharap namin ngayon si papa na siyang nakatingin sa kamay kong nakahawak kay Erin.

"Pa--"
"Kailan pa naging kayo? Bakit hindi mo ito nabanggit sa akin kanina?"

"Pa--"
"Hanggang kailan mo balak itong itago sa'kin?"

Wala sa sariling nasapo ko ang ulo.

"Papa naman, I will explain." Naiinis na sambit ko.

Shuta naman kasi at ano ba 'tong ginagawa ko? Ano na naman itong pinasok kong gulo?

"Go." Matigas niyang saad hudyat na kailangan ko nang magsalita kung 'di ay baka mabaril ako ng dis oras.

"Schoolmate ko po siya noong highschool, naging magka-klase lang kami no'ng fourth year kaya nagkalapit kami. Niligawan ko siya that time. At naging kami naman pero hindi po nag-work dahil masyado pa kaming bata. Hanggang sa nag-enroll na po ako sa West Central Academy kaya dalawang taon ding hindi ko siya nakita."

Sandali akong tumigil para humugot pa ng lakas. Napatingin naman ako kay ate na naroon sa bandang likuran ni papa, kagat ang labi at pigil ang sarili na huwag tumawa.

Gaga ka, subukan mo lang tumawa.

Naramdaman ko ang mahinang pagsiko sa akin ni Erin kaya nilingon ko ito. Kita sa mukha nito ang pagkalito pero hindi niya iyon ipinahalata. Ngumiti ako saka inayos ang buhok nito at inipit sa likod ng tainga niya.

Halos marinig ko ang pagtigil ng hininga niya at ang pagsinghap ni ate. Nakangiting binalingan ko si papa at muling nagsalita.

"Hanggang sa muli kaming nagkita sa Helene West University, isang linggo na ang nakakalipas. Niligawan ko po siya ulit at pumayag naman siya. Ngayon po ay kami na ulit."

"Oh, my goodness. What the hell is going on?" Dinig ko ang mahinang sambit ni Erin sa gilid ko.

At para mas kapani-paniwala ay kinuha ko ang kanang kamay niya at pinagsalikop ang mga daliri namin. Sinadya kong ipakita iyon kay papa na siyang nagmamasid lamang sa mga galaw naming dalawa.

Bahagya kong pinisil ang palad ng impakta para ipabatid sa kaniyang makisama muna sa'kin-- sakyan na lang niya itong kagagahan ko tutal ay narito na rin naman na kami.

"Papa, si Erin nga pala. Erhena Daniella Jackson po." Mayabang kong sambit, tila proud sa sarili.

Iyan lang muna ang kaya kong ibigay na impormasyon dahil iyon pa lang naman ang nalaman ko tungkol sa kaniya.

"Wow, marahil ay naka-tadhana na talaga kayo sa isa't-isa at muli kayong pinagtagpo. Masaya ako para sa inyo, kinagagalak kong makikilala ka, Erin." Baritonong saad ni papa dahilan para mapangiti ako.

Ang galing mo, self. Galing-galing mo, kulang na lang ay masabitan ka ng best actress sa kasinungalingan mo.

"Ni-- nice meeting you din po, Sir." Halos makain na ni Erin ang sariling dila sa sobrang kaba nito.

"No. No, don't call me sir. You can call me now tito, okay?" Si papa na masyado na yatang natutuwa sa amin.

Gay's Confession [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon