Chapter Twenty Three

241 38 11
                                    

Matapos ang klase ay nauna ng bumaba ang dalawa-- sina Helen at Rachel para ayusin ang bahay ni Erin, magluto ng handa at mag-decorate na purong pink, dahil alam naman nating lahat kung gaano siya ka-obssess sa kulay na iyon.

Nakausap ko na rin ang land lady na may magaganap na handaan mamaya sa bahay kaya hindi maiwasang may mag-ingay, lalo pa't gagabihin pa yata kami.

"Parang tanga 'yung dalawa, kanina pa takbo nang takbo." Pagpuna ni Erin na siyang nakahawak sa braso ko.

"Hayaan mo na, baka luma-love life lang ang mga 'yon." Sambit ko habang abala sa cellphone.

Hanggang ngayon kasi ay hindi pa nagre-reply si manong driver, sinabihan ko siya kanina na siya ang magsusundo sa airport. Ngayong oras din ang departure ng eroplanong sinasakyan ng nanay ni Erin.

Nang maibulsa ang cellphone ay nilingon ko siya na ngayon ay matamang nakatitig sa akin, nanlilisik ang parehong mata. Heto na naman po tayo sa world war two.

"Saan mo gusto pumunta?" Pagtatanong ko para libangin siya.

Mamaya ay baka habulin na naman ako nito at kung anu-ano pang pinagsasabi na baka mayroon na akong iba. Masyado rin kasi akong naging abala sa paghahanda para sa birthday niya.

Hindi niya alam na sina Helen at Rachel ang ka-text ko nitong mga nakaraang araw para pag-usapan ang plano na mabilis ko namang binubura ang conversation namin.

At itong si Erin, todo bintang na nambababae na ako. Nakakatawa. Nakalabas na kami ng University at nilalakad na lang namin ang kotse ko na naroon sa gilid naka-park.

"Gusto ko na umuwi." Nagmamaktol niyang sambit saka pa umirap sa hangin.

"Ayaw mo bang mag-date tayo?"

Natigilan ito sa paglalakad at binalingan ako, kunot ang noo niyang pinagmamasdan ang mukha ko dahilan para kumunot din ang noo ko.

"Date?" Bulalas niya at parang tuod na binudburan ng asin. "Magde-date tayo?!"

"Ayaw mo ba? Sige, umuwi ka na. Gusto mo ng umuwi, hindi ba?"

Malakas itong tumawa saka pa hinampas ang braso ko. "Joke lang, baliw ka ba? First time mo kasi akong inanyaya ng date kaya nagulat lang ako."

"Oh, sige na, pumasok ka na. Ang dami mo pang sinasabi." Pambabara ko rito at binuksan ang pinto ng passenger's seat.

Marahan kong inalalayan ang ulo niya hanggang sa makapasok na siya sa loob. Umikot ako sa kabila at pumasok na rin sa driver's seat, binuksan ang engine saka pinausad ang kotse.

"Ang bagal mo talagang mag-drive." Pagpuna niya nang mas bagalan ko ang takbo ng sasakyan kumpara sa mga nakaraang araw.

"Mas maganda na 'to, nakakasama kita ng matagal." Sambit ko habang abala sa pagmamaneho.

Hindi nakaimik si Erin kaya nilingon ko ito, deretso lang ang tingin niya sa harapan at tila nawala na naman sa ulirat. Namumula pa ang magkabilaan niyang pisngi at tainga.

"Kinikilig ka na naman?" Natatawang pahayag ko kaya mabilis ding naglaho ang mala-kamatis niyang mukha.

Seryoso niya akong binalingan. "Huwag ka masyadong pa-fall ah, kasi baka nakakalimutan mo, wala lang 'to lahat. Nagpapanggap lang tayo."

Hindi na ako nakasagot dahil nag-vibrate ang cellphone ko sa bulsa na mabilis ko namang kinuha. Binuksan ko iyon at bahagyang pinatagilid para hindi mabasa ni Erin.

Helen:
Putspa! Bakit walang
gas 'tong tangke niya?!

Halos matawa ako sa nabasa. Kung walang gas, saan nagluluto itong si Erin? Huwag mong sabihing nag-uuling pa siya para makapagluto ng pagkain. Ibang klase.

Maghanap muna
kayo dyan, ako na
bahala magbayad
sa inyo mamaya.

Matapos isend ay kaagad ko rin iyong ibinulsa at inabala ang sarili sa pagmamaneho. Maya-maya lang din ay huminto kami sa gilid ng West City Plaza, ang siyang pinakamalapit na mall dito.

"Tara na?" Pahayag ko saka nilingon si Erin.

Hindi ito umimik ng tanggalin niya ang seat belt at walang lingun-lingon na lumabas, malakas niyang isinara ang pinto dahilan para manlaki ang mata ko.

Mabilis akong bumaba nang mapansing nagdere-deretso ito papasok ng mall. Hinabol ko siya hanggang sa makapasok na kami sa loob.

"Erin, hintayin mo naman ako." Hinihingal kong sambit.

"Doon ka na sa ka-text mo, magsama kayo!" Matigas niyang sambit at iniwasan ako.

Hay buhay! Ano ba naman 'to, Lord? Ganito ba kahirap maging tunay na lalaki?

Hindi ko na siya inabala at tahimik lang na sinusundan siya. Mainit ang ulo niya, nagseselos 'yan kaya mas mabuting huwag ko munang gatungan pa.

Umakyat ito hanggang sa fifth floor kung saan naroon ang Timezone Arcade. Dumeretso siya sa counter para magpapalit ng token saka nagpunta sa machine ng Alien versus Predator at kinuha ang stricker gun.

Matapos maihulog ang token ay parang nanggigigil na pinagbabaril niya lahat ng aliens. Sumisigaw pa ito dahilan para pagtinginan siya ng ilang katabing naglalaro, akala mo ay baliw na nakatakas sa mental hospital.

Bahagya akong lumayo, humakbang paatras at naupo sa isang bakanteng upuan. "Hindi ko po 'yan kasama." Bulong ko pa sa sarili.

"Ayan, mamatay kayong lahat!" Sigaw niya at muling naghulog ng token. "Ang kakapal ng mukha niyo! Hindi na kayo nakakatuwa ha!!"

Nakakahiya, promise.

Halos yumuko ako, ipinatong ang siko sa tuhod para mahilot ang sentido ko. Napatingin ako sa relo ko kung saan alas singko na ng hapon, mga alas siete siguro ay pwede na kaming umuwi.

Naramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone ko kaya hinugot ko iyon sa bulsa at binasa ang text ni manong.

Sir, kasama ko na po
siya ngayon. Bali
dederetso na kami
sa hotel na sinabi
mo.

Thank you. Sabihan
ko kayo ulit kapag
pwede na siyang
pumunta sa bahay
ni Erin.

Pagkasend ay nag-angat ako ng ulo para lingunin si Erin na ngayon ay sa akin na nakaharap, nakatutok pa ang stricker gun sa akin na animo'y isang pulis.

"Mamatay na lahat ng babaero!!" Sigaw niya dahilan para maghiyawan ang mga tao sa paligid.

"Hoy, mamatay ka na raw!" Anang isang lalaki at binatukan ang katabi.

"Babaero ka 'di ba? Oh, mamatay ka na ngayon din." Sambit ng babae sa lalaking kasama niya.

Napapikit ako at nang dumilat ay mabilis akong tumayo para lapitan si Erin. Walang sali-salitang hinawakan ko ang kamay niya at hinila palabas sa lugar na iyon.

Gay's Confession [Completed]Where stories live. Discover now