Chapter Fifteen

321 47 18
                                    

Dere-deretso ang naging lakad ko habang nasa likuran ko lamang si Erin. Wala sa sariling napabuntong hininga ako. Kaya ko ginawa iyon ay dahil baka may makakita pa sa amin.

"Honeybunch." Pagtawag sa akin ni Erin.

Ilang segundo lang nang makasabay ko ito sa paglalakad saka marahan na hinawakan ang braso ko, nag-iingat na baka magalit ako. Unti-unti ay pinulupot niya ang kaniyang kamay.

Ngumiti ito at hinarap ang siyang nilalakaran namin. Hindi na ako umimik. Tahimik lang kaming naglalakad hanggang sa makarating kami sa unang subject.

"Erin!!" Mga sigaw na agad bumungad sa amin pagkabukas ng pinto. "Waah, Erin!!"

"Rachel! Helen! Ahh!!" Mas malakas na sigaw ni Erin saka tumakbo palapit sa dalawa niyang kaibigan.

Dinamba niya ang mga ito ng yakap at parang mga batang tumatalon habang nagpapaikot-ikot pa. Tch. Napaismid ako at nagderetso sa upuan kong naroon sa likuran.

Nang makaupo ay hindi ko na sila pinansin at binuksan ang bag para kunin ang binder ko. Kailangan kong aralin ngayon ang mga naituro kahapon. Iyon na lang ang pinagkaabahalan ko kahit sobrang ingay ng paligid.

"Saan ka ba nanggaling, bruha ka?" Matinis na sigaw ng isa niyang kaibigan.

"Diyan lang sa tabi-tabi." Sagot niya saka humalakhak na parang lasing sa kanto.

"Tanga, tinatanong ko kung saan ka ngayon nanunuluyan? Saan ka natulog ng dalawang gabi? At bakit wala ka kahapon?"

Napahinto ako sa pagbabasa at nakipagtitigan na lamang sa mga letrang naroon sa binder ko. Mukha akong walang pakialam sa nangyayari pero ang tainga ko ay nakakaabot na sa kung saan-saan.

"Hmm... nanunuluyan ako ngayon sa isang kakilala, malapit lang din sa bahay namin. Umabsent naman ako dahil nilagnat ako." Mahinahong sambit ni Erin, tila nag-iingat sa isasagot.

Hindi kami nagkausap patungkol rito na huwag niyang ipagsasabi na sa amin siya pansamantalang nakatira. Kaya ganoon na lamang ang paghinga ko ng maluwag sa sinabi niya.

"Sinong kakilala?"

"Basta taga-roon lang din sa amin, sa may kanto. Nakakahiya naman kasi sa inyong naturingang bestfriend ko, hindi ba??"

"Gaga, kung pwede lang kitang sunduin at dalhin sa bahay ay ginawa ko na."

"Sa amin naman ay hindi talaga pwede. Alam mo naman 'yun si Mama."

"Whatever. Nga pala, ano ng ganap kahapon?"

Mariin akong pumikit at hinilot ang sentido, ilang sandali lang din nang dumating ang instructor kaya mabilis akong nagdilat. Nakita ko pa si Erin na nagmamadaling lumapit sa akin.

Pabagsak na naupo siya sa kanang bahagi, kung saan katabi ko lang din. Nagsimula nitong buksan ang kulay pink niyang bag, nilabas ang binder at ang ballpen niyang kulay pink na may heart pa sa dulo.

"Okay, class! Get one whole sheet of paper." Anang instructor kaya nilingon ko ito.

Doon ay halos manlaki ang mata ko kasabay ng pagkakalaglag ng panga ko. What the heck? May quiz ba? Bakit hindi sinabi kahapon para hindi naman ako nabibigla?!

Hindi ako nakapag-review. Holyshett!!

"Uy, honeybunch, pakopya ah?" Mahinang sambit ni Erin saka pa ako binigyan ng yellow pad paper.

"Number one!"

Mabilis na kinuha ko iyon at sinulatan ng pangalan. Hanggang sa pangalan na lang talaga ang naisulat ko matapos ang quiz. Napatingin ako kay Erin na nakatulala sa mukha ko, tila dismayado.

Pareho kaming bagsak, parehong zero ang nakuha naming score.

"Akala ko ba nakinig ka kahapon?" Mariin niyang pagtatanong at pinagkrus pa ang mga braso sa dibdib.

"Nakinig ako pero wala akong naintindihan." Pahayag ko na siyang totoo namang nangyari.

Sa sinabi ko ay isang malakas na hampas ang natamo ng kanang braso ko dahilan para panlakihan ko siya ng mata. Ano bang problema nito?

Tch. Siya na nga lang 'tong mangongopya ay siya pa 'tong galit? Kasalanan ko bang hindi siya pumasok kahapon?

"Hay nako, Xander." Gigil na sambit niya at nagmamadaling tumayo.

Lumabas na ito ng room para sa ikalawang subject namin kaya mabilis din akong tumayo para sundan siya. Nang makarating ay sabay na naupo kami sa pinakalikod ng room.

"Anong ginawa mo kahapon? Baka pati sa subject na 'to, wala kang naintindihan, ah? Alalahanin mo, major subject 'to at kapag nagkataon na may quiz, yari talaga tayo."

Huminga pa ito ng malalim na akala mo ay ang laki ng problema sa buhay. Inismiran ko ito na hindi naman niya nakita dahil inirapan na ako nito.

"Kung lumipat ka kaya ng upuan, doon ka sa mga kaibigan mo at baka tuluyan na kitang ihulog dyan." Matigas kong sambit dahilan para lingunin niya ako.

Mabilis na pinakita nito ang kaniyang gilagid, matamis niya akong nginitian at nagpapa-cute pa akala na niya ay maapektuhan ako.

Never. Ever.

"Joke lang, honeybunch. Ikaw naman hindi mabiro." Sambit niya saka pa ako siniko.

Parang tanga.

Ilang oras ang lumipas, matapos mag-dismiss ay lumabas na kami ng room. Kasama ang dalawa nitong kaibigan ay sabay-sabay na tinatahak namin ang daan papuntang cafeteria para kumain.

"Anong order mo, Xander? Pwede pasabay ako ng carbonara, isang slice ng pizza at tubig?"

Si Erin na makikisuyo na lang ay tinalikuran agad ako, hindi pa ako nakakaangal kaya narinig ko ang hagikgik ng dalawa niyang kaibigan. Humanap na ito ng mauupuan kaya hindi ko na pinansin.

Huminto lang ako nang naroon na ako mismo sa counter para pumila habang naroon naman sa likuran ko ang dalawa. Matapos sabihin ang order ay nagbayad din ako kaagad. Kumuha ako ng sariling kutsara't tinidor.

Bahala na si Erin kumuha ng kaniya.

"Hindi kita nakuhaan ng tinidor." Pahayag ko rito nang makalapit ako sa mesa.

Nakita ko ang pagsimangot ng mukha niya. "Sabihin mo ay sinadya mo! Imbes na hindi na ako tatayo e." Nagdadabog na umalis ito ng upuan.

Inilapag ko na ang tray saka mabilis na kinuha ang dalawang burger at inilagay iyon sa bag ni Erin na iniwan niya sa upuan. Baka kasi magutom iyon mamaya, lalo pa't puro junk food lang itong kinakain niya ngayon. Hindi nakakabusog.

Dumating na rin ang dalawa kasabay ni Erin at naupo sa kaniya-kaniyang upuan, gaya ng nakagawian ay magkatabi kami ni Erin habang katapat namin sina Rachel at Helen.

"Nga pala, Erin, kailan kami pwede pumunta sa bahay na tinutuluyan mo ngayon?" Pagtatanong ni Helen habang ngumunguya.

"Ha? Bakit naman kayo pupunta roon?" Naguguluhang sambit ni Erin.

Oo nga naman.

"Syempre, bibisita kung sakali."

"Para kayong sira. Nakakahiya naman doon sa may-ari at magdadala pa ako ng mga bisita, at saka pansamantala lang iyon."

"Ganoon? Gusto lang naman namin makilala kung sino 'yang kakilala mo." Nakangusong sambit ni Rachel.

"Don't worry, guys, babae naman iyon kaya safe ako. Alam kong nag-aalala lang kayo."

Babae? Sinong babae? Ako? Teka, babae ba ako?

Gay's Confession [Completed]Where stories live. Discover now