Chapter Thirteen

309 53 16
                                    

Ilang minuto akong naghintay doon sa kwarto ni Erin, hindi pa kasi ito lumalabas hanggang ngayon sa banyo, mukhang nagkulong na yata. Naguguluhan pa rin ako at naaawa sa kaniya.

Sa murang edad, hindi mo akalaing napakarami na niyang napagdaanan sa buhay. Kaya pala ganoon na lang ito maghanap noon ng tunay na pagmamahal sa ibang lalaki, kasi sa bahay nila mismo ay hindi niya maramdaman iyon.

Naging independent at mas mature pa ang pag-iisip kaysa sa akin. Iba ang pananaw niya sa buhay na hanggang ngayon ay hindi ko mapaniwalaan.

Ang sariling magulang ang dapat na nagsasakripisyo para sa anak?

May point naman siya. Magkaiba lang talaga kami ng kinalakihang buhay. Ako na bihira lang makasama sina papa at ate dahil sa uri ng trabaho nila. Siya naman na may kasama araw-araw, iba naman ang trato.

Ang malala pa ay hindi pala niya tunay na magulang ang mga iyon. Napabuntong hininga ako sa kawalan, kasabay naman nito ay ang paglabas ni Erin sa banyo.

Napansin ko ang mamula-mula niyang mata na sa tingin ko ay patago itong umiyak sa loob. Hindi ako umimik hanggang sa maupo ito sa kama at maang na tinitigan ako.

"Napaano ka? Na-estatwa ka na dyan." Pagpuna niya sa akin saka pa malakas na tumawa.

"Okay ka na ba? I mean, 'yung pakiramdam mo? Nakainom ka na ba ng gamot mo?" Sunud-sunod kong pagtatanong para walain ang tensyon sa pagitan namin.

Muli ay tinitigan lang ako nito nang hindi makapaniwala, na para bang bago sa kaniya itong ginagawa ko. At oo, concern ako. Hindi ko na maipagkakaila iyon.

"Huwag mo nga akong bine-baby, baka masanay ako." Aniya na tumatawa, pero naroon pa rin naman ang lungkot sa parehong mata niya. "Kaya ko ang sarili ko."

Hindi na ako nakasagot. Ilang minutong tanging katahimikan lang ang nangingibabaw sa loob ng kwartong iyon. Hindi ko na alam kung anong pwede kong sabihin. Nag-iisip ako ng topic.

"Wait." Sambit ko nang may maalala.

Ito lang ang alam ko at para na rin pagaanin ang loob niya.

"Naalala mo ba iyong burger na nandoon sa bag mo noong nakaraan?" Pagtatanong ko dahilan para sumimangot siya.

"Oo! Tandang-tanda ko 'yon dahil sa kawalang-hiyaan mo!" Nanggigigil niyang sambit at nagpakawala ng hampas. "Umuwi akong gutom na gutom no'n, pagkauwi ko pa ay wala man lang tinirang pagkain sa bahay."

Mabilis kong hinuli ang kamay niyang panay pa rin ang paghampas sa akin. "Oo na, sorry na."

"Hmp!" Nag-cross arms pa ito at tinabingi ang bibig, animo'y bata na inagawan ng lollipop.

"Gusto ko lang naman sabihin na ako ang nagbigay ng burger at naglagay sa bag mo." Mahinahong sambit ko.

Napatigil ito sa narinig at ilang segundong natulala. Maya-maya pa ay dahan-dahan na nilingon ako nito, laglag ang panga habang nanginginig ang bibig.

"I-- ikaw?" Hindi makapaniwalang sigaw niya saka pa ako itinuro. "How come?"

"Sabi mo kasi ay hindi ka nakakain noong lunch break natin at kung naaalala mo pa, bumalik ako sa canteen hindi ba? Bumili ako ng burger at nilagay ko lang no'ng nagsasagot ka sa harapan."

Unti-unting umangat ang dalawang kamay niya at ipinantapal iyon sa nakanganga niyang bibig. Gulat pa rin ang mababakas doon dahilan para matawa ako.

Natigil lang nang naging mabilis ang galaw niya, ang dalawang kamay nito ngayon ay nasa magkabilaan ko ng pisngi. Lumapit pa ito ng bahagya at ngiting-ngiti akong tinitigan.

"Hindi ko alam na ikaw pala iyon. How sweet of you, Xander."

What the heck?

Hindi ako kaagad nakagalaw dahil sa sobrang lakas ng tibok ng binabae kong puso. Maya-maya pa ay narinig na lang namin ang pagbukas ng pinto sa kwarto.

Nasa ganoong position kami nang dumating si ate. Dahan-dahan ay sabay na napalingon kami ni Erin sa kinatatayuan ni ate, napatigil ito sa paglalakad at naging isang linya ang bibig.

Ito na naman, parang pinipigilan na naman niya ang sarili na huwag humagalpak ng tawa. Nag-iwas ito ng tingin sa akin, dahil kung sakali ay baka mawala siya sa huwisyo at muling tumawa.

"Ilalagay ko lang itong gamot, aalis din ako kaagad. Huwag niyo na akong pansinin." Mahinang sambit niya.

Dala ang isang tray na mayroong isang basong tubig at gamot ay naglakad siya palapit. Tahimik na inilapag ang tray sa bed side table. Matapos ay muli siyang lumingon sa amin na ganoon pa rin ang lagay.

Pareho na kaming na-estatwa ni Erin, hindi makagalaw at tila nawalan na ng kaluluwa. Tumingila si ate saka mabilis na nag-iwas ng tingin at parang robot na naglakad.

Huminto ito sa kalagitnaan at nilingon kami. "Erin, oras na ng pag-inom mo ng gamot kaya huwag mong kalimutan, ha? Para makapasok ka na rin bukas."

Iyon lang at tuluyan na itong nakalabas. Nang mawala siya sa paningin ay doon lang bumalik ang ulirat ko at buong lakas na itinulak ang noo ni Erin na ngayon ay papikit-pikit ang mata.

"Uminom ka na raw ng gamot." Sambit ko at doon lang siya natauhan.

"Ah, oo nga pala."

Dali-dali itong umayos ng upo at inabot ang gamot na mabilisan niyang ininom. At parang sumpa naman ang ginawa niya sa akin kanina dahil biglang bumigat ang talukap ng mata ko.

Inaantok na ako. Malakas na napahikab ako saka wala sa sariling natumba at nahiga sa kama, kasabay ng pagpikit ng parehong mata ko. Hindi ko na namalayan ang oras dahil nakatulog na ako.

"Ano ba naman at anong oras na?" Rinig ko ang boses ni ate sa hindi kalayuan.

Nakapikit ako kaya hindi ko ito magawang tignan o lingunin man lang. Nanatili akong nakapikit at pinapakiramdam ang sarili, pati na rin ang paligid.

"Gisingin mo na 'yan. Kanina pa naghihintay si Papa sa labas, mayayari tayo nito e."

Sa sinabing iyon ni ate ay may yumugyog sa braso ko dahilan ng pagmulat ko. Unang bumungad sa paningin ko ang nakapamaywang na si ate Xyreille habang maang na nakatitig sa mukha ko.

"Ano, tutunganga ka na lang ba diyan? Alam mo bang hindi makatayo si Erin dahil sayo?" Matigas niyang sambit kaya mabilis kong hinanap si Erin.

Hindi pa man nakakalayo ang paningin ko nang maramdaman ko ang paggalaw nang nasa ulunan ko. Doon ko lang namalayan na nakahilata pala ako sa dalawang hita ni Erin dahilan para manlaki ang mata ko.

Mabilis pa sa kidlat na napatayo ako at inayos ang sarili. Nilingon ko si ate na kahit kunot ang noo ay alam kong nagpipigil na naman siya ng tawa. Napaismid ako at mabibigat ang paang nagmartsa palabas ng kwarto.

"Kakain na raw!" Sigaw ko sa kanila, saka ko pa lang narinig ang mga yabag nila sa likuran ko.

Gay's Confession [Completed]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt