Epilogue

508 35 11
                                    

"Erhena Daniella Jackson." Panimula ko habang nakatutok sa bibig ang isang mic.

Sa ginawa kong iyon ay parang automatic na napalingon sa akin ang mga estudyanteng naroon sa quadrangle. Halos sabay-sabay na natigil sa ginagawa para lang bigyan ako ng atensyon.

Tiningala nila ang pwesto ko kung saan tindig akong nakatayo sa hindi kataasang platform sa pinaka-sentro ng quadrangle. Mula rito sa kinatatayuan ko ay kitang-kita ko lahat ng tao sa baba pero isa lang ang hinahanap ng mata ko.

"Kung nasaan ka man, sana ay pakinggan mo muna ako." Huminga ako ng malalim saka marahang pumikit. "From the first time I saw you, hindi ko alam na bukod sa aking ina ay may mas magandang babae pa pala akong makikilala."

Naalala ko pa noon ang unang eksena niya sa room, she was like a clumsy and a bad-ass chics, pero nagkamali ako. Dahil sobrang nagunaw ang mundo ko nang mas nakilala ko siya.

Sa apat na sulok na siyang itinayo kong pader para lang itago ang totoong katauhan ay gumuho, dumating siya para isalba ako. Tinuwid niya lahat ng mga baluktot kong pananaw bilang isang tagilid na lalaki.

Hindi ko naman halos mapaniwalaan na narito na ako ngayon, kung saan ipinagtatapat ko ang totoo kong nararamdaman sa taong gusto ko-- isang babae.

I never knew na mas masaya pala ang ganito, tumitibok ang puso mo sa isang babae, kaysa noong kay Peter pa ako nagkakandarapa-- na wala naman yatang pakialam sa akin.

But I don't care anymore. Si Erin na ang naging buhay ko ngayon, siya ang nagsilbing liwanag na noo'y isang madilim at pilit nagtatago sa isang sulok.

"You were like an angel, sent from above. Sa paglipas ng araw, unti-unti kitang nakilala, unti-unti kong nakikita ang pagiging unique mo sa ibang babae. Hindi ko nga alam kung bakit, pero every time na lalapitan mo ako, para mo akong hini-hipnotize. Kaya gusto ko lang tanungin, ginayuma mo ba talaga ako?"

Marami akong narinig na tawanan sa baba, hindi ko na iyon pinansin at nanatiling nakapikit.

Ninanamnam ang kabang ngayon ko lang naramdaman sa tanang buhay ko, dahil ngayon lang din naman ako nagtapat-- sa public pa talaga kung saan dinig ng buong University.

"Kasi kung oo, grabe, ang lakas ng tama ko sayo." Ngumiti pa ako matapos kong banggitin iyon.

Muling naghiyawan ang mga estudyante kaya marahan akong nagdilat. Doon ay malinaw kong nakikita si Erin na naroon sa pinakagitna ng kumpulan, mariing nakatitig sa akin kahit pa tampulan na siya ng tukso.

Ngumiti ako rito. "Iyong parati mong sinasabi noon na sana ay totoo lahat ng nararamdaman ko? Tatanungin kita ulit. Don't you have a heart o talagang manhid ka lang?"

Mula rito sa pwesto ko ay nakita kong nanginig ang balikat niya saka tumingala sa kalangitan saka mabilis na pinahid ang kaniyang pisngi. Umiiyak si Erin, ang kaninang pagtangis nito ay ako rin ang dahilan.

Knowing her, masyadong mahal ang luha niya. Hindi kusa iyong nalaglag at kapag nangyari iyon, ibig sabihin ay isa ka sa mga taong mahalaga sa buhay niya.

"Naging bulgar ako sayo, lahat ng pinakita ko ay hindi pakitang tao lang. Hindi para may mapagtakpan lang. Hindi kita ginamit o kung ano man 'yang pinaglalaban mo kasi in the first place, I already liked you."

Naging in-denial lang ako, hindi ako nagpatalo sa ego at pride ko. Naging duwag ako, naging selfish ako. Inuna ko kung ano ang sasabihin sa akin ng iba.

"I love you. I really do. Like insanely I do."

Bumuga ako sa hangin para punan ang naghihingalo kong puso. Masyado na akong maraming sinasabi, hindi ko na kinakaya pa itong nararamdaman ko.

Malakas na naghiyawan ang mga tao, napangiti ako habang pinagmamasdan ang babaeng gustung-gusto ko. Ang babaeng siyang dahilan kung bakit narito ako sa harapan, kung bakit mas gusto kong mabuhay na kasama siya.

"At gusto ko lang maging official ang lahat, totoo na 'to. Gusto kong magsimula tayo ulit, gusto kitang ligawan kahit akin ka na." Pahayag ko dahilan para magpalakpakan ang mga manonood.

Bago pa man makaakyat sa stage ang tumatakbong Dean's President ay muli akong nagsalita, may katandaan na ito kaya halos lakad-takbo lang ang ginagawa niya. Sinulit ko ang nalalabing segundo ko rito sa harapan.

"For you to believe that I can do anything just for you." Pahayag ko saka ko pa itinutok kay Erin ang finger heart ko.

Natawa ito kasabay nang muli niyang pagpunas ng luha sa kaniyang pisngi. Naabutan ako ng Dean's President kaya mabilis niyang hinablot ang microphone sa akin, kinurot pa nito ang tagiliran ko dahilan para mapalayo ako.

"Haru jusko! Ano ba naman itong mga kabataang ito, oo! Hala sige, kapag tapos nang magpa-enroll ay magsiuwian na kayo!" Pahayag ng ginang dahilan para muling magsibalikan ang iba sa kanilang ginagawa.

Tumatawang tumalikod ako habang tinatahak ang daan palapit kay Erin, na para bang sa isang iglap naging slow-motion ang lahat. Tanging si Erin na lang ang nakikita ko.

"Hi?" Nahihiyang sambit ko nang makalapit ako sa kaniya.

Kinawayan ko pa ito dahil natulala na lang ito sa mukha ko, nakapaskil pa rin ang hindi makapaniwalang reaction.

"Ayos ba? Hindi ka naman na siguro lalayo sa akin, ano? At huwag mo nang gawin o balakin pa."

Imbes na sagutin ako ay malakas na hampas ang ginawa niya sa dibdib ko.


"Bwisit ka talaga!"

Mabilis kong hinuli ang dalawang kamay nito saka pinagsalikop ang mga daliri. Wala na akong naging pakialam kahit pa na maraming tao sa paligid, kahit puro na sila hiyawan.

All I can see is Erin.

Nailing-iling ito saka malakas na tumawa. "Nagagawa nga naman ng isang Xander, ano?"

"Just for you, only you."

"And I love you too." Seryoso niyang pahayag bago dumukwang para halikan ako sa pisngi.

Hindi pa rito nagtatapos ang kwento naming dalawa, dahil alam kong ngayon pa lang magsisimula ang isang panibagong yugto ng buhay namin, sa kung paano kami huhubugin ng panahon.


And I, Xander Crisostomo Villegas, this is how I confessed my feelings to the girl I like-- Erhena Daniella Jackson.

Gay's Confession [Completed]Where stories live. Discover now