Kabanata 40

62.7K 2.8K 1K
                                    

Sanctuary
A/N: Sending my greatest appreciation to everyone for reaching the last chapter! I hope BWIS was able to touch your heart even in the smallest possible way. Please don't let anyone dim your glow. May we all break the stereotypes. Watch out for the Epilogue and my next stories too! Ily xoxo

-


"I hate you, Ken. Just how can you do this to me?" Kai muttered. Malaki ang simangot niya sa mukha.


I asked Ridge for Kai's new number because I badly want to reunite with him. We just decided to meet somewhere near Springfield. Ridge drop me off in here as he was on his way to meet a client.


I crossed my arms on my chest. "Grabe ka, pagkatapos mo marinig lahat ng pinagdaanan ko hindi ka man lang naawa sakin?"


So apparently, I told him everything. Everything except the fact that I was kicked out from the school because of their Mother. Kahit kay Ridge ay hindi na ko nag-abalang sabihin yun. Sa totoo lang kasi ay ayoko pa ring masira ang relasyon nila sa Nanay nila dahil doon. Ayokong makasira ng relasyon ng mag-ina. Anak din ako at may Nanay na mahal na mahal ko.


He sighed. "Gets ko yung hindi mo pag-contact sakin nung mga time na nagkasakit si Tito, lumipat kayo, nagtransfer ka, at preoccupied ka sa mga problema niyo. Sige kahit ni isang chat or text wala, sige Ken, iyon matatanggap ko pa. Pero yung nandito ka na lang around the area, tapos medyo nagiging okay na ang lahat, wala pa rin? Grabe yun, Ken." naiiling na litanya niya.


I laughingly sighed at binaba na ang kamay. "Okay, okay, for that I'm sorry. Hindi pa kasi kami agad okay ng Kuya mo nun kaya hindi ko rin naman mahingi yung contact mo,"


Nagkrus na rin siya ng braso. "Isa pa yan! Antagal niyo na pa lang may something ni Kuya tapos wala kang sinasabi sakin. Kung hindi ka pa umalis, hindi ko madidiskubre,"


Nanlaki ang mata ko. "Wait, so alam mo nang may past kami? Akala ko ngayon mo lang nalaman,"


He rolled his eyes. "Ikaw ba naman laging kulitin ng kapatid mo tungkol sa whereabouts ng kaibigan mo hindi ka pa magtataka. Ang masama, wala rin akong masagot sa kanya,"


I chuckled. "Pero seryoso, Kai. Sorry, bawi ako promise. Hang soon!"


He sighed. Tinanggal niya na ang pagkakakrus ng braso. "How's Tito Fred?" concern na tanong niya.


I smiled. "He's constantly recovering,"


"Damn miss ko na carbo ni Tita Mina! Padalaw minsan," he urged.


Ilang oras pa kaming nag-catch up bago sumapit ang oras na kinailangan nang bumalik ni Kai sa klase. Nagpaalam lang kami sa isa't isa at hindi na pinatagal dahil magkikita pa naman kami mamaya.


Kinagabihan na nang araw na iyon kami muling nagkita ni Ridge. Kilala na si Ridge ng parents ko kaya't pinatuloy siya habang nag-aayos ako.


Alam na rin nila Mama na ang Mommy ni Ridge ang nakaharap nila noong diniscuss ang expulsion ko. At first, they were hysterical about it. But I asked them to trust me. To let me handle things like the grown up lady that I am.


Habang inaayos ko ang buhok ay pumasok si Mama sa kwarto. Lumapit siya sa likod ko at pinisil ang magkabilang braso ko.


"Are you sure about this anak?" she asked.


I smiled. "Yes, Ma. We can't avoid this situation forever anyway. Mas maagang mangyari, mas maganda,"


She eyed me intently. "Basta yung sinabi ko ha? Pagkailangan mo ng resbak, just ring me up!"


Beneath What it SeemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon