Kabanata 7

50.6K 2.3K 412
                                    

Show you





"Seryoso?"


Tumango ako.


Malakas na humalakhak si Ava. Sinamaan ko siya ng tingin.


"Damn, he's one difficult guy." tawang-tawang sabi niya at pinunasan pa ang gilid ng matang may luha dahil sa kakatawa.


Nang magkita-kita sa classroom ay agad silang nagpa-kuwento kung anong nangyari sa pagkikita namin ni Ridge nung Sabado. Kung hindi lang sana ako ang nasa ganitong sitwasyon ay matatawa rin siguro ako sa kinahinatnan ko.


"Stop laughing too much, Ava." saway sa kanya ni Quinn. "How is it even going with your new prey?"


Tingin ko'y tinutukoy niya ang natipuhan ni Ava nung party.


Umirap si Ava. "Basic,"


"Kayo na?" tanong ni Quinn.


Ava arrogantly shrugged her shoulders. I think that's a yes.


"Masarap siya so far," she added.


Nalaglag ang panga ko.


Hindi naman mukhang nagulat si Quinn at bumaling lang kay Zoe.


"How about you?"


Zoe scrunched her nose. "He wants to make ligaw pa. Sinabi ko naman na there's no need for that but he insists. I find it sweet though," she then smiled.


Umaktong nasusuka si Ava. Hinampas tuloy siya ni Zoe sa braso.


Quinn shifted to face me. Huminga siya nang malalim. "What's your plan?"


Lumukot ang mukha ko.


"I don't have plans," I honestly said.


"Hay nako, Lia." pang-aasar ni Ava.


Zoe looks like she's thinking. "Based from the info sent by Quinn, he eats alone during break, right?"


Quinn nodded.


"Yes. Sa rooftop ng RV Building." they looked at me.


I sighed in defeat, getting what they're trying to imply.


Sakto namang dumating ang prof kaya't nagsibalikan na kami sa kanya-kanyang upuan.


Two straight classes ang meron kami bago ang break.


"Get some food first," sabi ni Quinn sa akin.


Tumango ako at sama-sama kaming pumunta sa cafeteria para pumila. Nang matapos bumili ay agad na silang nagpaalam sakin na para bang gustong-gusto na nila kong umalis. Napapailing na lang ako habang chini-cheer pa ni Ava.


Ito ang unang beses na pupunta ko sa rooftop ng RV building. Hindi kasi ito masyadong sikat sa freshies at tingin ko'y konti lang talaga ang napunta o dumadayo.


Dahan-dahan pa ang pagpihit ko sa doorknob. Sumalubong sa akin ang maaliwalas na rooftop.


Mabilis na nahanap ng tingin ko si Ridge.



Nakita kong napaawang ang labi niya nang magtama ang mata namin bago umiwas ng tingin at nagtiim-bagang.


Nakaupo siya sa sahig at nakasandal sa pader. Nakatiklop ang isa niyang binti habang diretsong nakalapat lamang ang isa. May libro din sa harap niya. His hair is kinda disheveled and he looks... hot.


Pinilig ko ang ulo sa naisip at lumakad na lang papalapit sa kanya.


"Hi," bati ko.


Nang walang makuhang sagot ay tahimik na umupo na lang ako sa tabi niya.


"You're studying even during times like this?" I asked staring at the book he's reading.


Halos hindi na rin talaga ko nag-eexpect na sasagot siya.


"Kumain ka na ba?" kyuryosong tanong ko.


Tumingin ako sa pailigid niya para humanap ng bakas na magpapahiwatig na kumain na siya. Tanging bote ng energy drink ang nakita ko sa gilid niya. Napaawang ang labi ko.


"You shouldn't just settle for a drink,"


No response.


"That's not healthy."


Still, none.


Kinuha ko ang isa sa dalawang sandwich na dala ko.


"Here, take this." I said then offered the food.


He didn't even bother looking at it.


I sighed.


I'm almost on the edge of surrendering nang may maisip akong gawin para makuha ang atensyon niya.


"You have something on your face," kumento ko kahit wala naman.


I almost heard something inside me sang in victory when he looked at me.


His forehead creased.


"Here," sabi ko at aktong pinunasan ang pisngi.


Nang wala siyang ginawa at nanatiling parang galit na nakatingin sakin ay dahan-dahan kong inangat ang kamay.


Nilapit ko iyon sa mukha niya at nang akmang lalapat na ang daliri ko sa mukha niya ay hinuli niya ang kamay ko.


"Anong ginagawa mo?" malamig na tanong niya.


Mahigpit ang pagkakahawak niya sa palapulsuhan ko.


Parang nanuyo ang lalamunan ko at hindi agad nakapagsalita.


"Why do you keep on bugging me?" mariing dagdag niya.


The coldness of his stare almost made me shiver in fear.


"G-gusto ko lang namang makipag-kaibigan," lunok ko.


He slowly freed my hand. Natatawang umiwas siya ng tingin. It was a sexy chuckle but I can tell that it was sarcastic.


My lips parted.


He brought back his gaze to me. "I don't need a friend like you,"


Pinasadahan niya pa ko ng nakaka-insultong tingin bago tumayo at tumalikod sa akin para maglakad.


Parang may napigtas na pagtitimpi sa akin. Galit na tumayo rin ako.


"What do you mean by that?"


Natigil siya sa paghakbang ngunit nanatiling nakatalikod.


"You don't need a friend like me? Bakit ano ba ko? Ano bang tingin mo sakin?" puno ng hinanakit na tanong ko.


I turned my chin up.


"If you think your negative perceptions of me would stop me from trying then no," matapang na sabi.


"I'll show you what you've been missing for not having a friend like me." desididong sabi ko.


I've never been so immersed in this mission until now.


Prepare yourself, VP.

Beneath What it SeemsWhere stories live. Discover now