Kabanata 26

53.5K 2.4K 507
                                    

Moonlight




"Ma, Pa, alis na po ko."


Humalik ako sa kanila sa pisngi. They also bid their goodbyes before I went out.


Pinasok ko muna ang bag ko sa passenger's seat bago binuksan ang gate para mailabas ko ang sasakyan.


Nahinto ang pagtulak ko sa gate nang makita si Ridge sa labas ng bahay.


My lips parted.


Nakasandal siya kanina sa hood ng sasakyan niya pero nang makita ako ay napatuwid siya ng tayo. May pag-iingat sa mga mata niya habang nakatingin sakin.


Tinitigan ko siya nang ilang saglit. Matapos ang pag-iwan ko sa kanya kahapon ay wala na kong natanggap na kahit anong text sa kanya. Hindi ko alam kung bakit panay ang silip ko sa cellphone kagabi na para bang may inaantay. Hindi mapakali at parang may inaabangan.


Huminga ako nang malalim. "What are you doing here?" kalmadong tanong ko.


Nakita kong napalunok siya.


"Uh," he halted. "S-sinusundo ka,"


Ito ata ang unang beses na narinig ko siyang nautal.


Kumunot ang noo ko. "Kaya kong pumunta sa school mag-isa,"


Nakita ko ang pagbagsak ng mukha niya. Something inside me fell as well. I saw his adam's apple move before he slowly nodded his head.


"Alright," malumanay na sabi niya. "Please take care."


Umiwas ako ng tingin at nanlalambot ang tuhod nang tumalikod.


"Lia,"


Tumigil ako sa paghakbang at takang napalingon sa kanya.


Nandun na naman ang pag-iingat sa mga mata niya. "Wait," sabi niya at may kinuha sa loob ng sasakyan niya.


Kyuryoso kong pinanood ang galaw niya. May inilabas siyang transparent tumbler at lumakad siya papalapit sa akin.


"Uh," he scratched his nape. "Protein shake," sabi niya at iniabot sa akin iyon.


Naramdaman ko ang munting pagbilis ng tibok ng marupok kong puso.


I cleared my throat. "I didn't work out today,"


He averted my gave. "I found out that this is also helpful for the body even without prior workout out... so," he muttered while looking away.


Hindi ako gumalaw. Wala rin akong sinabi. Nakita kong unti-unting bumalik ang tingin niya sa akin nang may pag-aalala. Parang may gumuho sa kanya nang mapansing wala akong balak kunin iyon. Bumagsak ang balikat niya. Aktong ibababa niya na ang nakalahad na inumin nang kunin ko ito.


I saw his face slightly lit up.


I cleared my throat. "Para lang umalis ka na," sabi ko at nag-iwas ng tingin.


Tumalikod na ako at walang sabi-sabing sumakay sa sasakyan. Hindi naman nakaharang ang kanya sa drive way kaya madali akong nakalabas nang hindi na siya muling nililingon.


Sa mga sumunod na umaga ay walang palya ang pagpunta niya sa bahay para mag-alok na sunduin ako kahit panay lang naman ang tanggi ko sa kanya. Nang sinamahan niya na ng breakfast ang binibigay na protein shake ay sinabihan ko siyang wag na dahil nakakapag-almusal naman ako sa bahay.


Beneath What it SeemsKde žijí příběhy. Začni objevovat