Kabanata 33

52.9K 2.2K 327
                                    

Now





Dahil sa nangyari kahapon ay minabuti kong sa cubicle ko na lang ituloy ang pagbuo ng portfolio.


Pakiramdam ko'y wala na kong mukhang maihaharap sa kanya. Gusto ko na lang magpalamon sa lupa nung pareho na kaming nasa conference room ulit kahapon. Ni hindi na ako nagtapon ng tingin sa banda niya. Hindi ko maiwasang isipin kung ano kaya ang tumatakbo sa utak niya pagkatapos nung ipinakita ko.


Pinilig ko ang ulo at tinuloy na lang ang ginagawa.


"Ayos ka lang?"


Napabaling ako kay Chance na nasa tabi ko. Nang makita niya kaninang umaga ang ginagawa ko sa cubicle ay giniya niya ko sa lounge area ng department kung saan may malaking lamesa at makakabwelo. Nag-offer din siya na magbigay ng tulong sa kung saan man siya may maiaambag. Tatanggihan ko na sana ngunit sabi niya'y ganun naman daw talaga dito sa team, kapag may project ang isa'y nagtutulungan.


Nginitian ko siya. "Okay lang, may... iniisip lang,"


Binigyan niya ko ng nag-aalalang tingin.


"Ayaw mo bang ipagpabukas na lang yung iba? Late na rin naman,"


Bumuntong hininga ako. "Bukas na kasi ng hapon yung presentation. Kinakabahan nga ako eh,"


His lips curved into a comforting smile. "Kaya mo yan, Lia,"


He then patted my shoulders. I was just about to smile when a figure entering our department caught my attention.


Ridge's gaze was immediately on me. Or should I say, on the hand on my shoulders?


Nakita kong napansin din ni Chance ang presensya ng dumating kaya't tumayo siya para batiin ito.


"Good evening, Sir." he politely greeted. I stood up with him because I think it would be just to do so.


Umangat ang kilay ni Ridge.


"Continue what you're doing. Don't mind me." malamig na sabi niya at saka nilapag ang dala niyang laptop sa malayong bahagi ng lamesa.


Umupo na rin kami pareho at tinuloy ang ginagawa. Kalaunan ay lumipad ang mata ko sa orasan at nakitang alas-syete na rin pala ng gabi. Buti na lang ay nag-early dinner kami kanina. Napahikab ako.


Bumaling sakin si Chance. "Ipagtitimpla kita ng kape,"


Nginitian ko na lang siya nang nakitang tumayo na siya agad para gawin ang sinasabi niya. Ramdam ko ang mabibigat na tingin ni Ridge sa akin ngunit hindi ako nagkamaling ibalik sa kanya iyon. Nanatili ang atensyon ko sa ginagawa.


Bumalik si Chance na may dalang dalawang tasa ng kape. Inalok niya ang isa kay Ridge ngunit hindi siya pinansin nito.


Inilagay na lang tuloy iyon ni Chance sa may pwesto namin at mukhang siya na lang ang iinom habang ang isa'y inabot niya na sa akin.


"Thank you," nakangiting sabi ko at agad humigop dito.


"Uhm okay lang ba yung lasa? Hindi ako sure kung black or white coffee ang magugustuhan mo,"


"Hmm," dinama ko iyon. Creamy ang pagkakatimpla niya. "Tamang-tama lang. Mukha lang akong strong pero mild coffee ang mas gusto ko,"


Natawa naman siya. Napangisi na lang ako sa reaksyon niya. Bago bumaling muli sa ginagawa ay nadaanan pa ng mata ko ang madilim na tingin ni Ridge. Hindi ko na lang pinansin.


Lumipas pa ang ilang oras at medyo dinadalaw na ako ng antok. Buti na lang ay ramdam ko ang pagsisikap ni Chance na panatilihing gising ang diwa ko. Bumubulong siya ng mga biro na nagpapahalakhak o nagpapangiti naman sa akin.


Habang nakatutok ang mata sa screen ng laptop ay binanat ko ang isang kamay para abutin ang ballpen. Napakunot ang noo ko ng tila iba ang mahawakan. Pinisil ko pa iyon.


Biglang nasamid si Chance sa iniinom niya. Napabaling ako sa kanya at nanlaki ang mata ko nang makitang kamay niya pala ang nahawakan ko.


"Sorry!" nag-aalalang sabi ko.


Patuloy pa rin ang pag-ubo niya kaya't nilagay ko ang palad ko sa likod niya at marahang hinagod ito nang taas-baba.


Nakita kong namula ang pisngi niya roon. Pati ang leeg niya ay may bakas na ng pamumula. Hindi ko alam kung dahil iyon sa paghaplos ko sa likod niya o dahil sa sobrang ubo. Mas lalo lang akong nabahala kaya't tinuloy pa ang pagtaas-baba ng palad sa likod niya habang puno ng pag-aalala ang mukha.


"Ms. Mesina."


Napalingon ako sa baritonong boses ni Ridge. Tiim-bagang siyang nakatingin sa amin.


"To my office. Now." maawtoridad na utos niya.


Hindi na siya nagsayang pa ng oras at agad na tumalikod dala ang gamit niya. Diretso ang lakad niya at tila tensyonado ang katawan.


Kunot ang noo ko nang sundan siya ng tingin.


"Uh, sige na Lia," sabi ni Chance. Napabaling ako sa kanya. "Puntahan mo na si Sir, mukhang importante." namumula pa rin siya at hindi makatingin sa akin.


Humingi ulit ako ng tawad sa kanya bago nagpaalam para umakyat sa opisina ni Ridge.


Pagdating sa tamang palapag ay nagulat pa ko nang maabutan siya sa labas ng pinto niya na parang inip na inip na nag-aabang sakin. Malamig ang mga tingin niya.


Binuksan niya ang pinto nang nakalahad sa akin at tila hinihintay akong pumasok. Halos kilabutan ako sa intensidad na meron sa mata niya.


Humakbang ako papasok nang diretso ang tingin sa loob. Ramdam ko ang pagsunod niya at ang pagsarado ng pinto.


Nang marinig ang tunog ng pag-lock sa doorknob ay napakunot ang noo. Pumihit ako paharap sa kanya.


"Bakit-"


Naputol ang sinasabi ko nang agad niyang inatake ng halik ang labi ko. Ang mga kamay niya'y mabilis na pumulupot sa likod ko at mariing diniin ang katawan ko sa kanya.










Beneath What it SeemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon