Kabanata 29

48.7K 2.3K 832
                                    

Sucks




I need to explain to him.


He was hurt. I know and I understand. Hearing those words might really be painful.


But those are not the entire truth. He missed the important details. He didn't know that the plan was just to be friends with him and nothing more. He didn't know that I didn't have any bad intention. He didn't know that the latter part of our journey together wasn't part of it all anymore. He didn't know that everything I showed to him was genuine. He didn't know that my feelings are sincere. He didn't know that I love him.


Yes, I love him.


It took me up to this situation just to realize and admit that to myself.


That's why I really need to talk to him.


Yun lang ang nasa isip ko buong araw. Hindi ako makausap nang matino nila Ava. May inis akong nararamdaman sa kanila ngunit hindi ko rin naman sila lubusang masisi dahil kung tutuusin ay nag-assume lang naman sila ng mga bagay dahil sa kakulangan namin ng komunikasyon.


Hindi na ko nakapag-pokus pa sa mga klase ko. Hinihintay ko na lang na matapos na ito upang mapuntahan ko na siya.


Kaya nang i-dismiss kami sa huling klase ay halos tumakbo na ako papunta sa departamento ng Architecture. Ito ang unang beses kong makakapunta roon. Ni hindi ko alam kung saan ang silid niya ngunit bahala na.


Para akong naliligaw na bata sa hindi pamilyar na gusali. Sa dami ng mga kwarto ay hindi ko alam  kung saan magsisimula. Lumiwanag ang mukha ko nang matanaw sa corridor ang isa sa mga natatandaan kong kasama nila noong acquaintance party. Sa desperasyon ay nawala ang hiya ko sa katawan at agad itong nilapitan.


"Excuse me," medyo hinihingal  pa na sabi ko.


Napalingon siya sakin at ang iba niya pang kasamang lalaki. "Yes?" 


"Uh, saan ang room ni Ridge?"


Naramdaman ko ang saglit na pagpasada niya ng tingin sa akin bago sumagot. "Ah hindi namin siya ka-year level, Miss. Doon siya sa 3rd floor. And alam ko ay sa may pangalawang pinto mula sa hagdan,"


Mabilis akong tumango at nagpaalam. Hindi ko na nasuklian ang ngiti nila nang agad akong kumaripas sa hagdan.


"Si Ridge? Sa first subject lang siya nakapasok eh. Hindi na siya bumalik after nung break,"


Bumagsak ang balikat ko sa sinabi ng nakausap kong kaklase niya. Sinubukan kong  tawagan ang numero niya pero nakapatay ito. Hindi ko na pinatagal pa at nagdesisyong pumunta sa bahay nila.


Hindi ko dala ang sasakyan ko kaya't nagtaxi ako. Sa byahe pa lang ay tahip-tahip na ang kaba ko. Balisa ako at hindi mapakali. Ilang beses ko pang sinubukang i-dial ang numero niya pero walang pagbabago roon.

Beneath What it SeemsDonde viven las historias. Descúbrelo ahora