Chapter 8 - Before You Go

23 0 0
                                    

“Argue so you’ll never go”

[Candy]

Hay salamat at sabay na kaming apat kumakain ngayong lunch! At dahil yun sa success yung pagkakaibigan ko kay Xander.

“Nips! Naalala mo ba yung na dakdak pwet mo sa sahig? To inform you, nakakatawa talaga mukha mo nun.” Hala tawa na naman ng tawa.

“Mas nakakatawa sayo nung nadapa ka nung grade 4! Tumawa ka pa para mabilaukan ka!” Tawa parin siya ng tawa.

“Mas nakakatawa yung sayo.” Natatawa talaga ako sa tawa niya. Di ko maexplain, yung napakapino ba. xD

“Kaylan yan nangyari? Bakit di ko alam? At ‘Nips’ parin ang tawag mo sa kay Candy, Alex?” Takang-taka tanong ni Ram.

“Di ko din yan alam ah.” Nakangiting sabi ni Chrystal.

Hindi na kami umimik ni Xander. Patuloy nalang kami sa pagkain habang nakayuko. Para kaming mga bata na pinagalitan ng mga magulang.

Uwian na. x]

Pumunta ako doon sa burol, sa tambayan ko. Para mas magkaroon ng magandang view umakyat ako sa puno.

Maya-maya pa may dumating. Muntikan na akong mahulog dahil sa gulat sa taong dumating. Si Xander. Alam niya ang lugar na to?

Andon siya sa baba nagdra-drawing. Ano kaya dino-drawing niya? Masilip nga.

Umisog-isog ako sa pwesto ko. Napatingin si Xander sa taas.

“Hoy! Anong ginagawa mo diyan? Baba ka nga diyan! Baka mahulog ka pa.”

Sinunod ko naman ang sinabi niya.

Pag-apak ko sa 3 branch nadulas paa ko. Muntikan na akong mahulog buti nalang at nakakapit ang kanan kong kamay. Pero nakabitiw din. Nahulog ako ng tuluyan. Buti nalang at nasalo ako ni Xander pero natumba din siya. Natukod ko ang kanan kamay ko pabaliktad. Ayun! Piang!

Di lang dahil sa natukod ko dahil din sa stretch siya nung nakakabit ako.

“Hoy! Anong masakit sayo?!” Tanong ni Xander. Nakapikit na ako sa sakit ng kamay ko. At sa tingin ko may tulo na luha sa aking mga mata.

“Wag mong galawin kamay mo! Tara dalhin na kita sa Clinic!” Inalalayan niya akong makatayo.

May bandage ang right wrist ko. Woowoo di ako makakasulat. But on the brighter side—para akong yung character sa Naruto. Hindi ako masyado nanunuod nun. Basta cool yang may wrist bandage.

“Hatid na kita sa inyo. Baka di lang piang ang abutin mo mag-isa.” I gave him a gentle smile.

“Thank you pala ha.”

“Wala yun.“

“Sorry ha…”

“Para saan?”

“Kasi nag-aaway tayo.”

“Ako nga dapat mag-sorry. Ako nag pasimuno ng mga away nay un. Nag-aaway tayo kasi ayaw natin magpatawag ng ibang pangalan.Inaasar na natin ang isa’t isa umaga pa lang. … ayaw ko magpatawag ng Xander kasi pangalan yun ng papa ko. Mama ko naman si Alexa. Alam mo na… gusto nila pareho nilang pangalan nasa pangalan ng una nilang lalaking anak.”

“Unang lalake?”

“Gusto nila ng dalawang lalakeng anak. Pero di na mangyayari yun. Wala nang ‘sila’.” Natawa ako. Tumingin si Xander sa akin.

“Anong nakakatawa don?”

“Kaya ba ginawa niyong lalake si Alice?”

“Haha! Ganun na ba ka tomboy ang tingin mo sa kanya?” Hindi na ako nakasagot. Nakarating na pala kami sa orphanage.

“Oh hija! Anong nangyari diyan sa kamay mo?!” Tarantang-taranta na tanong ni sister Stephanie.

“Wala po to sister. Ok na po ako. Na piang lang po.” Sabi ko ng nakangiti.

“O sya, sya. Hali na kayo sa loob. Pati yang kasama mo Candy. Dito ka na kumain ng hapunan.”

“Ah wag na po. Baka hinahanap na po ako doon sa amin.”

“Sigurado ka ba hijo?”

“Opo.” Tumingin si Xander sa akin. “Bye, Candy.”

“Bye Alexander. Ingat ka.”

[Alexander]

Sarap naman ng feeling na may nagsasabi sayo na mag-ingat ka.

Nakangiti akong dumating sa bahay.

“Kuya, galing sa bahay ng girlfriend mo no? Ginabi ka na ng uwi eh.” Bungad sa akin ni Alice.

“O ‘nak, akala ko kung saan ka na. Tama ba yung narinig ko mula sa kapatid mo, may girlfriend ka na? Sino ba yan? Paano niya pinatibok ang puso mong bato? Maganda ba siya? Kwentohan mo naman ako tungkol sa kanya.”

“Oo maganda siya at ilang beses ko uulitin sayo Alice, di ko siya girlfriend! Buti pa siya sinasabihan akong mag-ingat.” Dumiretso ako sa kwarto ko.

Sa labas ng kwarto naririnig ko sila papa at Alice nagbubulungan.

“Ano bang pangalan nung girlfriend ng kuya mo?”

“Si ate Candy po.”

“Candy pangalan niya?”

“Opo, classmate ni kuya. Bumisita po siya dito nung pasko.”

“Bakit di mo ako tinawag?!”

“Tinawag ko po kayo kaso di kayo nakikinig at naka-alis na din siya non.”

Ano ba naman tong mga to. Pag-isipan ba naman ako na may girlfriend.

Hahay, konting tiis nalang at matatapos na ang school year. Summer na.

Nahulog ang ballpen ni Nips at gumulong sa ilalim ng chair ko. AGAIN.

“Ako na kukuha Nips.”

“Thank you Xander.” Biglang lumingon sa amin si Bryan na nasa harap naming naka-upo.

“Uy! May nickname sila para sa isa’t-isa.” Di siya nacontento at isinigaw ito sa buong klase. “uy guys! May tawagan sila Alexander at Candy! Ihh! Ang sweet!” Hinarap niya ulit kami. “Ano ba kayong dalawa? Kayo na ba?” Napatigil ako.

“No, we’re just…friends.” Di ako makatingin kay Bryan. Ewan.

Hanggang sa last period. Naririnig ko parin sa isip ko yung sinabi ni Bryan. Ano ba kayong dalawa? Ewan… Tao. Bakit di ko alam ang sagot? Eh kasi naman, parang di ko rin maintindihan ang tanong.

Dumaan ang isang araw na di ko pinapansin si Nips. Kita ko ang lungkot sa mga mata niya. Sorry but I felt I need to do it to answer the question.

“Okay lang ba sayo Candy partner mo si Alex sa sayaw?” Di sumasagot si Candy, nakatanga lang. Ano naman kaya iniisip nito?

“Candy is it okay with you?” Tanong ulit ni ms. Charlie.

“Ha…Oo.” Tumingin siya sa akin. “Ano daw yun?” Ayan… sasagot ng di alam ang tanong.

“You’re my dance partner. Practice later at the auditorium after dismissal. 4:50 exact.” Hindi ako tumitingin sa kanya. Madidistract na naman ako niyang mukha niya.

Not a Fairy Tale at AllWhere stories live. Discover now