Ikaanim na Bahagi

248 70 137
                                    

"I don't love you anymore,"

"B-bakit? A-anong nagawa ko? Nagkulang ba ako sa 'yo? Dahil ba sa apat na taon akong nawala sa tabi mo noon?" Tanong ko sa'yo. Pumikit ka at mariing kinagat ang ibabang parte ng labi mo. Alam kong sa mga oras na 'yon ay pinipigilan mong umiyak.

"No. Hindi ka nagkulang. It's just that...lumayo ang loob ko sa'yo. Then one day I've realized that I don't love you anymore." Dumilat ka at tumayo mula sa inuupuan mo kanina.

Pinunasan mo ang luha sa pisngi ko. Pero mas lalo akong napaiyak sa ginawa mo. Tinignan mo ako sa mga mata.

"P-puwede pa namang bumalik yung pagmamahal mo diba? Pilitin natin, Jeric. Malay mo, mag-work out for the second time," pumipiyok na sabi ko. "Kasi nangako ka, diba? S-sabi mo...di mo ako iiwan, diba? You reassured it so many times. Nangako ka sa 'kin diba na mamahalin mo 'ko habang buhay? Nangako ka na 'di mo 'ko sasaktan, diba?"

Tumulo ang mga luha mo habang patuloy na tinitignan ang mga mata ko. Hindi ko na napigilang humagulgol.

"Pero bakit? Bakit mo ginagawa 'to? Anong nangyari? Bakit mo 'ko sinasaktan? Bakit hindi mo na 'ko mahal? Puwede bang mahalin mo nalang ako ulit? Puwede bang tuparin mo yung pangako mo sa 'kin? Parang hindi ko kayang tanggapin, Jeric. Paano na ako, ha? Paano ako?"

Nagulat nalang ako nang humagulgol ka at nanginginig mong pinunasan ang mga luha mong hindi mahinto sa pag-agos. Niyakap mo ako nang mahigpit at rinig na rinig ko ang mga hikbi mo.

Napapikit ako nang mapagtanto kong hindi ko na naririnig ang malakas na tibok ng puso mo. Hindi na ito tumitibok para sa 'kin.

Humiwalay ka sa yakap at hinawakan ang pisngi ko. "Sorry, Seira. Kasalanan ko 'to. Sorry kung na-fell out of love ako."

Gusto kong magalit sa 'yo pero bakit gano'n? Hindi kita magawang kamuhian?

"I had that someone I wanna keep in my life but couldn't. Pinilit ko. Pinilit kong ibalik yung pagmamahal ko sa 'yo. Pinilit kong mahalin ka ulit. Pero hindi na talaga kaya. It's like...naghalong parang bula yung feelings ko sa 'yo. I want to treat you as what I treated you before. Gusto kong maging sweetheart pa rin kita. Pero...it didn't work out." Tuloy kapa rin sa pagpunas ng luha ko. Ang pungay ng mga mata mo habang tinitignan ako. Na-miss ko ang mga tingin na 'yon. Yun ang hinahanap ng puso ko. Yung Jeric na alam kong mahal ako. Yung Jeric na ang tingin sa 'kin ay hindi lang basta tao, kundi buhay niya.

Pero no'ng time na 'yon, ibang tingin na ang nakita ko sa mga mata mo. Mapupungay ang mga mata mo para wala ng pagmamahal do'n. Isang tinging naaawa.

"Gusto ko ng bumitaw noon pa. Pero hindi ko kaya. I know you love me very much. I don't want you to get hurt. I don't want you to cry. Pinilit ko pa ring hawakan ka, pinilit ko pa ring 'wag bumitaw. Pero hindi ko na kaya. Dahil 'pag pinilit ko pa, hindi ko lang niloloko ang sarili ko. Niloloko na rin kita," dagdag mo pa. Niyakap mo ulit ako nang mahigpit. Napahagulgol ako sa likod mo. Hindi ko alam kung ito na ba ang huling yakap na matatanggap ko mula sa 'yo. Pero isa lang ang sigurado ko...

...Dito na tayo magtatapos.

"Okay lang na magalit ka sa 'kin, Seira. Kahit kamuhian mo 'ko, okay lang. Deserve ko naman 'yon, eh. I just want you to know that I still care for you, after all. I care for you so much."

Humiwalay ako sa yakap at tinignan ka sa mga mata. Hinawakan ko ang pisngi mo at tinitigan ang bawat parte ng mukha mo. Ang mapupungay mong mata, matangos na ilong, mapupulang labi, at katamtamang kulay ng balat--kutis Pilipino. Ang guwapo mo, Jeric. Ang amo-amo ng mukha mo.

"Jerico," pagtawag ko sa pangalan mo. "Bago kita tuluyang pakawalan... Puwede bang halikan mo 'ko at sabihing mahal mo 'ko? Kahit sa huling pagkakataon... Please... Kahit hindi na totoo."

Alam kong lolokohin ko lang ang sarili ko pero gusto kong maramdaman 'yon...kahit sa huling pagkakataon.

Ngumiti ka nang malungkot at tumango.

"Thanks for more than 10 years of memories. Tandaan mong ikaw ang pinaka magandang nangyari sa buhay ko. You were my greatest love," sabi mo at humugot ng buntong hininga. "Sorry kasi hindi ko na tutuparin yung pangako ko sa 'yo. I hope you find the happiness you deserve. I love you, Sei--- I loved you."

Then you sealed me with a kiss.

Sinulit ko ang halik na 'yon dahil alam kong yun na ang huli. Hindi na kita mayayakap at mahahalikan pa. Pagkatapos nito, hindi na natin hawak ang isa't-isa. Alam kong bukas paggising ko, wala kana.

Pagkatapos nito, wala na yung isang dekada.

Pagkatapos nito, malaya kana.

Taong 2016, sa balkonahe ng bahay mo, nang tuluyan mong lisanin ang buhay ko.

Isang Dekada (SHORT STORY)Where stories live. Discover now