Ikalimang Bahagi

215 75 153
                                    

Ang sikip sa dibdib. Alam kong ang toxic na ng relationship natin no'n pero hinayaan ko lang. Ayaw kitang bitiwan. Kasi after all, kahit ang sakit-sakit na ng pinararamdam mo, I still love you so much. At walang nagbago do'n.

Alam mo yung feeling na unti-unting nagiging stranger yung taong sobra mong mahal? Yung taong pinangakuan ka ng pang-habambuhay?

Miss na miss ko na yung dating ikaw. Yung dating tibok ng puso mo na isinisigaw kung gaano ako ka-mahal. Miss na miss ko na yung mga mata mong kung tignan ako ay parang hindi ako kayang mawala sa buhay niya. Ano ang nangyayari sa 'yo, Jeric? Bakit nawawala ka?

Tinanong ko one time ang mommy mo.

"Tita, may naging babae ho ba si Jeric habang nasa New York ako?"

"Huh? Bakit mo naman natanong, hija? Alam mo ba na lahat ng babaeng lumalapit sa kaniya noon, pinagtatabuyan niya? Ikaw lang daw kasi ang mahal niya. Hindi ka n'yan magagawang lokohin. Magtiwala ka," sabi n'ya.

Yun ang ginawa ko. Nagtiwala ako. Hindi mapapalitan ang saya na nararamdaman ko nang ginawa mo 'to...

"Sweetheart, ituloy na ulit natin yung kasal," sabi mo. Napangiti ako nang sobra.

"Sa St.Fatima Church pa rin?" Tanong ko.

"Oo," sagot mo.

Nagpa-schedule ulit tayo ng kasal no'n. November 10, 2016. 'Yan ang magiging araw ng kasal natin.

Nag-prepare na tayo no'n. Inimbita na natin yung magiging ninang, ninong sa kasal. Imbitado rin yung mga teachers at classmates natin no'ng high school. Sobrang saya nila.

Katapusan na ng October. May mali pa rin sa relasyon natin. Sobrang dalang natin mag-usap. Parang hindi na tayo. Gusto ko ng bumitaw dahil matagal ko ng hindi nararamdaman na mahal mo pa ako. Gusto ko ng bumitaw pero ayoko. Malapit na ang kasal, eh.

Pero one time, nilambing kita. Pero anong ginawa mo?

"Tsk. Seira, ano ba. Mainit." 'Yan ang sabi mo.

"Naku, nagpapakipot pa ang sweetheart ko," sabi ko tapos niyakap kita mula sa likod.

"Seira, sabi kong mainit eh! Lumayo ka nga!" Inis na sigaw mo. Lumayo ako sa 'yo.

For the first time, sinigawan mo ako.

Hindi ko na napigilan ang sarili kong tanungin ka. Halu-halo ang nararamdaman ko.

"Jeric, ano bang problema mo? Isang taon na akong nagtitiis sa'yo! Isang taon na akong nagtitiis sa ugali mo!"

"Then stop! Stop suffering!" Sigaw mo habang galit na nakatingin sa akin. Umiling-iling ako at napasinghap.

"O... Kay? Ano ba talagang gusto mong mangyari?" Tanong ko sa'yo. Natahimik ka. Nakita ko ang bigla mong pagkalma.

"No. Wala akong gustong mangyari. Sorry, sweetheart," sabi mo. Medyo naguluhan ako. Iba na talaga ang inaasta mo.

Bago dumating ang araw ng kasal natin, nalaman ko na pina-cancel mo ang kasal natin sa St.Fatima. Walang ibang nakakaalam, kundi ako. Sabi ko sa receptionist, ituloy ang kasal. Ako ang bahala sa lahat.

Kung hindi mo ako kayang pakasalan, ikaw ang pakakasalan ko. Wala kang choice. Kasi nangako ka, Jeric. Sabi mo mahal mo ako. At hindi mawawala yung pagmamahal na yun. Pinanghahawakan ko yung sinabi mong ako lang ang pakakasalan mo.

"Jeric, bakit mo ginawa 'yon?" Tanong ko sa 'yo nang minsang nasa balcony tayo ng bahay mo.

"Huh? Ang alin?" Tanong mo. Nagmamaang-maangan ka pa.

"Bakit mo ipina-cancel ang kasal natin? Bukas na 'yon ah?!" Sigaw ko sa 'yo. Hindi ka agad nakapagsalita. "Jeric, ano ba! Ano ba talagang gusto mong mangyari?!"

Kumunot ang noo mo at natulala ka sa kawalan. Hindi ko alam kung anong iniisip mo.

Sana iniisip mong nagkamali ka. Tapos magso-sorry ka sa 'kin dahil na-realize mong gusto mo talaga akong pakasalan.

Sana mali lang ako ng akala. Sana mahal mo pa rin ako. Sana...

"Jeric, magpapakasal tayo. Okay?" Sabi ko. Nanikip ang dibdib ko nang bigla kang umiling.

"Seira, hindi nagwo-work out ang relationship natin. Mukhang wala na tayong patutunguhan."

"H-ha?"

Paano mo nasasabi ang gano'ng bagay?

"Hindi na tayo katulad ng dati. Nawala na yung dati nating pagsasamahan," sabi mo pa. Naramdaman ko ang mga luhang nagbabadya tumulo mula sa mga mata ko. Ang init sa pakiramdam, masikip. Nanunuyo ang lalamunan ko.

"Akala mo lang 'yan. Akala mo lang hindi na tayo katulad ng dati. Busy ka kasi Jeric kaya mo 'yon nararamdaman!" Ipinagpilitan ko kahit alam kong ako mismo ay nakakaramdam din ng gano'n.

"No, Seira. Alam kong ramdam mo ang nararamdaman ko. Alam kong ramdam mo ang pagbabago ko," sabi mo pa habang hindi magawang makatingin sa akin. "At hindi natin puwedeng pilitin na ibalik yung dati nating samahan kung hindi na talaga kaya."

"S-so, are you trying to say we need to let... go?"

"No, that's not what I'm trying to say."

"Then, what?! What the heck are you trying to say?!" Sigaw ko sa 'yo. Nanghihina ang tuhod ko. Hindi na rin kita maaninag nang maayos dahil sa luhang bumabalot sa mata ko.

"Jeric, gulong-gulo na ako! Hindi na kita maintindihan! Ayaw mong bitawan kita?! Eh ano?! Ha?! Ano?!" Nagsimula akong tulakin ka sa dibdib. Pero parang wala kang naririnig. Hindi ka makatingin sa akin.

"Sumagot ka! What the fvck is wrong?!" Natahimik tayong dalawa. Sobrang tagal na katahimikan. Lumunok ako nang ilang beses at pilit na pinigilan ang pag-iyak.

Pero sumagot ka at binasag ang katahimikang bumabalot sa atin.

"Tayo. Tayo ang mali. Sa 'kin may mali. May mali," sagot mo. I took a deep breath before I continue what I wanted to say.

"Do you still want to hold on? Or you already want to let go?" I asked to you. I bit my lower lip.

"Answer me! Gusto mo na ba talagang tapusin 'to?! Gusto mo ba talagang itapon yung isang dekada nating relasyon?!" Pumiyok ang malakas kong sigaw.

Gusto kong sagutin mo 'ko kahit alam kong masasaktan ako sa magiging sagot mo. Kasi kahit hindi mo sabihin, ramdam ko. Ramdam ko ang lahat.

Lumunok ka at unti-unting tumango.

"O-oo. Oo," sabi mo nang hindi nalingon sa 'kin. Napa-nganga ako nang literal. Napatakip din ako sa bibig ko. Kahit alam kong 'yon ang magiging sagot mo, ang sakit pa ring marinig mula sa 'yo.

"Oo, Seira. I want to let go." At doon ka tumingin sa mga mata ko. Doon din nagsimulang kumawala ang luha sa mga mata ko na kanina ko pa pinipigilan.

"H-ha?"

"I don't love you anymore," dagdag mo pa. Kumirot nang sobra ang dibdib ko. Parang may pumipigil sa paghinga ko. Tuloy-tuloy sa pag-agos ang luha ko. Walang hinto.

Gusto kitang ipaglaban pero sa isang siglap, nawala yung pinanghahawakan kong mahal mo ako.

Hindi mo na ako mahal. Kinumpirma mong hindi mo na ako mahal.

Pero paano? Puwede ba 'yon? Posible bang mawala ang love mo sa isang taong minsang bumuo ng mundo mo?

And yes, it's possible. Dumating na ang araw na kinatatakutan ko. Ang araw na sabihin mong hindi mo na ako mahal. At wala ka ng nararamdaman para sa 'kin.

Isang Dekada (SHORT STORY)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt