Ikaapat na Bahagi

211 76 140
                                    

[Yes, Jerico Arcilla speaking. Who's this?]

Halos madurog ang puso ko nang marinig ang tanong mo sa kabilang linya. Hindi mo kilala ang boses ng babaeng pinakamamahal mo?

Anong nangyayari? Dala ba 'to ng napakarami mong trabaho? Sobrang busy mo ba talaga? Well sige, iintindihin kita.

"Hello, sweetheart?" Pero wala akong narinig na boses mo sa kabilang linya.

"Hello, Jeric? Si Seira 'to."

Baka nakalimutan mong sweetheart ang tawagan natin. Well, inintindi ko pa rin 'yon.

[S-se-seira?!]

Nabuhayan ulit ako ng loob nang marinig kong gulat mong tinawag ang pangalan ko. Akala ko'y tuluyan mo na akong kinalimutan.

"Jeric!"

[By the way, yes? Why did you call?]

Halos mabingi naman ako sa narinig kong tanong mo. Why did you call? I expected from you to say I miss you so damn much. Pero yung... Why did you call? What the!

Ano, Jeric? Tuluyan mo na akong nakalimutan? Sobrang busy mo ba talaga d'yan at nakalimutan mong girlfriend mo ako? May pa-english english ka pa?!

I ended the call immediately. Ayaw kitang makausap. Akala ko pa naman ang bubungad sa'kin sa tawag: Sweetheart, are you okay? How's your day? Kumain kana ba? Sobrang na-miss kita! Baka pumayat ka! Baka ang pangit mo na ah!

But, what the heck did you say?!

Ilang minuto ang lumipas bago ka ulit tumawag. Sorry ka ng sorry no'n. Sabi mo pa, Seira rin kasi yung pangalan ng personal assistant mo. So, ang inisip mo palang Seira noon ay yung PA mo? Hindi ako? Nakalimutan mo talaga ang boses ko?! Pati callsign natin kinalimutan mo?! What a jerk you are!

Sinabi mo rin na kahapon ay kararating mo lang sa Pilipinas.

Umalis ako sa New York nang may sama ng loob sa 'yo. Dumating ako sa NAIA pero hindi mo ako sinundo. Mas lalo tuloy sumama ang loob ko sa'yo.

Iba't-ibang ideya ang pumasok sa isip ko: baka ipinagpalit mo na nga ako. Nakahanap ka na ng iba. Nambabae ka habang wala ako. Na-inlove ka rin kaya sa Seira na yun?

Isang araw, dumalaw ka sa bahay. Naka-suot ka ng formal attire. Pero mas nakaagaw-pansin ang blue necktie mo.

Bakit ka naka-blue necktie? Akala ko ba, galit na galit ka sa blue? Lalo na kung yung necktie mo ay blue? Pero bakit ngayon, blue na ang necktie mo?

Noong araw na dumalaw ka sa bahay, nagkaayos tayo. Alam mo pa rin kung paano ako susuyuin. Pero parang may mali. Noong nasa veranda kasi tayo ay inaya mo akong kumain ng eggpie. Eh allergy ako sa itlog. Nakalimutan mo ba? Bakit parang hindi mo na ako kilala?

Isang taon. Isang taon ang lumipas na tayo ay nasa Pilipinas. Buti nalang ay 'di na tayo masyadong busy. Tinatanggihan ko rin yung nga nag-ooffer sa'kin. At hindi ko sinasabi sa 'yo na may nag-ooffer na sa 'yo. Ayoko kasing mangibang-bansa ka na naman. This time, gusto kong punan yung mga taon, panahon, na wala ako sa tabi mo. Gusto kong makabawi.

Pero sa loob ng isang taon na yun, ewan ko kung feeling ko lang ba 'to kasi parang may mali sa relasyon natin.

Yung relasyon natin hindi na katulad ng noon. Yung pakikitungo mo sa 'kin hindi na katulad ng noon. Yung pananalita mo hindi na katulad ng noon. Mas madalas ka ng mag-english. Hindi na ikaw yung Jeric na nakilala ko. Nagbago kana.

Bumalik ka sa pagiging cold, feeling ko lumayo ang loob mo sa 'kin. Para akong estranghero para sa 'yo. Para akong isang mommy mo na iniwan ka noong bata, kaya napalayo ang loob sa anak. Parang ganun.

Ilang buwan pa ang nagdaan, mas lalo kang naging cold sa 'kin. Yung mga tingin mo sa 'kin, hindi na katulad ng dati. Kung tignan mo ako ay para lang akong alaga mo. Parang feeling ko hindi mo ako kilala.

Dumaan ang anniversary natin. Akala ko babawi ka sa araw na 'yon, pero nagkamali ako. Dahil ang mismong spesyal na araw natin, nakalimutan mo.

Hinayaan kita no'n. Kung anu-anong dahilan ang nasa isip ko. Baka busy ka lang talaga kaya nakalimutan mo. Baka hindi mo lang alam ang date ngayon. O baka naman may iba ka na talagang babae?

"Jeric, anong date ngayon?" Tanong ko sa'yo. Baka sakaling matandaan mo.

"Hmm? June 29, 2016," sabi mo. Hinayaan nalang kita ng time na 'yon. Kahit sobrang naiinis na ako.

August, 21, 2016. Hindi ko akalain ang sorpresang ginawa mo. Dinala mo ako sa favorite kong restaurant.

"Happy birthday, sweetheart!" 'Yan ang sabi mo. Halos maiyak ako nang sabihin mo 'yan. Tinawag mo na ulit akong sweetheart. Hindi mo nakalimutan ang birthday ko. Akala ko'y tuluyan mo na talagang nakalimutan kung sino ako.

Nang makaupo na tayo ay may iniabot kang regalo. Excited kong binuksan yun.

Pero halos mapaiyak ako nang makita ko ang laman no'n. Isang teddy bear. Naikunot ko ang noo ko.

Alam mong ayaw na ayaw ko sa mga manika at stuff toys. Nakalimutan mo ba?

Akala ko ay pinagtitripan mo lang ako. Tumawa ako. Expecting na may sunod ka pang ibibigay.

Pero wala.

"Sana nagustuhan mo, sweetheart. Naghanap pa ako ng pinakamagandang teddy bear. Kasi diba sabi mo, mahilig ka sa teddy bear?" Sabi mo pa.

Kasinungalingan.

Gusto kitang sampalin no'n. Gusto kong ipamukha sa 'yo na wala akong sinabing gano'n. Pero hindi ko ginawa. Hindi ko ginawa.

Sinong nagsabi sa 'yo no'n? Kailan ko sinabing mahilig ako sa teddy bear?

Hindi mo na talaga ako kilala.

Lumipas ulit ang ilang buwan. Wala pa ring pagbabago sa relasyon natin. Katulad kapa rin ng dati.

Sobrang cold mo no'n, Jeric. Hindi ko na nararamdamang mahal mo ako. Hindi mo na pinararamdam. Pero kahit gano'n, tiniis ko 'yon.

Tiniis ko kahit masakit. Gusto kitang ipaglaban. Gusto kong isalba yung relasyon natin. Napaka childish naman kasi kung maghihiwalay tayo dahil sa mababaw na rason.

Pinilit kong isalba.

Pilit kong isasalba yung isang dekada.

Pero anong magagawa ko kung ako nalang yung pilit na lumalaban?

Kung hindi pa tayo naghihiwalay pero ipinararamdam mong wala na tayo?

Sobrang layo mo na, Jeric. Sa sobrang layo mo, hindi na kita maabot.

Isang Dekada (SHORT STORY)Where stories live. Discover now