Unang Bahagi

668 86 178
                                    

ISANG DEKADA

---

Gusto kong matandaan mo ang sasabihin ko. Gusto kong mabasa mo ang susulatin ko. Gusto kong maalala mo pa rin lahat ng alaala na nandito. Sana kahit konti naaalala mo pa rin ako. Na may mga oras o minuto na ako ang nasa isip mo.

Para ito sa lalaking minsang naging parte ng buhay ko. Sa lalaking minsan kong minahal. At hanggang ngayon...minamahal.

Sa lalaking minahal ko nang buong-buo...

Sana mabasa mo 'to...

Naalala mo pa ba no'ng mga high school tayo? Tayo'y nasa ikatlong taon na no'n ng high school. Mag-kaklase rin tayo. Malapit ako sa mga classmate natin. Marami akong kaibigan, kaya kilala ako ng ibang tao. Honored student din ako kaya ang daming lumalapit sa 'kin lalo kapag papalapit na ang periodical test.

Masayahin akong tao, pala-ngiti, malakas kung tumawa, kalog at maingay na babae. Maraming nagtangkang manligaw sa 'kin noon, pero lahat sila tinanggihan ko. Study first kasi ako, at alam kong hindi sila seryoso.

Ikaw naman, medyo tahimik sa klase. Simpleng lalaki ka lang na para bang may sariling mundo. Hindi ikaw yung tipo na 'pag unang tinignan ay nakaaagaw ng atensiyon. Nang mga panahong 'yon, wala lang ang tingin ko sa 'yo. Isa ka lang normal na kaklase para sa 'kin.

Minsan, sinubukan mong sumali sa grupo ng mga lalaki. Pumayag naman sila. Naging close ka sa kanila. Pero, madalas ka nilang asarin. Madalas kang asaring bakla. Wala kapa kasing kahit isang nagiging girlfriend. Wala kapa ring niligawan dahil torpe ka raw. Tapos lahat sila, may naging gf's na.

Mahina ka sa Physics at Algebra noon. Madali mo kasing makalimutan ang mga formula.

Naalala mo pa ba noong unang beses na lumapit ka sa 'kin at umupo sa upuan na katabi ko? Nagtaka ako noon dahil hindi naman tayo close. Hindi naman tayo nag-uusap kahit mag-kaklase tayo. Yun pala, nais mo lang magpaturo sa Physics at Algebra. Malapit-lapit na kasi ang periodical test kaya siguro gusto mong bumawi sa mga subjects na mababa ka.

Kahit hindi tayo close, tinuruan kita noon. Naaalala mo pa ba noong naging asar-asaran tayo ng mga classmate natin? First time mo kasing lumapit sa isang babae noon. Akala ata nila pinopormahan mo ako.

"Jeric, akala ko bakla ka! Hindi mo naman sinabi na crush mo pala si Seira!" Kantiyaw sa 'yo ng isa mong kabarkada.

"Hahaha! Kailan mo ba balak manligaw? Ang torpe mo eh! Seira, 'pag nanligaw ba sa'yo si Jeric, may pag-asa ba siya?" Tanong naman ni Blake sa'kin. Inirapan ko lang siya. Napatingin naman ako sa 'yo na seryoso at wala man lang reaksiyon sa pang-aasar ng kaibigan mo.

Minsan, kinausap kita noong break time.

"Hahayaan mo nalang ba na asar-asarin ka nila? Bakit hindi mo labanan?" Tanong ko sa'yo. Pero hindi ka sumagot. Tinignan mo lang ako nang seryoso.

"Sapakin mo kaya sila! Bakla kaba talaga?" Tanong ko pa.

"Ayoko ng gulo." Ayan ang naging sagot mo sa 'kin noon. Napaka-cold. Parang walang interes sa mga bagay-bagay.

Ilang buwan din tayong ini-ship na couple ng mga classmates natin. Lima? Anim?

Kahit wala naman talaga. Hindi naman talaga natin gusto ang isa't-isa. Ni hindi nga tayo close eh. At saka isa pa, wala kang interes sa mga babae.

Pero, one time, habang vacant class natin, lumapit ka sa akin. Akala ko magpapaturo ka na naman. Pero nagulat ako nang bigyan mo ako ng panali sa buhok.

"Para saan 'to?" Tanong ko sa'yo.

"Talian mo ang buhok mo. Maganda ka nga pero ang dumi ng mukha mo dahil sa buhok mong ni kailanman hindi mo inayos," 'yan ang sabi mo. Nagtaka nga ako kung bakit gusto mong talian ko ang buhok ko eh. Eh, buhok ko naman 'to. Kahit pumangit ako dahil sa buhok ko, wala ka namang paki. Tsaka hindi naman tayo close no'n. But still, nagpasalamat ako sa'yo.

"Salamat ah?" Nakangiting sabi ko.

"No prob," sabi mo tapos ngumiti ka. Natulala ako ng mga oras na 'yon. Noon ko lang nakita ang ngiti mong 'yon. Pakiramdam ko tuloy ay nasa isang kuwarto ako. At para bang isang kuwarto na puti at plain ang pintura, tapos biglang naging colorful nang bigla kang ngumiti. Ang sarap pagmasdan.

Pero naging puti ulit dahil pinitik mo ako sa noo.

"Aw!"

"Wag mo nga akong titigan," sabi mo na medyo natatawa-tawa pa. Hindi ko akalain na tumatawa ka pala. Sobrang tahimik mo kasi sa klase. Sobrang cold mo at misteryoso.

"Ikaw ba talaga si Jeric?" 'Yan tuloy ang naitanong ko sa'yo. Feeling ko kasi ibang tao ang kaharap ko.

Tumawa ka na naman. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Ang seryosong Jeric na kilala ko, tumatawa pala!

"Sino ba ako sa tingin mo?" Tanong mo.

"Si Jeric," sagot ko.

"Oh edi si Jeric. Hahaha!" Sabi mo pa. Natulala ako no'n. Sobrang sarap pakinggan ng tawa mo. Parang isang musika na hindi nakakasawang ulit-ulitin. Para akong na-LSS no'ng time na 'yon.

Noon ko lang din napansin na iba ang ayos mo noon. Bago ang uniporme mo at nakabukas na ang isang butones nito. Dati kasi ay halos masakal ka.

Nag-wax ka rin ng buhok kaya hindi na nakatakip yung mahabang bangs mo sa mukha mo. Feeling ko lumakas ang appeal mo noon. Tsaka ko lang na-realize na...guwapo ka naman pala.

Simula ng araw na 'yon, nagka-crush sa'yo ang mga girls sa room. Medyo lumaki ang ulo mo noon kaya nainis ako sa'yo. Ni hindi mo na kasi ako pinapansin. Parang... Teka, bakit nga ba ako nainis no'ng time na 'yon? Eh hindi naman tayo naging close diba?

Hayst, ewan ko. Basta nainis ako sa'yo no'n. Feeling ko kasi ang yabang-yabang mo na. Pumogi ka lang ng konti, akala mo na kung sino ka.

Pero hindi ko inaasahan ang nangyari ng sumunod na araw. Pinagkakaguluhan ka kasi ng mga babae noon. Tapos bigla-bigla mo nalang akong hinila at sinabing,

"Siya ang gusto ko," sabi mo na nagpakunot ng noo ko.

"H-huh?" Medyo naguluhan ako. Hindi ko naintindihan ang sinabi mong 'siya ang gusto ko'.

"Siya ang gusto mo?" Tanong sa'yo ng isang babaeng istudyante.

"Oo, siya ang gusto ko. Kaya wala na kayong pag-asa. Baka sa susunod na araw liligawan ko na siya," sabi mo pa. Ang lakas ng tibok ng puso ko no'n. Nanghina pa ang tuhod ko. Noon ko lang naramdaman ang gano'n. Para may kung anong gumagalaw sa sikmura ko at parang may kung anong nagtatambol sa loob ng dibdib ko.

Ayokong bigyan ng meaning ang sinabi mo. Ayokong mag-assume.

"Wala na pala tayong pag-asa, best. Si Seira ng section A ang gusto niya! Tara na nga!" Nagsi-alisan na yung mga babae. Naiwan tayong dalawa. Ang lakas pa rin ng tibok ng puso ko.

"Seira," sabi mo at saka ako tinignan nang mariin sa mga mata. Mas lalong lumakas ang tibok ng puso ko. Tinawag mo ako sa first name ko. Yung surname ko kasi ang madalas mong itawag sa 'kin.

"B-bakit?" Nauutal kong tanong. Huminga ka nang malalim habang patuloy na tinititigan ang mga mata ko.

"Ayoko ng magpaligoy-ligoy pa. Hindi na ako magpapaka-torpe," sabi mo na mas lalong nagpalakas pa ng tibok ng puso ko! Parang drum na maaari ng makalikha ng tugtog o beat.

"A-ano ba yun, Jeric?" Tanong ko. Nahalata kong pinagpapawisan ka. Siguro'y dahil first time mong...

"A-ano kasi Seira... Ano..."

"Hmm?"

Hinawakan mo ang mga kamay ko at nginitian ako na para bang may ibig sabihin ang mga ngiting 'yon. Hinintay ko ang sasabihin mo at lumunok ako nang ilang beses.

"Ano... A-ah... G-gusto... Gusto kita, S-seira."

Tandang-tanda ko pa ang mga katagang sinabi mo. Pati ang itsura mo nang sabihin mo sa 'kin 'yan. Ang boses mo no'n na paulit-ulit kong naririnig hanggang ngayon.

Kasi nang mga panahong yun, wala akong kaide-ideya na diyan tayo magsisimula. Na sa gano'n tayo nagsimula. Doon nagsimula ang lovestory natin na hiniling kong mag-last forever.

Taong 2001, sa corridor ng San Isidro National High School, nang una mong pasukin ang buhay ko.

Isang Dekada (SHORT STORY)Where stories live. Discover now