I gasped and sit on the bed again, calming my insides. Napakagat ako sa labi dahil muling sumagi sa isip ko ang nangyari kaya ako napunta rito sa condo ni Henessy. My chest tightens again.

"Oh my god, Elysha!" I hissed on myself. Sinapo ko ang ulo. Gusto kong sumigaw pero baka mag-alala lamang sa akin si Henessy. Ilang minuto akong binagabag ng pagbabalik ng mga alaala noong gabing iyon at pilit ko munang winala sa isip ko para ayusin ang sarili.

Pumasok ako sa banyo para maghilamos at ayusin ang mukha. I combed my hair. My eyes darted on a shirt and sweat pants, also a new undergarments in the sofa. Mukhang hinanda na ni Henessy ang damit na ito para sa akin. Sa huli napagdesisyonan ko na lang na maligo para naman gumaan ang pakiramdam ko kahit papaano.

I gasped when I saw some red marks in my body. Bakas nang nangyari kagabi. Pilit ko na lang hindi pinansin iyon. Hinayaan ko ang nangyari. Bumigay ako sa panandaliang temptasyon na iyon. Kaya sarili ko lang din ang dapat kong sisihin. Pero nagsisisi ba ako roon?

Bumuntong hininga ako sa sariling tanong.

Nang makalabas ako sa kuwarto ay agad na umangat ang tingin ni Henessy sa akin na nasa sala. Nakaupo roon at nanonood ng TV.

"Nasa tamang wisyo ka na ba ngayon?" tumaas ang kilay ni Henssy sa akin. Tumabi muna ako sa kanya sa sofa at huminga ng malalim bago magsalita.

"I'm sorry, Henessy pero hindi ko kayang sabihin sa'yo ang nangyari sa ngayon." sabi ko sa mahinang tinig at kumunot ang noo niya pero kumalma rin kalaunan.

I don't think so I have the strength to remember all that happened and tell it to her. Hindi ko pa kaya.

"Naiintindihan ko kung ayaw mong magsalita pero hindi ko maiwasang mag-aalala sayo. Grabe iyong iyak mo kanina na parang sobra iyong naranasan mo doon sa party. Pero kung handa ka na sabihin mo sa akin agad." her eyes softened while looking at me. Concerned is etched on them.

"Salamat, Henessy. Hindi ko lang talaga kaya ngayon."

"Pumunta ako sa school kanina para sana kausapin si Freya." aniya at nanlaki ang mga mata ko. Suminghap ako at biglang nanlamig ang katawan dahil sa kaba.

"N-Nagtanong ka?"

"Iyon sana ang balak ko pero ang bruha nag dropped na sa school. She suddenly leave the country just this morning to fly in New York. Kanina ko pa iniisip kung anong nagawa niya sa'yo at parang takot na takot na biglang lumabas ng bansa." natigilan ako sa sinabi ni Henessy. Bakas ang pagtataka sa kanya habang nakatingin sa akin.

Alam kong gustong gusto niya nang nalaman ang nangyari pero hindi niya ako magawang pilitin dahil hindi pa ako handang magsabi. Napapikit ako ng mariin sa nalamang balita.

"Even her friend Rea immediately leave the school too and went abroad." mas lalo lamang dumami ang iniisip ko sa mga nalaman. Hindi ko alam kung anong mararamdaman sa sinabi niya. Magiging masaya ba dahil umalis siya at tinakbuhan ang ginawang kasalanan sa akin o magagalit dahil wala akong nagawang kahit ano para pagbayarin siya sa panloloko sa akin.

Gusto kong malaman kung bakit umabot siya sa ganoong punto para lamang paghigantihan ako.

My eyes heated and I take a deep sigh to calm myself. Tumayo na ako sa sofa na kinuupuan naming dalawa. Kumunot ang noo ni Henessy.

"Sorry, Henessy pero kailangan ko ng umuwi." saad ko. Suminghap si Henessy.

"Hindi ka ba papagalitan ng Auntie mo?"

"Siguradong galit na iyon ngayon. Mas lalo lang siyang magagalit kung magtatagal pa akong nawawala." she sighed to surrender now.

"Ihatid na kita." sabi niya at agad ko siyang pinigilan ng akmang tatayo.

One Night Misery (Misery Series #3) Where stories live. Discover now