Chapter 26

101 3 1
                                    

Chapter 26

First Problem Drop

 

He never lose his arms to mine, it grips me and when I tried to pull it he always pull it back over. Now, wala akong ideya kung saan kami pupunta at hatinggabi na rin pero I texted them naman na kasama ko si Cent at may tiwala naman daw sila kahit papaano dahil lalaki ang kasama ko, wag lang daw ako magmilagro kasama niya. Napapatingin na lang ako sa mga buildings na nagtataasan sa paligid na nagbibigay ideya naman sa akin kung nasaan na kami.

            "Bakit nandito tayo sa Makati?" tanong ko naman sa kanya.

            Nakatingin lang siya sa tabi nang bintana niya habang mahigpit na hawak hawak ang kamay ko. Saglit siyang lumingon sa akin, "Basta." Simple nitong sagot sa akin kaya naman napatango na lang din naman ako at hindi na nagbakasaling magtanong ulit dahil nagsungit na naman ang loko.

            Ilang saglit lang ay huminto na ang sinasakyan naming taxi at nag-abot ng bayad si Cent saka niya ako hinigit pababa ng taxi, ang nakakatuwa lang ay hindi niya talaga ako binibitawan. Ang dami tuloy agad konklusyon ang nabubuo sa utak ko dahil sa ginagawa niya sa akin. Infairness naman kasi talaga, sweet at medyo gentleman siya. Hindi ko man kailangan ng perfect prince kuno, all I just want is the true love.

            Papasok na sana kami sa isang marangyang building nang harangin kami nang dalawang body guards na nakasuit and black shades.

            "Sir! Bawal po pumasok sa loob." Ani nang isang body guard.

            "I am the son of Hughes family." And after he said that to those guards, they nodded. Papasok na sana kami ng tuluyan nang bigla ako naman ang harangin. Hindi ba nila makita na magkahawak kamay kaming dalawa?

            "Sino po kayo?" tanong naman isang guard.

            "She's my girlfriend." Matigas na sabi ni Cent at mabilis naman kaming pumasok sa loob dahil hindi na naman kami mapipigilan nang mga guard dahil kay Cent. Namangha naman ako sa kagaraan ng pasilidad nang paligid dahil kumikinang ang bawat muebles sa paligid at mukhang mamamahalin ang mga ito. Aaminin ko na ngayon lang ako nakapasok sa ganitong kasosyal na building dahil hindi naman ako nagpupunta dito.

            "Ano nga palang gagawin natin dito?" tanong ko sa kanya pero tiningnan niya lang ako, hindi ko naman alam pero bakas sa mukha niya ang hindi magandang mangyayari. Peor hindi ko  na lang inisip ang mga negative sides dahil ngayon dala dala ko pa rin ang positive vibes ko simula kaninang umaga pala.

            Sana lang huwag magtapos sa isang pangyayari na hindi lubos na magugustuhan.

            "Maiwan ka dito." Aniya. Hinawakan pa niya ako sa magkabilang pisngi ko pero napatitig na lang ako sa mata niya at dahan dahan naman akong napatango at siya ay tuloy tuloy na tumungo sa isang engrandeng pintuan at naiwan akong nakatayo dito sa labas.

            Ano ba kasing meron? Bawal ko ba malaman 'yun kaya iniwan niya ako dito?

            Napaupo naman ako sa sahig dahil mukhang matatagalan si Cent sa loob. Napabuntong hininga naman ako, at inisip na lamang ang magagandang nangyari sa akin simula kaninang umaga hanggat sa pag-aaminan namin ni Vincent.

            Muli naman akong nagtext kila Mama, Ate Roma at Skye na baka gabihin ako lalo at sinabi ko rin naman sa kanila kung nasaan ako. Mayamaya lang ay may papalapit aking security guard at dali dali naman akong sinita sa pagkakasalampak ko sa sahig nang kanilang marangyang building. De-carpet kasi ang sahig kaya ang sarap lang upuan.

EndlesslyWhere stories live. Discover now