Chapter 1

593 7 0
                                    

Chapter 1

Is it a threat?

 

~Kaye's POV

            "OMG! Ang pretty pretty ko na! Halatang hindi broken hearted sa friendships." And then I laughed. There's nothing wrong with me, siguro kasi masyado na rin akong nagpapakampante na kasama sila 'yun pala may hindi pa ako alam sa kanila kaya ito ako ngayon ako iniisip ko na lang na kaya kong magisa without them, because with all by myself I can faced one challenge when it comes. Taray diba, makaenglish.

            Binalik ko na sa kikay pouch ko ang mga pulbo, eye liner at suklay ko. Muli ko naman sinuklay ang buhok ko dahil sa magulo na naman ito at kailangan ko na rin siguro magpamake-over para mas gumanda naman ako at matalbugan ang ganda nung mga ex-friends ko. Nang matapos ako ay sinakbit ko na sa balikat ko ang bag ko at tumungo sa pinto pero nang hawakan ko ang doorknob ay araw bumukas.

            "Patay! Anong nangyari dito?" pagtataka ko. Muli ko naman binuksan pero bakit ayaw. OH MY GOSH! May naglock sa akin dito, may papatay na ba sa akin dito at dito pa mismo sa CR ang natsempuhan alam na ngang marami nang namamatay dito dadagdag pa ako? Hello! There's no space for me to stay here kaya please wag lang dito. "Huhuhu!"

            Tinatry kong sumigaw at kumatok nang malakas baka kung sakaling may makarinig sa akin mula dito.

            "Tama!" I get my phone in my pocket at tinawagan si Marc pero sa kinamalasmalasan nga naman walang signal dito sa loob nang cr. Napabuntong hininga naman, wala na bang pag-asa na makawala ako rito at mamatay na dito at magmumulto katulad nang mga namatay dito? I can't help it. Kung sino man gumawa nito sa akin, mayayari siya sa akin.

            Napaupo naman ako sa sahig sa bandang walang basa at doon dumukmo sa tuhod ko at naiyak iyak. Buntong hininga muli at sunod pa, at isa pa.

            "Psst!" napa-angat agad ang ulo ko na may narinig ako sitsit sa akin. Nanlaki ang mata ko at sinuri ang paligid. "Psst!" muli ko naman siyang narinig.

            Ito na ba 'yung multo na nanghihingi nang tulong? Wag naman sana ako bawian nang buhay dito! Mahal ko pa ang sarili ko!

            Tumayo naman ako at sinundan lang ang naririnig kong sitisit. Niyakap ko naman ang bag ko at kinuha ang ballpen ko, makakasaksak ako nang wala sa oras kung ganto.

            "S-sino ka?! Wag kang manakot! Masyadong effective!" sabi ko. Ume-echo lamang ang boses ko at sunod noon ay ang pagflush na narinig ko. Sumilip naman ako sa bandang ilalim nang mga cubicles at doon ko nakita ang isang paa na naka red stiletto. "Taray nang kuko, red na red!" ani ko at saka umiling. Naagawa pa ang atensyon ko n'un imaginine mo, nagawa pang magpa pedicure nung multong 'to. Bruha!

            At nang lumabas ang red stiletto mula sa cubicle ay manghang mangha talaga ako sa pagtitig doon at nang tumaas na ang mata ko patungo sa kanyang mukha ay muntik na ako mapasigaw pero hanggang imagination ko na lang 'yun dahil napatitig na lamang ako sa dilag na nasa harapan ko ngayon.

            Lumapit siya sa akin at dahan dahan niyang inabot ang kamay ko pero wala akong pake, ang sarap niya titigan. "Halika at tumayo ka diyan..." aniya na may mala-anghel na boses.

            Nakatitig lamang ako sa mala-kapeng kulay nang kanyang mata, mapupulang labi, ah siguro dahil sa red lipstick, tapos sa simpleng make-up niya! Kinabog ang pulbo ko.

            "Ang ganda mo 'te!" hinawakan ko ang buhok niya, "Wow! Ang lambot at wala pang split ends!" mangha mangha kong ani.

            Muli naman akong napatingin sa kanya na marinig ko siyang humagikgik. Di ko rin maiwasan humagikgik katulad niya at baka rin maging maganda ako katulad niya. Pero natahimik ako bigla na mapansin kong lumabas na siya nang cr. Dali dali ko namang kinuha sa lapag ang gamit ko at hinabol si bebeng maganda.

EndlesslyWhere stories live. Discover now