Chapter 3

294 2 0
                                    

Chapter 3

My Prince Charming

 

"Ano nang gagawin mo ngayon?" Napaupo at napangalumbaba na lang ako ako sa tanong ni Marc sa akin. Nguso there, nguso here dahil hindi ko alam kung paano ibabalik 'yung ID kay Prince Charming ko. Mukha pa naman siyang nabadtrip sa akin kanina, Ganda ko kasi eh! "Pero Kaye, alam ko naman wala kang guts pagdating diyan." Saka siya tumawa.

            Babatukan ko sana siya pero naawa ako kaya sinimangutan ko na lang siya. Nakakailang buntong hininga na rin ako dito at baka mamaya wala na akong hininga kakaisip kay Prince Charming. Hawak hawak ko ang ID niya ngayon, at titig na titig sa picture niya. Ang masasabi ko lang naman, Sobrang gwapo niya! Yes, he's perfect for what I called prince charming that could exist in my life pero ang defective lang sa kanya ay ang isnabero at mayabang.

            Suddenly, I got a planned. "What if Marc... ikaw ang magbalik ng ID niya? Ano, ano?" lumawak pa ang ngiti ko as is.

            "What?! No, Kaye. I wont, mapagkamalan pa akong stalker." Aniya pa.

            "Bakit hindi ba?" ngisi ko pa pero tinitigan niya akko saka binanatan ng isang kiliti sa tagiliran ko. Nag ala amazona naman ako dahil sa pag-ganti ng kiliti ko sa kanya. Natigil din naman agad kaming dalawa ni Marc sa paghaharutan ng may dumaan ng matandang babae sa gilid ng table namin.

            Nga pala, nasa starbucks kami ngayon. Wala na kasing class eh, kaya dito ko naisipan na magpalibre sa kanya at isama mo pa ang problema ko ngayon. Usually naman kapag nakakapulot ako ng mga gamit na hindi sa akin, binibigay ko sa Student Council dahil sila rin ang Lost and Found officers kaya sa kanila rin diretsyo pero ngayon parang ang hirap ibalik.

            "Wait diba lahat ng ID's natin may contact number sa likod?" Tanong naman sa akin ni Marc. Agad ko naman tiningnan ang ID ko at meron nga pero hindi number 'yung nalagay ko sa akin eh, number ni mommy 'yun.

            Nakasaulat kasi sa likod, 'In case of emergency if this ID was found you may contact Donna Ramirez, 09123456789.' At naman ng tingnan ko ang nasa likod ng ID ni Prince Charming ay walang name na nakasulat pero may number.

            "Baka naman hindi kanya 'tong number na nandito?" tanong ko naman. What if kasi trip niya lang maglagay ng number diyan diba o kaya wala siyang cellphone? Edi kung ganun, bibigyan ko na lang siya ng simcard.

            "Bakit pa siya maglalagay kung hindi kanya diba?" pagtatama pa sa akin ni Marc.

            "Sabi ko nga." Kinuha ko rin naman ang cellphone ko at dinial ang number ni Prince Charming na nasa Id niya. Nilagay ko naman sa tenga ko ang phone ko at pinakinggang marinig ang dial tone. Kinakabahan ako baka iba ang sumagot at kapag hindi ako sumagot ipapatrace nila ang number ko. Naku wag naman sana. Please lord help me.

            "Hello?!" nagulat ako nang biglang may sumagot sa kabilang linya. "Hey, who are you?! Answer!" napatay ko agad ang phone ko dahil sa tono ng boses niya. Hindi naman ako pwedeng magkamali dahil si Prince Charming ko ang sumagot pero bakit badtrip ata siya? Oh no! Di kaya dahil sa akin? Wag naman sana.

            "Anong nangyari?" Tanong sa akin ni Marc at bigla naman ulit nagring ang phone ko at nagmumula ang number na 'yun kay Prince Charming. Teka, why do I always called him Prince Charming tutal nasa akin naman ang ID niya, pero hindi kasi ako sanay. Joseph Vincent? Yeah, it's cute and perfect pero kinakabahan talaga ako.

EndlesslyWhere stories live. Discover now