CHAPTER 9- SOMETHING'S WRONG

259 70 6
                                    

Laylay ang aking mga balikat nang bumaba ako ng taxi sa harap mismo ng coffee house ni Rona. Ngayon pa lang ay nagsisisi na ako kung bakit nakipagpalit ako ng oras ng pasok kay Raine.

Ang hirap pala talaga kapag early bird ka tapos biglang naging gabi ang pasok sa trabaho. Para tuloy akong lantang gulay sa ganito kaaga. Isang linggo na rin na night shift ako. Mabuti na lang at day off ko kaya bukas ng gabi pa ang pasok ko ulit.

Bakit kasi isinakripisyo ko pa ang trabaho ko para lang sa relasyon ng iba? Sana ay hinayaan ko na lang silang maglokohan! Nakakainis!

Imbes na dumaan kina Rona ay umakyat na lang ako. Mas gusto kong matulog kaysa sa ano pa mang bagay.

"I told you..." Hindi natapos ng babae ang kaniyang linya dahil sa biglang pagsulpot ko.

Parehong nakatayo sa harap ng main door ng second floor sina Tyron at ang kaniyang girlfriend na si Allison. Hindi ko rin kaagad naramdaman ang presensiya nila dahil sa kalutangan ng diwa ko.

Mukhang mag-aaway na naman ang dalawang ito. Bakit hindi sila pumasok ng apartment at doon sila magrambulan sa loob?

"Good morning," matamlay kong bati sa kanila.

Napansin kong mataman akong sinuyod ng tingin ng babae. Wala akong balak magpakilala sa kaniya. Kung hindi ko nalaman ang kaniyang ginagawa sa Dou Hotel ay baka nakipagkaibigan pa ako dahil girlfriend siya ni Tyron.

Ayaw ko ng cheater na kaibigan. Hindi sila healthy sa kalusugan ng Mother Earth.

"Hi. You must be Lavinia?" nakangiti nitong bati sa akin.

Maarte pa ang accent nito. Paano at bakit naman kaya ito nagustuhan ni Tyron? Halata namang brat ito simula ulo hanggang paa.

Tsk. Kaaga-aga ay lumalabas ang pagiging laitera natin, Lavinia.

"Nice meeting you. I'm Allison, Tyron's girlfriend," dagdag pakilala nito.

Itikom mo ang bibig mo kung ayaw mong ibuking kita sa boyfriend mo.

Tanging tango lang ang kaya kong iganti rito. Naiinis ako sa babaeng ito. Paano niya nakakayanang manloko? Ten years na silang nasa in a relationship tapos lolokohin niya lang si Tyron? Ang bait-bait ng tao para gaguhin lang nito.

Hindi naman sa nangingialam ako pero kahit sino ay maiinis kapag nalaman ang kalokohan nitong ginagawa.

Gusto kong manambunot!

Napakuyom ako at tinapunan ng tingin si Tyron. Alam kong nagtataka ito sa malamig na pakikitungo ko kay Allison.

"Makikiraan lang sana ako," kaswal kong sabi.

Marahan niya namang hinila papunta sa tabi niya si Allison para bigyan ako ng daan. Nakaharang kasi ang babae sa mismong hagdan pataas.

"Nagtatrabaho ka pala sa Dou Hotel?" tanong nito habang nasa logo ng uniform ko ang tingin.

Napahinto tuloy ako sa paghakbang. Nasa mismong harapan na ako nito at ilang pulgada lang ang agwat namin.

"Manager siya ng DH," sagot ni Tyron. "Bad mood yata si Lavinia. Saka na lang natin siya kausapin," nagbibirong dagdag pa ng kugtong na lalaki.

Ngayon naman ay parang ito ang gusto kong sampalin. Ang manhid niya naman. Niloloko na siya at lahat ay hindi niya pa rin alam.

"Hindi ako bad mood," sabi ko.

Sadyang ayaw ko lang sa babaeng katabi mo ngayon, Tyron.

"And yes, I'm one of the managers of Dou Hotel. Kapag may kakilala kayong turista ay puwede ninyo ring i-recommend."

Late-night TalksWhere stories live. Discover now