CHAPTER 23- LIMITED TIME

32 10 0
                                    


Nagpalit lang ako ng damit at pinilit ang aking sarili na pakisamahan silang lahat. Nang lumabas ako ay kaagad na lumapit si Tyron sa akin at walang salitang niyakap ako. Hinalikan niya rin ako sa leeg. Hindi naman ako nagsalita hanggang siya na mismo ang kusang kumalas.

"Ayos ka na?" usisa niya pa habang hawak ang aking kamay.

Hinding-hindi na ako magiging ayos pa, Tyron. I'm dying and I'm so sorry, baby.

Pinigilan kong maiyak na naman. Tinapik ko lang ang kaniyang balikat sabay tango. Binawi ko rin ang kamay ko.

Tahimik lang akong naupo at panaka-naka silang kinakausap. Nag-alibi lang akong masama ang aking pakiramdam para huwag nila akong kulitin.

"Hey, ayos ka lang? Gusto mo ng gamot?" mayamaya ay usisa niya sa akin.

Umiling lang ako. Hindi rin ako uminom dahil baka mag-tantrum na naman ako. Ako lang din ang magpapahamak sa aking sarili.

Pagsapit ng 12:00 a.m ay kaniya-kaniya na rin silang alisan. Nang papasok na ako sa aking unit ay mabilis akong napigilan ni Tyron.

"Lavinia..."

"Let's break up," tuwid kong sabi kahit na ako lang din ang unang nasaktan dahil sa katagang sinabi ko.

"W-What?" nautal niya pang pangugumpirma. Nanginig din ang kaniyang boses.

"Ang sabi ko ay maghiwalay na tayo. Ayaw ko na sa 'yo," may diin kong sabi.

Sarkastikong natawa naman siya sabay palatak. "Sa tingin mo ba ay papayag akong hiwalayan mo? Lavinia, hindi. Hindi ako papayag na..."

"Please, Tyron. I'm tired..."

"Then rest! Just rest, Lavinia. Huwag kang magbitiw ng mga walang kwentang salita. Break up? Naririnig mo ba ang sarili mo, ha?!"

"Oo, naririnig ko ang aking sarili at ang aking puso. Gusto kong makipaghiwalay na sa 'yo."

"Bakit? S-Sabihin mo sa akin ang dahilan para maintindihan ko."

Kahit hindi gano'n kaliwanag ang ilaw sa kinaroroonan namin ay malinaw kong nakita kung paano nagsilandas ang kaniyang mga luha.

Don't cry, Tyron. Mas lalo lang akong nasasaktan.

"Dahil... dahil..." Napaiwas ako ng tingin. Hindi ko kayang sabihin sa kaniya ang totoo at mas lalong wala akong alibi na masabi.

"Dahil may problema ka, hindi ba? Sabihin mo sa akin para matulungan kita. Hindi solusyon ang tumakbo ka papalayo at makipaghiwalay sa akin."

"Don't ask me and just let me go..."

"Walang maghihiwalay, Lavinia. Wala. Ano bang problema mo ngayon? Noong huling nagkaganiyan ka ay noong nalaman mong nagloloko sa akin si Allison. Sino ba ang nahuli mo ngayon? Si Rona? Si Daniel? Sino sa kanila?!"

"Are you crazy?!" bulyaw ko na talaga. "Wala sa kanila ang problema, okay? Ako! Ako ang problema, Tyron."

"Hayaan mo akong tulungan kang resolbahin ang problema mo."

Hindi mo na ito mareresolba. Kahit sinong doctor ay hindi na ako mapapagaling pa.

Kunwari ay sarkastikong natawa na lang ako. "Huwag mo na akong kakausapin bukas. Wala ng tayo."

Nagulat pa ako nang bigla niya lang siyang lumuhod at hawakan ang aking mga kamay. "Lavinia, please? Don't do this to me. Don't run away from me."

Hindi ko na napigilan pa ang aking mga luha. Namalayan ko na lang na dalawa na pala kami ang humagulgol ng iyak. Ume-echo pareho ang tunog ng iyak namin sa buong rooftop.

Late-night TalksWhere stories live. Discover now