CHAPTER 20- EXCUSE

33 27 0
                                    

"Ay kabayo!" malakas kong usal dahil sa gulat.  Mabuti na lang at hindi ko nabitiwan ang cellphone ko. "You scared me," reklamo ko pa.

Pasado 6:00 a.m na pero hindi pa sumisikat ang araw. Nitong buwan na ito ay napansin kong 7:00 a.m na ang pinakamaliwanag.

"Sorry, good morning," nakangiting bungad na sabi sa akin ni Tyron. "Come here," aniya pa sabay hila sa akin papunta sa mesa.

Nakita ko na naman ang coffee maker niya. May mga bread at palaman din na nakalatag sa mesa.

"Ang aga mo naman nagising. Akala ko ay tulog ka pa," sabi ko pa sabay upo.

"Excited akong makita ka. Mabuti na lang at nagising ka nang maaga."

"Mabuti na nga lang din dahil kung hindi ay sayang naman ang effort mong 'to," pabiro ko pang sabi.

Tumabi naman siya sa akin. Nabigla pa ako nang nakawan niya ako nang dagling halik sa labi.

"I love you," nakangiti niyang sabi.

"Thank you," sabi ko naman para asarin siya. Wala naman akong narinig na reklamo sa kaniya. Sa halip ay hinaplos niya pa ang mukha ko.

"Ang ganda mo."

"Ngayon mo lang ba nakita ang ganda ko?"

"Matagal na pero ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataon na sabihin sa 'yo 'yan."

Itinuon niya ang kaniyang atensiyon sa kaniyang coffee maker. Ang bango ng kapeng ginamit niya.

"Gusto kong mag-hello sa 'yo noong una nating kita doon sa front door ko pero na-intimidate ako sa ganda mo. Baka snob-in mo ako."

Natawa naman ako. "Grabi ka, ha?"

"Oo nga. Black dress ang suot mo tapos dirty white sling bag. Flat shoes lang din ang kapares pero matangkad ka pa rin. Bagay din sa 'yo ang braided hairstyle at clip na parang may pearl. Terno sa earrings mo."

Nagulat naman ako dahil sobrang detalyado ang sinabi niya at totoo lahat.

"Naalala ko rin 'yon dahil amoy na amoy ko ang pabango mo."

"Pabango? Ah, iyong kapareho ng pabango ng ex-boyfriend mo?"

Pinakatitigan ko siya at pinag-aralan ang kaniyang emosyon sa mukha. Iniabot niya sa akin ang tasa ng kape. Nang magtama ang aming paningin ay natawa na lang ako.

"Pinalitan ko na nga kahit paborito ko rin ang pabango na 'yon," sabi niya pa sa cute na boses.

Noong dumating siya galing Paris ay napansin ko ring iba na ang gamit niyang pabango. Hindi ko na lang pinuna kasi iniiwasan ko talagang mapunta sa mga gano'ng bagay ang usapan namin.

"Gamitin mo ulit..."

"No. Iisipin mo lang ulit na ako si Miguel, eh."

Ibinaba ko sa mesa ang tasa at kinuha ang cellphone ko. Naalala kong may in-order akong necktie kagabi. Bigla kasing nag-pop ang ads niyon kaya binili ko na. Sigurado akong bagay din naman sa kaniya 'yon. Saka ko na lang ibigay kapag may kapal na ako ng mukhang maging sweet sa kaniya.

"Nakikita mo pa ba ang ex-boyfriend mo?" usisa niya sabay abot sa akin ng tinapay na nilagyan niya ng palaman. Tinanggap ko muna bago sinagot ang kaniyang tanong.

"Kapag umuuwi ako sa amin ay oo. Magka-barangay lang kami."

"Kaya pala hindi ka umuuwi sa inyo?"

"Hindi naman siya ang dahilan kung bakit ayaw kong umuwi. Ang rinig ko ay may asawa at anak na si Miguel."

Late-night TalksOnde as histórias ganham vida. Descobre agora