CHAPTER 1

82 8 0
                                    

I know building my characters in the first 8 parts was a bit boring to read😁😁. SO SORRY GUYS! But I got no choice because it would really help you understand and feel the characters in the next coming chapters.

Tok! Tok! Tok!
Tatlong magkakasunod na katok ang gumising sa kaiidlip pa lang na si Zandreaj. Pilit niyang iminulat ang mga mata at kinapa ang cellphone sa side table ng kanyang kama. tsinek nya ang oras at napamulagat ng makitang alas sais y media na ng umaga.
"Holy S***t!!!
Napabalikwas s'ya sa higaan. Pakiramdam niya ay kaiidlip palang n'ya pero bakit tanghali na agad? Bumangon siya at binuksan ang ilaw. Dali-dali syang tumungo at tinakpan ang kanyang mga mata ng maramdamang mahapdi ang mga ito dahil sa liwanag. Binuksan nya ang pinto ng nakatungo habang kinukusot ang kanyang mga mata. Pares nang nike shoes na size 12 ang bumungad sa kanya at unti- unti syang nagtaas ng tingin. Mahahabang biyas sa loob ng levi's dark blue jeans ang sumunod nyang nakita at body fit na gray plain shirt na nakahakab sa mamuscle at malapad na dibdib ang sunod nyang nasilayan. Agad- agad napatingala si Zandreaj at naitakip ang kanyang dalawang kamay sa kanyang bibig ng mabistahan ang gwapong mukha sa kanyang harapan. Nakangiting mga mata na parang kumikislap kislap, matangos na ilong, maliit na labi na nakapaskil ang napakacharming na ngiti, at nakatali pataas na undercut na buhok. Mukhang matinee idol ang 22 year-old na lalaki sa kanyang harapan.

"Dreigh!!!"

Kasabay ng kanyang sigaw ay ang lundag nya sabay bitin sa leeg ng nakangising lalaki sa kanyang harapan.

humahalakhak na niyakap sya sa baywang at iniangat habang iniikot ng lalaki.

"Omigad!"
"is it really you?!"
Hinaplos haplos ni Zandreaj sa magkabilang pisngi ang lalaking tinawag nyang Dreigh para masigurong totoo ngang nasa harapan nya ito ngayon.

Tumatawang hinawakan ng lalaki ang kanyang mga kamay.

"Yes it's me."
"The one and only, your favorite cousin, kuya dreigh!"

Nakabuka ang mga kamay na turan nito.

Laglag ang mga panga ni Zandreaj habang tinititigan ang kanyang pinsan. hindi sya makapaniwalang kaharap nya ngayon ang gwapong-gwapong lalaki na ito na lagi nya lang pinapanuod sa tv tuwing may laban ang american soccer team nito. Wala itong nabanggit na uuwi ngayon nung huli silang magkausap bago sya umalis ng Cavite. Katatapos lang ng back to back championship game nito noong nakaraang linggo kung saan hinirang syang MVP. Nasa America lang ito last week, paanong andito na agad ito ngayon.

"What are you doing here?!"
"Why are you here?!"
"Omigad! I really can't believe it."
Sunod-sunod na tanong ng dalaga.

"Tinawagan ako ni lola, ihatid daw kita sa school kasi malilate kana. Ayaw nyang ikaw ang magdadrive ng scooter mo kapag nagmamadali ka."

"So you took a flight in an hour after the call and then you're here now,.ganun?"
Nakahalukipkip si Zandreaj at nakataas ang kilay. Alam nyang nangaasar ang kanyang paboritong pinsan.

"ok, I came last night, t'was a surprise so I did not make an announcement."
You were here in your room when I arrived at midnight so I told lola not to wake you up."
Tumingin si Dreigh Sa kanyang relo.
"Hindi ka ba papasok? it's 6:35, malilate kana."

Nataranta ulit si Zandreaj ng marinig ang oras. Dali- dali syang bumalik sa loob ng kanyang kwarto habang sumisigaw.
"I have to take a bath now! wait for me outside."

"Ok, ihahatid kita kasi hihiramin ko rin ang scooter mo, may imimimeet ako sa bayan."

Exactly 7:00 am nang lumabas ng kanyang kwarto si Zandreaj. Nakauniform na sya at bitbit sa likod ang kanyang backpack na itim. Tumuloy sya sa kusina kung saan patapos nang magkape si Dreigh.

"What do you want for breakfast dear?"
Malambing na tanong ng kanyang lola na nakaupo sa kabilang mesa sa harap ni Dreigh. Sumenyas ito sa kanilang kasambahay para ihanda ag almusal ni Zandreaj.

"I'm sorry lola, I don't think I could have breakfast with you this morning, I only have 15minutes before my first period. I got to go now."

Hinalikan ni Zandreaj ang lola nya at tumingin kay Dreigh na humihingi ng pagsegunda. Hindi sya papayagan ng matanda na umalis ng bahay na walang laman ang kanyang tyan, pero kaya itong kumbinsihin ni Dreigh, sigurado sya dun.

"I guess we have to go lola, I'll drive her to school and I'll make sure she'll have a good breakfast this morning."

Tumayo at humalik din sa matanda si dreigh, sa height nyang 6 ft, nagmukhang elementary students ang kayang pinsan at lola.

"Ok, please drive safely dear."
Tumayo na din ang matanda at sinundan sila palabas ng bahay.
Inihagis ni Zandreaj ang susi ng kanyang Nmax kay Dreigh.
Magkaangkas na lumabas ng bakuran ang magpinsan sakay ng Nmax ni Zandreaj.


PRETTY LITTLE DEVIL (He's Her Comfort Zone)Where stories live. Discover now